Wishing Feather

26 1 0
                                    

Sabi nila, pag nakahuli ka raw ng Wishing Feather mula sa Dandelion at bumulong ng wish tapos hipan papunta sa langit, magkakatotoo ito. Hindi naman ako naniniwala dito sa belief na ito, pero minsan sinusubukan kong maghanap ng Wishing Feather kung sakaling meron pero wala akong nakikita. Hindi naman kasi totoo yung pag wish na yun, di mo naman malalaman kung ano ang kahihinatnan mo sa buhay. Pero nagbabasakali pa rin akong mapansin niya na ang nararamdaman ko, na may pag-asa ako kaya heto ako, naghahanap ng Wishing Feather. Wala namang masama kung subukan diba?

~~

"Raph!" Heto kami ngayon ng best friend ko sa playground sa school, nagkukulitan kasama ang iba naming kabarkada (sina Louise, Dorothy, Jed, at Jigs). Kahit na bawal dito mag stay ang mga High School students, medyo rebel kami. Bahala na kung may makakita sa atin basta sama-sama! Yan ang palagi naming sinasabi sa isa't isa pag tumatambay kami.

"Jaycee! Bakit?" Lumapit sa akin si Raph, short for Raphael. Medyo marumi na ang uniform niya dahil sa kalawang ng mga bakal sa slide. Narito naman ako maglalaro sana sa seesaw kaso busy yung iba umaakyat sa Monkey Bars.

"Dito ka muna saglit. Wala akong kasama sa seesaw. Go! Upo ka dun!" Sabay turo ko sa isa pang seat sa seesaw. Siya ang crush ko. Simula ng mabuo ang aming barkada noong first year hanggang ngayong fourth year, siya lang talaga laman ng isip ko at wala nang iba. Pero, di niya pa rin nahahalata ang feelings ko para sa kanya, o sadyang manhid lang, o kaya naman ayaw lang masira ang friendship namin.

Madalas kaming magkasama niyan ni Raph kesa sa iba naming kaibigan. Kami laging nagtutulungan sa homework bago namin ituro sa iba naming friends, sabay kami kumain at umuwi. Napaka-bait niya sa amin, tapos gwapo pa. Kaya ko siya nagustuhan eh.

Napag-desisyunan ng buong barkada na umuwi na dahil magdidilim na. Grabe dalawang oras kami naglaro sa playground ng walang nakakakita! Swerte naman namin! Haha!

Kaming lahat ay nagpaalam na sa isa't isa at umuwi na. Kami lang ni Raph ang natirang magkasama kasi magkapitbahay kami.

Habang nasa tricycle kami, napansin kong nakatitig si Raph sakin.

"B-bakit Raph? Creepy mo ah!" Sabi ko sa kanya sabay tawa ng onti.

"Wala lang. Cute mo kasi eh."

"Push pa Raph!"

"Oo nga! Hahaha!"

Biglang sumingit sa amin ang tricycle driver. "Ate, kayo po ba ni kuya diyan?" Tanong niya na ikinagulat ko. Kuya sana nga po.

"Di po kuya." Sagot ni Raph. "Friends po kami."

Aray! Dart sa hart yung sinabi ni Raph! Friends lang raw kami?! Grabe! Pero sanay na rin ako, lagi naman sinasabi yan ng mga kabarkada namin eh. Tulad ni Jigs, crush niya si Louise. Ilang beses niya nang sinabi friends lang raw sila.

Maya-maya nakarating na ako sa bahay ko. "Nandito na po ako!" Sigaw ko sa bahay para marinig nila ako. Only child lang ako kaya nandito ang tito't tita ko tsaka mga pinsan ko.

Lumapit sa akin ang nanay ko na medyo inuubo. Nakita ko sa siko niyang may pasa siya. "Jaycee anak nandyan ka na pala. Mag-meryenda ka na." Sabi niya sakin tapis hinalikan ko siya sa pisngi.

"Ma, may pasa ka ulit?" Tanong ko.

Tinignan niya ang pasa niya sa siko. "Ay oo! Natamaan kasi to kanina sa gilid ng lamesa kaya yan. Kain ka na." Convinced na ako sa answer niya dahil reasonable naman. Naranasan ko na yan eh. Hahaha! At dahil gutom na ako, kumain na ako, gumawa ng homeworks, at naghintay ng gabi para matulog. Ano na naman kayang masasakit na salita ang sasabihin bukas ni Raph?

**

"Meron kaya dito? Ay wala. Eh dito? 'ba yan. Dito naman kaya? Wala rin!"

Nandito ako ngayon sa playground sa school at mag-isa. Hanap ako ng hanap ng Wishing Feather kaso wala akong mahanap. Gusto ko na kasi mag wish doon at hipan papunta sa langit. Ang i-w-wish ko sana ay maging kami ni Raph. Yun lang ang wish ko at wala nang iba kaya sana naman matupad ito kasi ang simple-simple lang naman diba?

Wishing FeatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon