Mahal ko ang bestfriend ko, Sino nga ba ang hindi mahuhulog sa isang mabait, matalino, gwapo, malambing, madaling pakisamahan at higit sa lahat gentleman na bestfriend ko? Siya na Valedictorian ng elementary at high school, ultimate crush ng bayan. Sinong hindi maiinlove? Hindi ko nga rin alam kung paano kami naging magbestfriend, basta mula kinder, magkakaklase at magkaibigan kami. Ako ang naging takbuhan niya pag may problema at may sama siya ng loob.
Nagulat ako isang araw mula sa kawalan bugla niya akong tinanong.
"Bestfriend, para sayo anong bagay ang makakapagpakilig sayo?" napahinto ako. At natawa dahil seryosong - seryoso siya.
"Bestfriend seryoso?" tinukso ko pa siya lalo ng mamula ang mukha niya. "Uyy... Ang bestfriend ko inlove! Sino ang maswerteng babaing to?" masabunutan nga at mapakuluan ng buhay sa kulukulong matinka. Ang bitter ko! Kaya pinilit ko na lang siyang umamin kung sino.
"Bestfriend, malalaman mo din sa tamang panahon..." Ang cute niya habang nakangiting sinasabi yun.
"Pero bestfriend sagutin mo muna yung tanong ko." Dagdag niya kaya sumiryoso na ako.
"Bestfriend alam mo, ang babae kinikilig na sa simpleng effort ng lalaki para sa kanila." Halos matunaw ako sa titig niya habang sinasabi ko yan.
"Pero kung ako ang tatanungin, maas nakakalig yung ipagsisigawan ng isang lalaki na mahal niya ako. Yung ipapakilala niya ako sa mga barkada at pamilya niya" naimagine ko tuloy si bestfriend na pinapakilala ako bilang girlfriend at hindi lang bestfriend kila Tito at Tita. Nakakakilig yun! Hahaha ang lakas ko mag-imagine.
Dumating ang Valentine's day makalipas ang tatlong araw. At katulad ng ibang valentine's day naglipana nanaman ang magkasintahang sweet-sweetan, umuulan ng pulang puso at siyempre ang mga imahe ni kupido hindi magpapahuli. Hindi ko nga akalain na may magbibigay ng chocolates, rose at love letters sa akin eh. Pero siguro mas masaya at mas maaapreciate ko yun kung si bestfriend ang nagbigay sa akin.
Uwian na nang lumapit sa akin si bestfriend, "Una na ako bestfriend!" sabi niya sabay labas ng gate. Kaya sumabay na lang ako sa barkada umuwi. Naglalakad na kami papuntang sakayan, nakayuko nga lang ako at walang imik habang nag-aasaran ang barkada tungkol sa mga sweet moments na nangyari kanina. Nakikingiti din ako minsan kasi ayoko lang na makita nilang medyo down ako dahil kahit simpleng "Happy Valentines Day" na pagbati galing kay bestfriend wala.
Napatingin anko ng diretso ng maghiyawan ang buong barkada. Nakita ko si bestfriend na may dalang bungkos ng mga rosas at napaka laking teddybear na may hawak na isang nakarolyong papel. Tinukso nila ako.
"Uyy.. baka magtatapat na sayo ang bestfriend mo!" sabi ng isa sa barkada.
"Hindi na siya manhid! Naramdaman din niya sa wakas." hirit naman ng isa pa kaya nagtawanan kami.
Namula ako sa sinabi nila. Naisip ko tuloy bigla na baka "Ito na 'yon!" baka ito na talaga ang araw ng katuparan ng pangarap kong hindi matupad - tupad.
Papalapit na siya ng papalapit. Grabe! Mamatay - matay ako sa killer smile niya. Tumigil siya sa harap ko at may kinapa sa bulsa. "Basahin mo na lang 'to mamaya." Sabay abot sa akin ng isang sulat.
Huminga siya ng malalim at ngumiti. "Guys, buti buo ang barkada. Kasi gusto kong malaman niyong sobrang inlove ako ngayon." Halatang kinakabahan siya at lahat kami ay iniintay ang susunod niyang sasabihin.
"Sa harap ninyong lahat, gusto kong ipakilala sa inyo ang babaing mahal ko." Huminto siya ng malalim at tumingin sa akin. Humakbang siya papalapit. Siguro ito na talaga 'yon!
"Guys, Bestfriend.." halo - halong emosyon ang nararamdaman ko. Kaba,Saya at Tuwa.
Humakbang pa siya ulit at halos huminto ang mundo ko. Inabot niya ang dala niya sa babaing kadarating lamang sa likuran ko at nilampasan lang ako. Di ko na napigilan ang luha ko. Ito na nga 'yon! Ang Sakit!
BINABASA MO ANG
Ito na 'yon! [ONE SHOT]
RomanceMinsan sa buhay, dumadating na lang ang mga pagkakataong inasam mong darating pero hindi mo inaasahang totoong mangyayari. Things that you've always prayed for but still unsure if it will be answered. Pero paano pagnagkatotoo na nga? Ang tanging mas...