Marie's POV
Woooooooooo! Love you ms author! :)
Naks may POV din ang lola niyo! XD So anyway para sa mga hindi nakakakilala sa beauty ko, ako nga pala si Marie Grey Valdez the ever goddess next to my best. Hahahaha!
(Sasabunutan ako ni Ash kapag nalaman niya na ako mas maganda sakanya! Hahahahahahaha!)
Sa pagkakaalam ko napakilala na ko ni Ash e. Echoserang yun! Inagawan pa ko! HAHA! Joke lang. Kahit naman ganun yun mahal na mahal ko yun! :">
Andito kami sa bar ngayon since wala kami parehas ginagawa. Mga parents kasi namin sobrang busy e. Hays, lalo na yung kay Ash. Kaya nga din nag'rebelde yan dati pero nagbabago na naman siya kahit papano. Hay nakoooo! Never mind na nga lang yung past niya. Bar to! Hahaha! Papakasaya muna kami.
Nagpaalam sakin si Ash na pupunta sa washroom so ako lang mag'isa dito sa couch.
"A beautiful lady like you shouldn't be alone."
Nagulat ako! Grabe kabute lang ang peg?! Makapang'gulat naman!
"Really? Is that a bad thing?"
Sympre hindi papatalo ang cassanova bitch no? >:)
"No but I was just wondering. Who would want to leave someone like you."
Adele ikaw ba yan? HAHAHAHAHAHA! Okay stop na. Hahaha!
"Well, maybe they just can't appreciate a beautiful lady like me."
"You're funny. Haha. I'm Vincent."
"Am I? Nice to meet you Vincent. :)"
Tumayo na ko sa couch.
"Hey wait"
Hinawakan niya ang braso ko
"What's your name?"
"It's for me to know and for you to find out. :) Bye"
That's me when it comes to boys. I left them something to find and since I know all of them, of course they will because they think I'm mysterious. Typical. :) Anyway, I headed to the washroom since medyo matagal na si Ash. Pero wala siya dun so bumalik na lang ako sa couch ulit. Babalik din naman si Ash maya maya. Good thing wala si- wait ano nga ulit name niya? Haha. Yaan na nga.
I saw Ash. Naku tong babae na to! Buti na lang matino pa naman siya. Mahirap na may pasok pa kami bukas.
"Where have you been!?" Sabi ko pagka dating niya.
"Andun lang sa Dance floor. I just met some guy and nakipag'chat lang."
"HEP! And of course kaya hindi ako bumalik ay dahil may kasama ka na ho kasi dito kanina. >:)" Ash
Naramdaman ko na parang uminit yung mukha ko. Hala ano to?! Nag'bublush ba ko? NO! Baka mainit lang dito sa lugar na to. Oo yun nga.
So umalis na kami sa bar. I've decided na kela Ash na lang matulog since it's already late and tamad tong babae na to. Haha. Hindi na ko niyan ihahatid sa bahay namin since out of the way na.
Nag'ayos na kaming dalawa nung nakarating na kami sa bahay nila. Buti na lang may extra uniform and damit ako din in case of emergency. :) Humiga na ko sa kama and si Ash ay nasa cr pa. Yep, hindi ako natutulog sa guest room nila. Haha. Ayoko dun! Baka kasi may mumu e tsaka since mag'bestfriend kami ni Ash tabi na lang kami. Hoho =))
Lumabas na siya and we both drifted off to sleep.
--
Hope you like it. ♥
BINABASA MO ANG
Three Months to Live
FanfictionLife is unpredictable. Be happy and contented of what you have right now because it might be gone in just a blink of an eye. HELLO FRIENDS! Eto nga pala ang story ko! Hope magustuhan niyo. :)