Natatandaan mo pa ba noong bata pa tayo?
Sa apat na kuwadro na kwarto?
Kung saan tayo nagkakilala?
Halos isang taon tayong magkasama?Kahit sa munting puso’t isip ko noon
Nakadama ako ng kakaibang emosyon
Naramdaman kong mahalaga ako sayo
Sapagka’t ang kabutihan mo ay todong-todoAraw-araw tayong magkatabi
Ang swerte ko aking sabi
Walang humpay na kulitan at kwentuhan
Tayo’y unti-unting nagkakamabutihanUmaraw’t umulan hindi ko pinapalampas
Dahil ang pagpapasiya mo sa puso ko’y walang kumpas
Lumipas ang isang taon na tayo’y magkasama
Hindi ko pa rin makakalimutan ang iyong mukha
Tuwing gabi kita’y napapanaginipan
Sa Maykapal hinihiling na ika’y mahagkanNagsimula muli ang pasukan
Ngunit tayo’y hindi na parehong silid-aralan
Ako’y nalungkot dahil hindi na kita maabot
Parang ika’y nagbago at puso ko’y nabigoSa tuwing magkukrus ang ating landas
Sulyap mo’y lumalampas
Hindi ka makatingin sa akin
Dahil tinuring mo akong parang hangin
Sabi ko sa sarili ko huwag ka na lang pansinin
At ituon ang aking oras sa mga aralinAko’y nagtagumpay sa misyon ko
Ngunit tadhana talaga ang may gusto
Nagkita uli tayo matapos ang tatlong taon
Iisa na naman ang ating seksyonAko’y nabighani mo na naman sa mga ngiti mo
Hindi mo lang alam ang epekto mo sa puso ko
Kaya kahit tayo ang magkatabi, nasa kanya ang iyong atensyon
At doon ko napagtanto na sa puso mo siya ang kampeonSiguro dito na magtatapos ang kagustuhan ko sayo
Wala na talagang pag asa ang maging tayo
Sapagkat ang puso ko’y sinugatan mo na
Hindi mo man pansin pero talagang gusto kita
Ngunit ano ang laban ko sa kanya?
Kung ang puso mo’y nabighani na niyaAlam kong marami pang iba diyan
Pero ikaw lang ang natatandaan
Ng puso kong bigo kahit ilang taon na ang nagdaan
Kaya’t paalam na mahal
Makakalimutan din kita kahit matagalAng simpleng pagkagusto ko sayo noong bata pa tayo
Ay namunga nang pagkasabik sayo
Na mahirap nang itago sa mga kaibigan ko
Ngunit pinunan naman ito ng taong kasalukuyang minamahal ako.
BINABASA MO ANG
Di-Malilimutang Pag-ibig
Короткий рассказAng tulang ito ay alay ko sa kaklase ko noon na naging kaibigan ko at kauna-unahang tao na nagustuhan ko na sa pagdaan ng panahon minahal ko, ngunit pinaasa lang ako.