Nakatayo siya sa isang sulok ng aking kwarto, tumitingin sa akin. Di ako makagalaw kasi takot na takot ako baka ihila niya ako't dalhin kung saan siya nakatira
"Angel.."
Tinawag niya ako ngunit, Di ako kumibo. Mukhang di na nga ako makahinga kasi papalapit ng papalapit siya sa akin. Paulit-ulit niyang binigkas ang "Angel" hanggang sa makarating siya sa dulo ng kama.
"Angel.."
Nanigas ang ang buong katawan ko sa pagtawag niya sa akin. I can't even look him in the eye. I keep my guard down, watching my feet and not even glancing to him. Nay, Tay.. for the first time in my life I'm scared
"Angel.. I love you"
Those 3 words that he said, make my heart stop. Tumingin ako sa kanya "You're a devil" bulong ko.
I saw him, moving towards me at bawat hakbang niya patungo sa akin ay natatakot ako. What shocked me the most ay hinawakan niya ang braso ko.
Hinawi ko ang braso ko at nilagay sa aking likod. It burns like hell.. his home
"Dont touch me" I said, almost whispering dahil napapaso pa ang braso ko sa paghawak niya
When I raised my head to face him. I jumped, dahil ang mukha niya ay umaapoy sa galit.
"You are my girlfriend, Angel." and then he dissapeared like a wind.
Ang demonyo hindi marunong magmahal, Pero bakit siya? Isang nilalang na hindi nakatira sa lupa kundi sa may sunog, he is definitely inlove with me but..
"I don't love devils" I whispered.
Pagkagising ko sa umaga, Nagdasal muna ako at nagpasalamat sa Diyos na ginising niya ako ngayon. Dumiretso ako sa banyo at naligo kasi papasok ako sa paaralan. Pagkatapos kong maligo at magbihis, nagsuklay lang ako. Mahaba kasi ang buhok ko at natural hindi ko pa ginagamitan ng kung ano-anong medisina
Kukuha sana ako ng clip pero may pumigil sa akin
"Huwag ka nang magpaganda, Maganda ka na sa itsura mo" sabi niya at ngumiti. Maputi naman ang kanyang ngipin pero nakakatakot ang mukha niya, sunog at maraming peklat.
Sinunod ko ang utos niya at binaba ang clip na kinuha ko.
"Una na ako" sabi ko na nakayuko. Hindi ko na siya tiningnan at dumiretso na ako sa baba upang mag-breakfast
Binati ko muna ng 'Good morning' ang Nanay at Tatay ko tapos umupo. Nagsisimula na akong kumain ng tinanong ako ng aking Nanay
"Anak, Namumutla ka ah. Matagal ka ba natulog?" sabi niya
"Opo nay tinapos ko lang ang Paper works namin.." sabi ko sa kanya at nagsimula na akong kumain
"Ah ganun ba, Sige pagkatapos mong kumain ipapahatid na lang kita sa Driver"
"Wag na po Nay, Susunduin po ako ni Kyle ngayon ho" I said while glancing at the door of the kitchen. Nakatayo kasi siya at nagmamasid sa akin.
Nung marinig ko na ang sasakyan sa labas, Tumayo ako at nagpaalam sa kanila na pupunta na ako sa school. Nagmamadali akong lumabas baka habulin ako ng demonyong yun.
Pagkasirado ko ng aming gate sa bahay, nakita ko si Kyle na palabas sa sasakyan niya. He wore our school uniform.
Smiling, I went to him and kissed his cheek.
"Good morning babe" bati niya sa akin at lumabas ang napalalim na dimples niya.
"Good morning rin, Tara na?" at bilang napaka-gentleman siya pa ang nag bukas ng pinto sa passenger seat. The Gentle side of Kyle.