Malapad ang aking ngiti habang titig na titig sa babaeng iyon. No wonder, unang kita ko pa lang sa kanya, nahulog na kaagad ang puso ko.
Isang taon na ang lumipas simula nang mag break kami ng ex ko. I don't know, hindi lang talaga ko yung tipo ng tao na magagawa na mag girlfriend kahit ilang araw pa lang ang nakakalipas. Para kasing ang pangit kapag ganoon.
"Chooks, may ipapasa ko sayong number. Maganda yun." sabi sakin ni Jo. Kaibigan ko na ito simula pagkabata. Siya din halos ang nagpakilala sa akin ng mga naging girlfriend ko. Ayun nga lang, laging sumasablay.
"Talaga lang ha? Mamaya sablay na naman ako diyan." hindi ako naniwala na maganda siya dahil una sa lahat, hindi ko pa ito nakikita.
Kinagabihan, sinubukan kong itext si Es. Mukhang mabait naman siya, kaso hindi ko lang yata talaga gusto na mahaba ang aking tinetext.
"Bakit ang ikli ng mga text mo?" Napansin niya pala na maikli ang mga nagiging reply ko sa kanya. Ang totoo kasi, hindi talaga ko mahabang mag text lalo na kung hindi ko girlfriend.
Matagal tagal na rin kaming ganito. Halos araw araw at minuminuto na kaming nagkaka-text. Hindi ko maikakaila sa sarili ko na lubha akong masaya dahil sa mga nangyayari.
Minsan ay nagpapadaan siya sa aking ng group message na kailangan niya daw ng load. Hindi naman ako nag dadalawang isip na pasahan kaagad siya. Sana kahit sa simpleng pabor na ginagawa ko para sa kanya, maiparamdam ko itong aking nararamdaman.
Pansamantalang naputol ang aming komunikasyon ng masira ang aking cellphone. Damn! Paano na to? Hindi ko na siya magagawang itext! Tatlong buwan ang matagal na lumipas. Mabigat ito para sakin. Aminado ko na miss na miss ko na siya. Buti nga at nakayanan ko ang bawat araw na hindi ko man lang siya nakakatext o natatawagan.
"Pre, tinatanong ka ni Es. Hindi ka na raw kasi nagtitext sa kanya. Don't worry pre, sinabi ko na nasira yung cellphone mo."
"Salamat pre."
"Pero pre, mukhang naunahan ka na yata. Ang bagal mo kasi eh! May boyfriend na siya..."
Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig sa sinabi niya. Saglit lang akong nawala. Siguro, hindi niya lang talaga ko gusto kaya ngayon ay may nobyo na siya. Wala na akong magagawa.
Laking tuwa ko isang araw nang niregaluhan ako ni nanay ng isang latest samsung cellphone. Walang paglagyan ang saya ko ng mga oras na iyon. Dali dali kong kinuha ang sim at pagbukas nito ay tinext ko siya kaagad.
"Sino to?" reply niya sa akin. Na miss ko siya, sobra! Kaya ngayon, makikipag kulitan muna ko sa kanya. Bagong numero ang gamit ko, mas naging madali to para biruin siya. Sobra ang galit niya na halos ramdam ko hanggang dito, ako naman ay tuwang tuwa!
Grabe, na miss ko talaga to! Itong kulitan naming dalawa. Ang lahat... She has a boyfriend that time pero hindi parin ako tumigil. Di ko napigilan ang sarili ko na tuluyang mahulog sa kanya. Umaasa ko na balang araw, darating din ang tamang oras para sa aming dalawa.
Nagulat ako isang araw na tinanong niya ko kung puwede daw ba kaming maging mag bestfriend. Sa tingin ko, ito lang ang tanging paraan upang tuluyan kaming mapalapit sa isa't isa. She is now my bestfriend like she said. Tama ang naging desisyon ko. Kahit hindi pa rin kami nagkikita, ramdam ko na magiging okay kami kahit sa personal.
