Ms. SAYANG

23 1 0
                                    

CHAPTER 1 - FLIPPY <3

Ako si Cassandra Offlight O. Labrador or simply "COOL" . Vocalista ng banda , Musikera , maganda daw... sabi nila , rockista , at ang pinaka-the-best na description , "Ms. SAYANG" . "Bakit ngaba ?" yan ang tanong nila... Gusto nyong malaman ? Well everyone , this is my story .

HIGH SCHOOL -FIRST YEAR

First day of school . Anong meron ? Wala naman... just the AWKWARD SILENCE when I entered the room . I took a seat beside a friendly chubby girl . Her name was Angelica . Nagpakilala ako sa kanya at siya ang naging first new friend ko . Akala ko yun na ang final seat position namin kaya lang nang dumating si Ma'am Edgelyn binago nya ang seat plan . So that means , "goodbye first new friend ! See yah around ! " 

Nilagay ako ni ma'am beside a guy . At first, I NEVER LIKE HIM ! Sino ba naman ang gustong maka-seatmate ang isang weirdo ? Tahimik lang . maya-maya tatawa lang ng bigla-bigla ! Ayy ewan ! Siya si Mark . Hindi ko nalang siya pinansin ... simula nung day na yun ... LAGI NA NYA AKONG INAASAR ! Nakakainissssss !

Mark: COOL ... tignan mo sa may pintuan ! Nanay mo !

Nang lumingon ako , eh hindi naman yun ang nanay ko eh ! Janitor yun ng school !

Cool: GAGO ! Eh hindi ko naman nanay yun ehh ! 

Mark: Ahh... ganun ba , akala ko nanay mo , magkamukha kasi kayo eh.  Parehong NEGRA! hahaha

Cool: Sumusobra ka na ! (Sinabunutan)

Mark: Wag! Wag mong gagalawin ang buhok ko! 

Ehh ayaw nya palang magalaw buhok nya eh! From that day forward he became my best enemy. Galit ako sa kanya, galit din sya sakin! Napunta nga to sa teacher eh, na-Principal's office pa! Putek naman oh -_-

A week later, nakilala ko na lahat ng classmates ko , yun nga lang , wala pa gaanong close friends . Pero may isang lalaki na nung unang araw pa lang ay na-cute-an na ako. Itago nalang natin sya sa pangalang... Flippy . 

Hindi ko lang sya pinansin nun kasi wala pa talaga ako sa mood mamansin ng dahil dun sa mokong na Mark na yun . Pero , OH MY JEEEEE ! Siya pa ang unang pumansin sa'kin !

Flippy: Tara groupmates , linisin na natin ang gym ! Pero , ililista ko muna mga pangalan niyo . Jeff , Nel , Arnold , Nemme , Beatrice , at ikaw ? anu nga pangalan mo ? (habang nakapoint sa akin)

COOL: Cool ang pangalan ko ...

Flippy: Ahh ... Hi Cool , ako si (Flippy) :)

Kilig much OVERLOAD ! Yun ang araw na okey na sa'kin ang lahat kahit wala pang close friends ! hohoho I admit , Flippy was my first crush.

Dumaan ang mga araw , dumami ang friends ko . At ang pinaka-the best , naging close kami ni FLIPPY ! Isang araw nga nung culmination namin sa school , kami ang before care. Pagod na kaming lahat umuwi na ang iba. Ako nalang ang hindi nakatapos maglinis. Hinintay pala ako ni Flippy. Nasa Stage ako naglilinis nun at nandoon sya sa audience's chairs. 

"BILISAN MO CINDERELLA!" sabi ni Flippy

"ANU KA SINISWERTE ?! Tulungan mo kaya ako dito." 

Tapos... tumawa lang sya. Binalin ko na ang atensyon ko sa paglilinis para matapos na. Hindi ko namalayan, hinay-hinay syang lumapit sa akin at pinindot ang tagiliran ko ! Nagulat ako , yun bang GULAT NA GULAT ! Tapos ... kinuha nya ang walis mula sa kamay ko at para bang tumigil ang mundo nang naramdaman ko ang haplos ng kamay nya ...

Ms. SAYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon