Prologue

2.7K 92 23
                                    


"WE need some space, Alfonso. I think you need more time and you have to focus on your carer. And I think I'm the one who bothering you," sabi ni Lani sa kanyang boyfriend na si Alfonso Conde. Kausap niya ito sa phone habang nasa airport siya. Pauwi na siya ng Pinas.

"No! We have to talk first, sweetie!" protesta nito. Biglang lumaki ang boses nito na kanina ay napakalamig.

"We are talking now, Sweetie. I just arrive here in airport. Meron akong gagawing project sa Pinas for one month."

"Fuck! What the hell was going on? May problema ba tayo? And I'm not an idiot to accept your decision without talking to me personally! Cancel your flight and come home! Or I will go there!"

"No!" Pinatay na niya ang telepono.

Tinatawag na ang mga pasahero na bibiyaheng Pilipinas. Pumila na siya para makasakay sa eroplano. May kalahating oras din bago siya nakasampa sa eroplano. Hinahanap niya ang kanyang upuan nang biglang tumunog ang cellphone niya. Pagtingin niya sa kanyang cellphone ay tumatawag si Brian, ang pinsan ni Alfonso.

"Hello?" sago niya.

"Lani, please come here in Wolkford Hospital! Naaksidende kami!" garalgal ang boses na sagot ni Brian.

Para siyang natuklaw ng ahas. Hindi na niya nasagot si Brian. Basta tumakbo na siya pababa ng eroplano.

Pagdating ni Lani sa ospital ay nadatnan niya si Alfonso na nasa Emergency room at inaasikaso ng doktor. Katabi nito si Brian. Dumudugo ang noo nito. Pero ang napuruhan ay ang kanang binti nito. Si Brian ay kaliwang braso ang napilay. Wala itong masyadong pinsala sa katawan. May benda rin ang kaliwang kamay ni Alfonso.

Natataranta siya. Hindi niya alam kung paano lalapitan si Alfonso na hindi siya nagu-guilty. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ito magmamadaling sumakay ng kotse at magmaneho para lang mahabol siya. Ang akala kasi niya ay hindi nito iyon gagawin dahil ang sabi nito ay may taping ito sa isang pelikula. Noon kasi ay wala itong pakialam kahit saan siya magpunta.

Nang iniwan na ng doktor si Alfonso ay nilapitan kaagad niya ito. Akmang hahawakan niya ito sa balikaw ngunit marahas nitong iwinaksi ang kamay niya.

"Bakit bumalik ka pa? Kung aalis ka, umalis ka! Leave me alone! You need space 'di ba? Then what are you doing here? You're free to leave!" asik nito sa kanya.

Napaatras siya. Bigla na lang tumulo ang luha niya udyok ng kirot sa kanyang dibdib.

"I-I'm sorry. Akala ko, maiintindihan mo ako," aniya.

"Leave me alone, Lani. Ayaw kitang makita," mahinahong nang sabi nito.

Humagulgol siya. Natatakot siya na ipagpilitan ang sarili rito baka lalo lamang siya nitong itaboy. Ang nurse na mismo ang nakiusap sa kanya na huwag nang galitin ang pasyente baka raw bumuka ang tahi nito sa ulo.

Umalis siya kahit parang dinudurog ang puso niya. Hindi niya akalain na ganoon ang kahinatnan ng desisyon niya. Alam niyang mali, pero iniisip lang niya ang kanyang sarili. Masyado na siyang nagmumukhang tanga dahil sa patuloy niyang pakikisama kay Alfonso, samantantalang hindi alam ng media na magkasintahan sila. Inilihim ni Alfonso ang relasyon nila dahil nakakabit ang pangalan nito sa isang sikat na anak ng movie producer at isang model na si Andrea Green. Kilalang script writer ng mommy ni Alfonso, at ito ang naging daan para ma-link si Andrea kay Alfonso. Ang alam ng media, si Andrea ang girlfriend ni Alfonso. At alam din niya na hinahabol ng mommy ni Alfonso ang pagkakaroon ng share sa movie production, kaya gusto nito na pakasalan ni Alfonso si Andrea.

Hindi niya inamin kay Alfonso na nasasaktan siya sa sitwasyon nila. Matagal niyang hinintay ang pagkakataon na aaminin ni Alfonso sa media na siya ang totoong girlfriend nito. Matagal din niyang inasahan na ipaglalaban siya ni Alfonso sa mommy nito. Pero dumating na ang panahon na napapagod na siya sa kakatago. Na-realize na rin niya na sa loob ng tatlong taon na relasyon nila ni Alfonso, ni hindi siya nito nabigyan ng public date. Ni hindi nito pinagbigyan ang anniversary wish niya na mamasyal sila sa Paris. Ang masaklap pa doon, never siya nitong inakbayan o hinalikan sa dating places na gusto niya. Kaya sino ang mag-aakala na magkasintahan sila? Sa dami ng kamag-anak nito sa New York, si Brian lang ang nakakaalam na magkasintahan sila.

Lulan siya ng taxi pauwi sa kanyang apartment. Hindi na niya mare-refund ang plane ticket niya. Ayaw din niyang tumuloy umalis. Palilipasin lang niya ang ilang araw bago muling kakausapin si Alfonso. Baka sakaling nadala lang ng init ng ulo ang binata.

PAGKALIPAS ng isang linggo, nalaman niya mula kay Brian na nakalabas na ng ospital si Alfonso, pero hindi pa rin ito makapagtrabaho dahil injured paa ng binti nito. Tinatawagan niya ang binata ngunit hindi siya sinasagot. Ayaw din siya nitong kausapin kahit nakiusap siya kay Brian na ibigay ang phone rito.

Naglakas-loob siya na dumalaw sa bahay ni Alfonso, pero nasa gate pa lang siya ay hindi na siya tumuloy dahil nakita niya si Andrea sa garden at kausap si Alfonso na nakaupo sa wheel chair. Naroon din sa 'di kalayuan ang mommy ni Alfonso. Pakiramdam niya'y may bumubusa sa puso niya habang saksi kung paano subuan ni Andrea ng pagkain si Alfonso, bagay na siya dapat ang gumagawa.

Nangilid ang maninipis na luha sa kanyang pisngi. Parang sumpa ang senaryong 'yon na habang buhay niyang pagsisisihan. Umalis na lamang siya at itinuloy ang pagpa-book ng plane ticket pauwi ng Pilipinas. Nagpaalam siya sa kanyang manager na magbaabkasyon muna siya kahit kalahating taon. Pero ang totoo, hindi siya sigurado kung makakabalik pa siya.

Iniisip niya, malaki na ang naipon niang pera, puwede na iyong panimula ng negosyo. Isa pa, nakikilala na rin siya sa showbiz sa Pinas kaya hindi siya nag-aalangan na mawala siya sa industriya.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOS BASTARDOS Series 3, Alfonso (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon