<table id="myReview" width="100%" border="0" cellspacing="1">
<tbody>
<td colspan="1"><span class="readable reviewText"><span id="freeTextreview630917757">Hindi ko ugaling dumaan sa magazine section ng bookstore dahil wala naman akong hilig sa artista. Kung may sasadyain man ako ron, malamang hindi ako magtatagal at ang dadamputin ko agad ay sports magazine. Pero sa sobrang dami ng taong namimili dahil malapit na ang pasukan, pinili kong umiwas at napadpad ang mga paa ko sa napakaluwang na magazine section. Nahagip ng mata ko ang maliit na libro. Akala ko Filipino manga kasi mala-anime ang cover.
DIARY NG PANGET.
Binasa ko yung summary. Hmmm... may kahawig. Baka isa na namang produkto ng nakakasukang chic-lit, masasayang lang ang pera. Ayoko non. Nasagap ng tenga ko ang usapan ng magbabarkadang geek (base sa pananalita at pananamit) na may hawak ng nasabing libro -- nabasa na raw nila yung part 3 sa internet. Gusto lang nilang magkaroon ng kopya kaya sila bibili.
Teka lang... Ano raw?! Internet? My Sassy Girl ang peg? Kaloka. Tinignan ko ulit yung cover, galing pala sa wattpad yung istorya. Oh--kay.
Samakatuwid, binili ko rin. Curious lang. Tsaka suporta na rin sa batang manunulat.
Isa lang ang tanong ko -- dumaan ba sa kamay ng copyreader ang draft?! Kasi naman, spell APPARTMENT.
Diyos ko day.
*__* FULL REVIEW: <a href="http://sprinterjin.blog.com/2013/06/03/diary-ng-panget-haveyouseenthisgirl/" rel="nofollow" target="_blank">http://sprinterjin.blog.com/2013/06/03/diary-ng-panget-haveyouseenthisgirl/</a></span> </span></td>
<tr id="update_comment_stuff_Review630917757" class="no_border">
<td> </td>
<td colspan="2"> </td>
</tbody>
</table>
BINABASA MO ANG
Wattpad Reads (Reviews)
RandomThis is the copyreader in me speaking. . . But most of the nonsense stuff came from my dead brain.