Malawak, malalim, Malabo
Ang karagatan na nagwawalay sa atin
Lumalalim, lumilinaw, lumalala
Ang nararamdaman ko na nais aminin
Maiksi, mabilisan, maingay
Ang ating pagsasama
Malupit, marahas, mailap
Ang naging balak ng tadhana
Mahalaga, madami, Masarap
Ang nakaraang namayapa
Kinabahan, kinilabutan, kinilalang
Muli ang ating ala-ala.
Ninakaw, nilimas, nilipat
Ang pagtingin na dati'y lubos
Naglaho, napatungan, nawala
Ng unti-unti hanggang maubos
Paalam, panaginip, pansamantalang
Kaibigan na aking minahal
Pinaubaya, pero, Palaging
Laman ng aking dasal