'Break na kami.' text niya sakin. Tinanong ko siya kung bakit, ang sabi niya ayaw na daw niya. Hindi na niya ito mahal. Ito na siguro yung tamang panahon para sa aming dalawa. Ang matagal ko ng hinihintay. Sisiguraduhin ko na sa pagkakataong ito, kami naman.
Bumagal ang lahat nang makita ko na siya. Finally! Yung mukha niyang medyo bilugan ang mukha, malalaking mata, mahabang eyelashes, at dimples na hindi karaniwan ang puwesto. She's really pretty in her own special way.
Napalitan ng pagkainis ang ngiti ko nang mapansin ang kanyang suot. Bakit kailangan niyang mag palda, mag eenroll kaya kami! Ayaw ko sa suot niya! Mababastos siya dahal dun ngunit hindi ko hahayaan na mangyari ang bagay na iyon! Gaya ng inaasahan, palagi akong nasa tabi niya. Lalong lalo na sa pila.
Pang mahigit 900 na ang numero na aming nakuha. Hindi namin namalayan ang oras dahil hindi kami nainip sa pag pila at pag uusap. Ang sarap niyang kausap, ang gaan kasama. Inimbitahan ko siya sa malapit na restaurant upang kumain. Alam kong gutom na siya, tamang tama din ito para masabi ko sa kanya ang matagal ko nang balak. Thank God, she said YES!
Masasabi kong sa una, parang sobrang dali ng lahat upang maging masaya kaming dalawa. Palagi na kaming mag kasama, hindi mapaghiwalay. Sa pagdaan ng panahon, naging sandigan namin ang bawat isa. Pero kagaya ng ibang relasyon, dumarating talaga sa punto na mag aaway kayo..Ngunit sa amin ang kakaiba! Dinaig pa namin ang aso't pusa sa pag aaway! Kahit na ang dahilan lang sobrang liit na bagay. Nasasaktan niya ko, nasasaktan ko siya. Our relationship is also like a merry go round, paikot ikot, paulit ulit... But you know what's amazing? We NEVER give up.Kahit kailan hindi kami nag break. Palagi naming inaayos ang lahat dahil may tiwala kami sa isa't isa, higit sa lahat, malaki yung tiwala namin sa aming pagiibigan.
She is now smiling at me. The very sweet smile of her, it knocks me right off of my feet. Napansin ko ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Gusto ko sanang punasan ang mga ito, ngunit hindi maaari. Nasa gitna na siya ngayon.
Napakaganda ng kanyang gown tamang tama lamang ito para sa kanyang katawan. Sa kabila ng belo sa kanyang mukha, lumulutang padin ang kanyang likas na ganda. Niyakap niya ang kanyang ama na ngayon ay naiiyak nadin. Lumapit ako sa kanila. Tumango si papa sa akin at bumulong ng mga katagang "alagaan mo ang aking anak." wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang din.
Sadyang tama nga ang mga matatanda sa kasabihan na "Sa hinaba haba ng prusisyon, sa simbahan padin ang tuloy."
Ang buhay pala maihahalintulad sa isang marathon, na kung saan ikaw ang kalahok. Napakahaba ng iyong lalakbayin... Marami kang dapat daanan, maraming liko at mga lubak. Kung di ka papalarin, maaari kang madapa, pero nasayo na yun kung mananatili ka sa ganoong posisyon, o mas pipiliin mong tumayo para mag patuloy.
Ganito rin sa relasyon. Mahaba ang inyong lalakbayin upang masubukan ang inyong lakas at tiwala sa isa't isa. Kung mamalasin, maaring matalo. Pero may pangalawang option, tumayo kayo na magkahawak kamay upang ipaglaban ang inyong nasimulan. Napakaswerte niyo kung aabot kayo dito, sa lugar kung saan nandito kami ngayon... sa harap ng altar kung saan ang aming finish line.
Salamat sa paglaan ng oras mo para basahin 'to! Muaaaaaa :*
endlessssss. xx
BINABASA MO ANG
Finish Line (One Shot)
SachbücherAng buhay ay parang isang marathon. Mapapagod ka at mapapagod ka... Pero susuko ka ba? thefoodaddict♥ ~ © 2014