Chapter two

556 12 0
                                    

Hi! My name is Roel Tan I'm 32 years old. I have one younger brother, he's name is Mark Tan. I'm a business man. My grandmother retired from being a CEO in our company. And also we are the sponsor of Santo Tomas Education High School. Three times a month kami kung bumisita sa Santo Tomas Education High School.

"Good morning, grandma."

"Good morning din sa iyo, iho."

"Asan na ang kapatid mo? Bakit hindi mo pa tinawag?"

"Tulog pa siya la. Mukhang napuyat kagabi sa kakalaro. Kasi nung umuwi ako kagabi napansin ko na bukas pa ang ilaw sa kwarto niya. Hindi ko na lang po siya inistorbo. Hayaan niyo na po siya matulog. Ipagising niyo na lang po siya kay yaya mamaya."

"O! sige, kumain ka na at baka malate ka pa sa pupuntahan mo."

"Opo la."

Pagkatapos kong kumain. Nagpaalam kaagad ako kay lola.

"Bye La. See you later."

Habang papunta ako sa school may nakabunggo akong isang babae na nagmamadali. Sa sobrang lakas ng pagkakabunggo niya sa akin ay napaupo siya sa simento.

"Ano ba? Bakit ka kasi nakaharang sa dinaraanan namin ayan tuloy nabunggo mo ako." Habang sinasabi yun ng babae hindi man lang siya tumitingin sa akin.

Tsaka lang niya ako tinignan nung tinanong ko siya.

"Ammm, Miss, Sorry. Hindi ko sinasadya. Ok ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan? Baka may masakit sayo sabihin mo lang at dadalhin kita sa Clinic para mapatignan ka." tanong ko sa kanya.

"Hello! Miss, Ok ka lang ba talaga? Mukhang kailangan na talaga kitang dalhin sa clinic at mapatignan. Baka may masakit na sa iyo kaya hindi ka na makapagsalita diyan."

Mukha talaga siyang nasaktan. Hindi kasi siya nagsasalita at nakatingin lang sa akin. Mukhang kailangan ko na talaga siyang dalhin sa clinic.

"Ok lang ako. Wala namang masakit sa akin."

"pasensiya na talaga miss."

"Hindi, ok lang. Pasensiya na kung nabunggo kita nagmamadali kasi ako gawa ng malelate na kami ng kapatid ko sa pagpasok eh."

"Ahm! Sige alis na kami late na talaga kami eh. Pasensiya na ulit."

"Hindi Ok lang. Tsaka nga pala ako nga pala si Roel Tan."

"Hi! ako naman si Noemi Gonzales. Sige pasok na ako. bye."

"Ok! Bye. See you later."

Pagkasabi ko nun sa kanya bigla siyang tumakbo papasok sa Santo Tomas Education High School.

Maganda sana siya kaya lang mukhang suplada. Kasi tinarayan kaagad niya ako kanina.

Pumasok na ako sa Santo Tomas Education High School at dumeretso ako kaagad sa principal office.

"Good morning, Mrs. Principal. I'm Roel Tan and I'm here in behalf of my grandmother."

"Good morning, Mr. Tan"

"There's anything I can do for you, Mr. Tan?"

"Wala naman po. Gusto lang po kasi malaman ng lola ko kung maayos po ang pamamalakad ninyo dito sa eskuwelahan."

"Ah, yun ba. Ok naman. Maayos naman ang pamamalakad namin dito. Magagaling ang mga guro namin dito sa eskwelahan namin."

"Ah, ganun po ba. Kaya nga po pala pinatatanong ng lola ko kung maayos ang pamamalakad ninyo sa eskuwelahan na ito ay gusto niyang doblehen ang suporta niya dito sa school ninyo."

"Ah, ganun ba. Kung ganon maraming salamat po sa inyo sa pagsuporta ninyo sa school namin. Asahan ninyo na hindi namin kayo bibiguin. Mas gagandahan pa namin ang pamamalakad dito sa eskuwelahan namin para mas lalo kayong matuwa sa amin. Kung gusto ninyo ipapasyal ko kayo sa school namin para naman mapatunayan sa inyo na totoo ang aking sinasabi sa inyo at para malibot ninyo na rin ang school namin. "

"Sige po. Wala naman po akong appointment ngayong araw na ito."

"Sige, halika na at ipapasyal kita dito sa school namin."

"salamat po."

Habang pinapasyal ako ng principal sa buong school nakita ko ulit si Noemi sa pasilyo ng school habang kausap niya ang kanyang mga kaibigan. Ipinakilala sila sa akin ng principal.

"Good afternoon sa iyo Noemi."

"Magkakilala kayo ni Ms. Gonzales? Si Ms. Gonzales ay isa sa pinaka magaling na guro dito sa eskuwelahan namin kahit na tatlong taon pa lang siya dito."

"Nagkakilala po kami ng hindi sinasadya kaninang umaga nung papunta ako dito. Nakabunggo ko po kasi siya kanina eh."

"Ah! Ganun ba."

"O, siya. Sige Ms. Gonzales mauna na kami sa inyo at mukhang maglulunch na kayo."

"Sige po ma'am." Sabay-sabay na paalam ni Noemi at ng mga kaibigan niya.

My Autistic HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon