Lahat naman siguro ng tao nagkakaron ng crush .. Sino ba namang hindi nakakaranas nun diba? Sabi nga nila ABNORMAL daw ang walang crush.
Ano nga ba ang CRUSH ?
> Sila yung nagmimistulang inspirasyon mo.
>Sila yung dahilan kung bakit ka nag-aaral ng maayos.
> dahilan kung bakit ka nag-aayos o nagpapaganda.
Bakit mo ginawa ?
> Syempre para magustuhan ka nila. Para mapuri ka, sasabihing "Uy ang galing mo naman" o di kaya "Uy ang ganda mo naman"
Minsan nga kahit simpleng pagsasabi lang sayo ng crush mo ng "HI" halos mabugbog mo na yung mga kaibigan mo sa sobrang kilig ... relate ?
Pero hindi maiiwasan ang magselos sa mga ka-close niya. Grabe nuh ? Kahit simpleng so-called CRUSH lang yan nagseselos ka pa rin at minsan dumadating sa punto na kailangan mo nang mag-MOVE ON.
CRUSH ?
> Sila yung dahilan kung bakit maaga ka pumapasok sa school dahil gusto mo siyang MAKITA.
Lahat ng tungkol sa kanya halos alamin mo na dahil gusto mo siyang makilala ng sobra.
Minsan nga pakapalan ng mukha sa paglapit sa barkada niya para hingin yung number niya pero pagnakuha mo na, hindi naman itetxt .. Parang naging DISPLAY lang yung number niya sa contacts mo ..
Minsan dumadating pa sa punto na magpapaka-stalker ka .. Susundan mo siya kahit saan siya magpunta .. Yung hindi mo magawang alisin yung paningin mo sakanya .. Tinitingnan lang siya sa malayo dahil para sayo ang pagtanaw sa kanya kahit malayo ay sapat na .. Pano pa kaya pag-pinansin ka niya diba ? Edi nag-harlem shake at gimme gimme ang puso mo sa tuwa ..
Pero pano kung malaman mong may BOYFRIEND/GIRLFRIEND na si crush ?
Kahit crush mo siya ang sakit pa rin diba ? Kasi syempre umasa ka din naman na magugustuhan ka niya ..
Bakit ka umasa ?
> dahil nadala ka sa imahinasyon mo .. kagaya ng magiging kayo o liligawan ka niya ..
Hindi naman kasi lahat ng imaginations nagkakatotoo .. Sabihin nating 20% pwedeng magkatotoo yun pero 80% parin yung possibility na hindi magkakatotoo yun ..
kaya nga TOO MUCH EXPECTATION HURTS diba ?
Sa CRUSH life ...
Hindi maiiwasan ang matuwa, kiligin at higit sa lahat MASAKTAN !!
Kaya mahirap din umasa sa isang bagay na inaasahan mo tapos hindi pala mangyayari ..
Masaya magka-crush at the same time mahirap rin .. dahil HINDI MO KONTROLADO ANG NARARAMDAMAN MO ..
Kaya mas mabuti nang IWASAN MONG MAHULOG AGAD SA ISANG TAONG HINDI KA KAYANG SALUHIN ..
Pero syempre meron din namang nagkakatotoo .. pero hindi lahat !!
SAN BA HUMAHANTONG ANG CRUSH ?
> lahat naman siguro ng crush umaabot sa part na .. UNTI-UNTING LUMALALIM YUNG NARARAMDAMAN MO SA KANYA ..
Hirap iwasan nuh ? HINDI NGA KASE KONTROLADO YUNG DAMDAMIN !! Kahit ayaw mo nang lumalim pa, hindi mo mapigilan yang puso na dun sa taong yun tumibok ..
pero siguro kaya ganun yun ay para matuto tayo .. Matuto saan ?
> matuto tayong alamin kung dapat na ba nating pigilan o ipagpatuloy ang ating nararamdaman ..
Bakit ?
para hindi na tayo masaktan ..
Pero sabi nila .. HINDI DAW TAYO MATUTUTO KUNG HINDI TAYO MASASAKTAN.
Isa lang naman ang paraan para hindi ka masaktan ng dahil sa crush na yan .. WAG KANG MAGPAPADALA SA MGA IPINAPAKITA NIYA para kahit papano maligtas ang sarili mo sa mga sakit na pwede mong maramdaman. Pag-umasa ka sa mga pinapakita niyang sweetness o kung ano pa , dahil hindi lahat ng yon ay totoo ..
PAANO KUNG LUMALIM YUNG FEELINGS NIYA KAY CRUSH EH MAY KARELASYON SI CRUSH ?
it's a BIG BIG "X"
because you already know na may karelasyon na siya pero hindi iniwas yung sarili mo !!
Yes, you can love him behind his back .. but think about it ..
NASASAKTAN KA NA NGA, NAGPAPAKATANGA KA PA !!
May nililigawan o girlfriend si crush ?
> pahiwatig lang yan na dapat alamin at matutunan mo na ang salitang TAMA NA at MOVE ON .
Hindi mo kaya ?
> Pwes kayanin mo para hindi ka magmukhang tanga sa mata ng iba .. dahil kung gusto mo talagang mag-move on, gagawa at gagawa ka ng paraan para maka-move on ka hindi yung GO WITH THE FLOW ka nalang .. dahil hindi lahat ng bagay nadadaan sa GO WITH THE FLOW.
Kung mag-go go with the flow ka para mo naring pinalabas na mukha kang aso !! Sabi nga nila "Huwag mong habulin ang taong ayaw sayo, TAO ka hindi ASO"
Tsaka may mahal na siyang iba wag mo ng ipasisikan ang sarili mo sakanya .. Marami pang lalaki sa mundo at deserving para sayo.
"Sardinas lang ang sumisiksik sa lata."
BINABASA MO ANG
Ang Crush Life
RomanceLahat tayo may crush .. Sabi nga nila abnormal daw ang isang tao kapag wala siyang crush narito ang ilang paraan para magkaroon ng matiwasay na crush life.