Chapter 4

71.7K 1.4K 25
                                    

CHAPTER 4

            "Keesha, the offer is still open." Gusto niyang mapangisi ng makita ang pagkakakunot ng noo ni Keesha sa sinigaw niya. Napatingin din dito ang kapatid nito at si Guille na halatang nagtataka din sa kanyang sinabi.

"Again san gabrielle, No!" Iyon lang at naglakad na ito palayo sa kanya kasama ang pamilya nito rather pamilya ng kapatid nito.

"Hayy, sana palagi nalang may bata sa paligid." Narinig ni Avery na wika ni Ice.

"Tama." Sang-ayon naman ng iba.

"You like kids that much?" he asks.

"Kasi doc, kapag may kids ay saka lang namin nararamdaman na tao si Keesha. Katulad nalang kanina parang akala mo isang walking zombie pero ng dumating iyong gwapong si baby Chance ay parang nawala iyong tamlay niya sa mundo. Sa mga bata lang siya warm eh kapag sa ibang tao nagrerelease siya ng aura na talk to me and you are dead rotting in hell. Sayang, kapag nagkataon magiging good mommy si Keesha because she is good with kids.”

Minsan lang siya makarinig ng ganoong klaseng papuri mula sa bibig ng ibang babae. Ang iba ay nagseselos o kaya naman ay sinisiraan ang isa’t isa. Maybe what they said is true kahit na cold and distant si Keesha ay mabuti ang pakikitungo nito sa mga kasamahan nito sa trabaho kaya ganoon nalang kung purihin siya ng mga ito.

"Weird, binibuild up niyo talaga si keesha sa halip na magalit at mainis sa kanya dahil sa treatment niya sa inyo."

"Naman! Kahit naman yelo iyo ay mabait naman iyon malaki na rin ang tulong na nagawa niya para manatili kaming matino sa hospital na ito." Si ice.

"Di ba naging kayo ni keesha, doc. Paano ba siya maging girlfriend?"

Inalala niya ang kanyang nakaraan masyado ng maraming babae ang dumaan sa buhay niya kaya hindi nakapagtatakang makalimutan man niya ang sa kanila ni Keesha. Well, their relationship is not really that special hindi naman sila nagtagal hindi ba? Wala siyang maalala eh.

"Actually, halos wala na akong matandaan. But one thing is for sure, she was not as cold like now." That’t true she always have a smile for everyone kaya nga siguro niya ito napansin dati dahil ito iyong palaging nakangiti.

"Tama!" Biglang sigaw ni Rita. "Hahanapan natin ng kadate si keesha. Iyong bagay sa kanya, gwapo, matangkad, macho, may pinag-aralan, mayaman... just like doc."

Ano na naman kaya ang iniisip ng mga ito? He smells trouble.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon