Kinabukasan ay pumasok na ako ng eskwelahan at may mga ilang tao na nagalala sakin kaya nag tanong at kinausap nila ako ng biglang may yumakap sa likod.
"Magaling ka na ba?"
Kilalang kilala ko ang boses na ito...si Zeke...
Namula agad ang teinga na binulungan ni Zeke.
"Ano nanaman gusto mo!?"
Ang tingin ng lahat saming dalawa ay Aso't pusa dahil lagi kaming nagaaway pero di alam ng lahat na binubully ako ni Zeke.
Kasama na doon ang aking damdamin kay Zeke na aking pinakatatago sa aking damdamin.
"Wala nangangamusta lang naman"
"Di ko kaylangan ng pangangamusta mo!"
"Tsk tsk tsk talaga ba?😏"
Ano nanaman binabalak nitong animal na ito!?
"A-Ayus lang..."
Natameme nalang ako dahil baka kung ano pang gawin sakin nitong lalaking to.
Naupo sya sa upuan ko at natulog sa desk ko.
Ha!?Pumasok ba tong lalaking ito para matulog!?
Nagbell na at dumating na ang seatmate ko pero ayaw naman nilang gisingin ko ang prinsipe nilang mahimbing na natutulog sa desk ng iba kung kaya't naupo muna ang seatmate ko sa ibang upuan.
Habang nagklaklase ay di ako makapag concentrate dahil gustong gusto!ko talagang pag tripan ang katabi ko ngayon.
kinuha ko ang pentel pen sa bag ko at susulatan saa sya sa noo ng hawakan nya ang kamay ko.
akala ko ba tulog tong gagong ito!?
kunuha nya ang pen ko sa kamay at ibinulsa pinatagilid nya ang ulo nya at ngayon ay nakaharap saakin.
hahawkan ko sana ang pisngi nya dahil mukhang malambt ng hawakan nya ang mga kamay ko at halikan ito.
binawi ko agad ang aking kamay at humarap nalang sa blackboardng hulihin nya ang kamay ko.
pilit nyang hinahatak ang kamay ko at ayaw akong bitiwan kung aya't inapakan ko nalang ang kanyang paa may takonh panaman ang sapatos ko.
napakasakit siguro nun.
pinabukas ng teacher namin ang libro sa pahina 136 ng kalabitin nanaman ako ng lalaking ito.
Anu ba!? papansin ka!?
pero may itinuturo sya sa libro siguro magsasagot din sya.
linapit ko ang mukha ko para tignan kung ano itinuturo nya ng bigla nanaman nya akong nakawan ng halik
Anu ba trip nitong taong ito sa buhay!?
napatayo ako ng wala sa wisyo at nahuli ako ng teacher namin kung kaya't tinawag ako sa harap upang magsulat ng napakahabang assignment
malamang ko ganti nya ito saakin dahil inapakan ko ang paa nya.
bwisit!!!
BINABASA MO ANG
Mr.Bully loves me?
Short Storylagi nya akong binubully ano ba gusto nya? ano ba kaylangan nya sakin? bat ba laging ako?