Isang maulang araw sa Seoul ngayon busy ang mga tao papunta sa kanilang mga trabaho.Isang lalake ang umakyat ng bus at automatikong lumingon ito sa pinakadulo ng bus. Ngumiti sya ng makita niyang walang nakaupo roon.
Naglakad ito papunta sa dulo ng bus para maupo at inayos niya ang dalang payong at inilagay ito sa gilid ng kanyang inuupuan.
Nasa repair shop ang kanyang kotse kaya naisip niyang mag bus.
Pagkatapos niyang ayusin ang sarili umayos na siya ng upo at tumingin na sa bintana para panuorin ang tanawin sa labas.
Habang nasa biyahe bigla siyang napangiti ng may maalala siya. Tinignan niya ang loob ng bus.
Kung hindi siya nagkakamali ito din ang bus na sinasakyan niya 7 years ago papuntang school noong college pa siya. Maraming ala-ala ang bumabalik at saksi ang bus na ito sa dating siya.
Ang dating lalakeng nakasuot ng isang makapal na salamin.
7 years ago
Nagmamadaling tumakbo si Namjoon dahil 2nd day pa lang niya bilang college student sa Seoul University iniiwasan niyang mahuli sa klase dahil masungit ang professor sa first subject nila.
Nakita niya ang bus na patungo malapit sa university niya kaya sumakay na agad siya. Nang makasakay na siya wala masyadong sakay ang bus dahil ito ang unang istasyon nito.
Ayaw niyang maupo sa unahan o sa gitna ng bus dahil pakiramdam niya nakatingin ang mga tao sa loob ng bus sakanya kaya lagi siyang umuupo sa dulo ng bus.
Pag lipas ng ilang minuto unti-unti nang napupuno ang bus sa bawat pag hinto nito.
Huminto ang bus ng may isang lalakeng nakauniform ng pang high school ang pumasok sa bus at naglakad ito papunta sa puwesto niya.
Huminto ito sa harapan niya.
Tinignan niya ito.
"Alis uupo ako dyan." Utos nito sakanya.
"Ha?" Tanong niya.
"Bingi ka ba umalis ka dyan sa puwesto ko." Inis nitong sabi.
Lahat ng tao ay nakatingin sakanilang dalawa at himihintay ang susunod na mangyayari.
"Pero kanina pa ako nakaupo dito. At saka paanong naging puwesto mo to."
Medyo naiinis na ang lalake sakanya kaya hinawakan nito ang dala niyang bag at inihagis papunta sa gitna ng bus.
"Alis!"
"Pero malayo pa ang bababaan ko."
"Ba't ba ang kulit mo umalis ka na nga dyan." Pag aamba nito sakanya.
"Ang aga aga ang iingay nyo!" May biglang sumigaw sa may bandang unahan ng bus.
Tumayo ang isang babaeng nakasuot ng floral dress na pinapatungan ng long sweater.
BINABASA MO ANG
When Flowers Bloom Again
RomanceThis is not the perfect time, so I can only watch you from behind ©BIGHIT.Ent