I LOVE YOU TO THE MOON AND BACK (ONESHOT)

55 1 0
                                    

Sa buhay di mo alam kung kailan ka tatamaan

Kung paano ka iibig,

Bakit ka ng mamahal,

Sino ang taong  sasabihan mo ng ILOVEYOU!

MAMAHALIN KA RIN BA NYA?

SASALUHIN KAPAG TULUYAN NG NAHULOG SAKANYA?

O IIWASAN AT PABABAYAAN NALANG ANG DAMDAMIN MO PARA SAKANYA..

masakit ,mahirap ,nakakainip maghintay sa taong KAIBIGAN KA LANG ! ...

Pero Masaya paring umasa kahit sa isip at puso mo lang na mas mahal ka nya ^_^

"CHIBIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII!!!!!" isang malakas na sigaw mula sa likuran ko ang gumising sa natutulog kong mantika ..  haysss sya nanaman siguro yun pinaglilihian talaga yata ako neto ee

"Ano bang problema mo sa buhay at kailan idamay mo pa ko? " inis kong nilingon ang ultimate bestfriend kong si Rain Chibi ang tawag nya saken kahit Dianne naman ang pangalan ko  ewan ko ba mukha daw kase akong cartoon alam nyo yun yung malilit at cute na nilalang sa mga anime -,- sweet nya noh

"ito naman tampuhin kiss kita dyan ee" akma namaing hahalikan ako kadiri!

"hoy! tantanan mo ko kung mahal mo pa buhay mo ah wag ka nga makadikit saken inis parin ako sayo" sabi ko sakanya na parang bata sya tase eh ang damot :'(((((

"ano? di ka parin nakakamoveon nakalaya na yung kapit bahay namen sa preso nagtatampo ka parin?" sabi naman nya sakin na nakapamewang pa HAHAAH cute din ang mukong na to ah

"Tse. pakealam ko sa kapit bahay nyo? saka anong koneksyon nya sa hinihiram ko sayo? hawak ba nya yung CD na yun?" sabi ko sakanya , nakakatampo kase ee Die-hard-fan talaga ako ng music kaya nung malaman ko na nagpaburn sya ng CD nang lahat ng kantang gusto ko eh kinulit ko na syang ipahiram sakin yun  ang kaso inuna nya pa yung mga babaeng kaklase namen pahiramin porket mga chiks at hindi chibi gaya ko? huhu nakakaiyak kahit mababaw HHAHAAHA oo OA eh -_______- .

"ang sungit mo naman chibi meron ka ba ngayon? diba lalake ka panu ka magkakaroon? eh binata ka eh!" insist nya pa nakuuuu baket nga ba ko na iinis ng ganito naiintindihan ko naman eh.

"ah. basta wag mo kong kausapin" sagot ko naman sakanya

"sige bahala ka!" pagkasabi nya nun ay agad syang tumalikod sakin aba! ang kupal na yun nagawa pang mag walk-out hmpf. bahala ka nga >.< ..  

Pagkatapos nun ay agad na kong umuwi samin wala na ko sa mood para rumampa ! ganun lang talaga siguro ang mga taong nagngangalang Dianne Ballesteros heheehe topakin at tampuhin  maraming nagsasabi na cute daw ako siguro sa height ko di ako maganda di rin naman ako panget normal na pagmumukha lang ang meron ako, HAHAHAA  1styear collage na ako sa kursong criminology ayun lang kase ang coarse na swak na swak sa personality ko .   Yes Im not that girly yet I'm not that boyish type of girl masasabi ko na one of the boys lang ako sa kilos, pananamit, paguugali at pakikihalubilo naniniwala kase ako na the best na magiging bestfriend nang babaeng katulad ko ay mga magugulong  lalake yung tipong di nila ako titignan bilang babae at pakikisamahan ako gaya ng isang tunay na lalake puro tawa lang kase di tulad pag babae medyo madrama, at nakakaloka yun !!   kaya puro guys ang tropa ko pero may iilan din na gals at parang ako rin sila.. ay! osha daldal ko na ihh :DDDD        

KINABUKASAN      

 "Chibi magkaaway kayo ni rain?" bungad sakin ni allen guy friend ko rin -_____- na dinaig pa ang babae pagdating sa chismis.    

  "ano? sino nagsabi? "tanong ko naman

"eh kase kanina nung sinabi ko na parating ka na umalis ee walang sabi sabi parang galit!" pagkwekwento nya with action pa talaga!

I LOVE YOU TO THE MOON AND BACK (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon