Paano nga ba magmove on?

283 3 2
                                    

Pagod ka na bang umiyak at magmukmok? Mag-emo sa isang sulok na feeling mo nasa mtv ka?

Bibgyan kita ng 5 steps kung paano magsimula sa iyong pagmomove-on.

Paano nga ba magmove on? Hanggang kailan ang aabutin nito? Ilan lamang ito sa steps na alam kongmakakatulong upang makalimutan mo ang taong

a.) Nanloko sayo

b.) Iniwan ka

c.) Pinagpalit ka

d.) Mas pinili pa ang ibang bagay kesa sayo

Masakit? Oo, pero kailangan na natin itong tanggapin.

Tandaan mo, na hindi lahat ng tao nabibigyan ng second chance. Hindi ibig sabihin na sobrang mahal mo sya ngayon eh hindi mo na sya magagawang kalimutan.

Step 1: Iiyak mo na lahat. Mamili ka pwedeng nakahiga, nakadapa, nakatuwad, nakatayo, kumakain, o may background music pa. Gusto mo nasa may bintana pa ng bahay nyo o sasakyan, o kaya naman try mo din sa banyo.

Step 2: Gawing busy ang sarili. Magaral ka ng mga lessons mo, mahal ang tuition no. Makipagkita ka sa mga kaibigan mo kung gusto mo. Dahil habang busy ka mas maliit ang tyansa na maisip mo sya. Pwede ka din makipaginuman (Optional) Basta ba sisiguraduhin mo na hindi ka magkakalat sa bahay ng may bahay. At siguraduhin mong makakauwi ka pa sainyo ng hindi buntis okay?

Step 3: Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin sakanya. Siguraduhing mong closure na to ha? At hindi final MOMOL nyo. Iopen mo sakanya lahat, at tanungin kung bakit, ano nangyari sainyo, bakit bigla nalang nawala.

Alam mo kung bakit?

Kasi isa yan sa mga dahilan kung bakit mahirap magmove on. Eh yung hindi mo alam kung bakit kayo naghiwalay. Kung saan ka nagkamali, o nagkulang. O baka naman kasi sya may kasalanan.

Step 4: Burahin lahat ng memories, di ko sinabing iuntog mo sarili mo at magka-amnesia. Idelete mo lahat ng photos and text at voice messages sayo, isama mo na din videos kung meron man kayo at baka magleak sa internet. Pero joke lang HAHAHAHA

Step 5: Ito ang pinaka mahalaga. Ang susi sa maayos at matagumpay na pagmomove on ay dapat gusto mo ito, desido ka ng kalimutan lahat ng masasaya at malulungkot na parte ng inyong relasyon. Dapat eh tanggap mo na sa sarili mo na tapos na! Tatagan mo ang iyong loob dahil pag yan nagsisi eh babalikan ka nyan. Nako, wag ka ng magpaloko muli. Pero kung sincere naman sayo eh sige, ikaw bahala kung pagbibigyan mo pa o hindi.

Wag mong sabihin na hindi mo kaya at ayaw mo magmove on, dahil baka pumunta ako dyan sa inyo at tuktukan ko ang ulo mo para magising ka, pero joke lang ulit. Hahahaha!

Wag kang maging martyr. Kung kailangan mong umiwas, sige umiwas ka. Hindi iyon ka-bitteran para rin iyon sa iyong ikakabuti. Edi pag handa ka na ulit kaharapin sya tska mo na gawin pag alam mo ng wala na talaga lahat ng galit at sakit sa puso mo.

Ito lamang ay isang payo, isipin mo nalang na kaibigan mo ako.

TANDAAN: HINDI MO MAHAHANAP ANG TAONG PARA SAYO KUNG PATULOY MONG PANGHAHAWAKAN ANG MALING TAO.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paano nga ba magmove on?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon