IM1

6 0 0
                                    

"In the name of the father, of the son, of the Holy Spirit..." Usal ni Maria habang dinadasal ang The Apostle's Creed. Siya ang naglead ng prayer ngayon dahil siya ang inutasan ng kanyang ina.


Simple lang naman ang buhay nila. Hindi mo masasabing mayaman at hindi mo rin masabing mahirap kung baga nasa gitna sila. Tama lang ang kinikita ng papa niya na isang sundalo. Her mom doesn't have a job at tumutulong lamang ito sa simbahan. Kaya nga pinalaki siya at ang kanyang ate na nasa Canada na may takot sa Diyos.


Isa rin si Maria sa Choir ng kanilang church kaya madalas rin na palagi siyang nasa simbahan, Taga-kanta ng Responsorial Psalm o taga-basa ng verse.

Di lang namalayan na agad natapos ang novena nila ng kanyang ina. Hinipan muna ang kandila at nagmano sa kanyang ina.


"Maria sabi ni father gusto mo ba maging member ng cathecist? Tutal wala ka namang gagawin?" Tanong ng kanyang ina habang inililigpit ang rosaryo at iba pang basahin.

"Di ko sure ma kasi kailangan ko po pumunta sa Manila. Kailangan ko raw itake yung summer class baka mabehind daw ako ng isang semester." Paliwanag nito.

Kunot-noong binalingan siya ng ina, "Nako sabi ko na. Dapat nagtitser ka nalang. Total pare-pareho lang naman yang course na yan. Ang kailangan mo lang eh magpursige para makakuha ng trabaho. Kaya ngayon pati paninilbihan sa Diyos napagiiwanan mo." Asik nito.

Yumuko na lamang siya sapagkat babalik at babalik na naman sila ng kanyang ina. Ayaw kasi nitong Mag-Accountancy siya, gusto nito ang maging teacher siya or kung ano pa mang course na mayroon sa lugar nila. Unfortunately, Walang Accountancy course na ino-offer nila kay ang labas ay kailangan niya manirahan sa manila para makuha ang gustong kurso. Wala naman problema sa bayarin kasi isa siyang Validectorian noong Highschool at swerte siya na wala siyang binayad na tuition dahil isa siyang scholar ng Catholic School na pinapasukan niya.


"Ma naman. Kahit ngayon lang po tutal pag-third year ko okay naman po subjects ko." Paliwanag niya.

"Itatak mo Maria sa isip mo ha? Nagpunta ka don hindi para magkaboyfriend kundi mag-aral." Banat pa nito.

"Opo ma." Upang maputol na ang usapan ay pumunta siya sa kusina para magsaing tutal 7:10 pm palang naman.

"Maria! Paki-paksiw yung isda sa ref. Pupunta muna ako ng simbahan patawag nalang ako kung tapos kana." Utos nito.

"Opo ma!" Sigaw niya. Walang natanggap na sagot si Maria kaya hinugasan niya na ang isda at tiniplahan.

Habang naghihintay sa kanyang niluluto ay panay buklat siya ng libro. Nag-advance siyang mag-aral ng Financial Accounting volume 2 upang may alam siya sa pasukan nila sa june. Nang maluto na ang sinaing at isda ay agad naghain ng plato sa kanya at kanyang mama. Wala ang kanyang papa dahil naka-assign ito sa Cebu City. 7:58 pm. Tama lang 'to. isip-isip niya at agad tinawag ang ina sa simbahan.


----

"Maria. Magiingat ka doon? Andyan naba lahat ng damit mo? Yung baon mo? Allowance? Yung rosaryo? Lagi kang magdadasal doon. Lagi kang babantayan ng diyos. Huwag maglalakwatsa at mag-aral lang ng mabuti..." Naiiyak na saad ng ina nito. Halos humikbi narin si Maria. Sa susunod na nama na march sila magkikita ng kanyang ina dahil di narin siya makauwi pagkatapos ng summer class kasi enrolment narin yun.

"O...op..opo ma. Ma..magpahinga kayo ma..ma.." Hikbi niya habang niyayakap ito ng mahigpit. Ilang oras lang ay nagpaalam na siya at sumakay na sa bus. Kahit mabigat sa dibdib ay kinawayan niya ito upang di ito magalala.  Tulad noon, umiyak ng umiyak siya buong byahe di namamalayan na may katabi lang siya


"Can you please shut-up?! I know you're fucking missing someone or you're fucking broken or what. Can you shut your mouth?! You're disturbing my damn good sleep." Napatutop ng bibig si Maria dahil sa gulat. Hindi dahil sa pagsigaw nito dahil sa pagmumura nito. 


Kahit kailangan ay wala ni isang tao ang nagmura sa harapan niya. Ngayon lang. As in ngayon lang.

I'm sure?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon