Di-malilimutang Pag-ibig

12 0 0
                                    

Natatandaan mo pa ba noong bata pa tayo? Sa apat  na kuwadro na kwarto? Kung saan tayo nagkakilala? Halos isang taon tayong magkasama?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Natatandaan mo pa ba noong bata pa tayo?
Sa apat  na kuwadro na kwarto?
Kung saan tayo nagkakilala?
Halos isang taon tayong magkasama?

Kahit sa munting puso’t isip ko noon
Nakadama ako ng kakaibang emosyon
Naramdaman kong mahalaga ako sayo
Sapagka’t ang kabutihan mo ay todong-todo

Araw-araw tayong magkatabi
Ang swerte ko aking sabi
Walang humpay na kulitan at kwentuhan
Tayo’y unti-unting nagkakamabutihan

Umaraw’t umulan hindi ko pinapalampas
Dahil ang pagpapasiya mo sa puso ko’y walang kumpas
Lumipas ang isang taon na tayo’y magkasama
Hindi ko pa rin makakalimutan ang iyong mukha
Tuwing gabi kita’y napapanaginipan
Sa Maykapal hinihiling na ika’y mahagkan

Nagsimula muli ang pasukan
Ngunit tayo’y hindi na parehong silid-aralan
Ako’y nalungkot dahil hindi na kita maabot
Parang ika’y nagbago at puso ko’y nabigo

Sa tuwing magkukrus ang ating landas
Sulyap mo’y lumalampas
Hindi ka  makatingin sa akin
Dahil tinuring mo akong parang hangin
Sabi ko sa sarili ko huwag ka na lang pansinin
At ituon ang aking oras sa mga aralin

Ako’y nagtagumpay sa misyon ko
Ngunit tadhana talaga ang may gusto
Nagkita uli tayo matapos ang tatlong taon
Iisa na naman ang ating seksyon

Ako’y nabighani mo na naman sa mga ngiti mo
Hindi mo lang alam ang epekto mo sa puso ko
Kaya kahit tayo ang magkatabi, nasa kanya ang iyong atensyon
At doon ko napagtanto na sa puso mo siya ang kampeon

Siguro dito na magtatapos ang kagustuhan ko sayo
Wala na talagang pag asa ang maging tayo
Sapagkat ang puso ko’y sinugatan mo na
Hindi mo man pansin pero talagang gusto kita
Ngunit ano ang laban ko sa kanya?
Kung ang puso mo’y nabighani na niya

Alam kong marami pang iba diyan
Pero ikaw lang ang natatandaan
Ng puso kong bigo kahit ilang taon na ang nagdaan
Kaya’t paalam na mahal
Makakalimutan din kita kahit matagal

Ang simpleng pagkagusto ko sayo noong bata pa tayo
Ay namunga nang pagkasabik sayo
Na mahirap nang itago sa mga kaibigan ko
Ngunit pinunan naman ito ng taong kasalukuyang minamahal ako.

Di-Malilimutang Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon