Akala

7 4 2
                                    

"Jy, tell me, hindi ba pamilyar ang lalaking katabi ko ngayon?"

"Nope." I sighed. Bakit parang ako lang yata ang parang nakaka-recognize sa lalaking katabi ko ngayon?

Kasalukuyan kaming nasa jeep at papauwi na. Katabi ko ang schoolmate namin. He look so familiar pero di ko lang maalala. Hindi siya kagwapuhan, hindi rin naman siya panget. Sakto lang. Kumbaga, average lang ganun. Yun ang sabi ni Abby sakin, at kahit di ko man aminin, alam kong naga-gwapuhan ako sakanya. May hinala akong kasali siya sa dance troupe ng paaralan namin. Parang may kamukha kasi siya doon. Matuwid akong nakaupo sa tabi niya habang nagmamasid sa kanyang kamay. May sugat iyon at namumula pa. Ano kayang ginawa niya?

Mataman lang din siyang nakatingin sa daan habang naka patong ang dalawang siko sa kanyang tuhod. Nakaka-ramdam ako ng kakaibang sensasyon kapag nagdidikit ang mga balat namin kaya pinipilit kong umusod ng konti sa tabi ni Jy upang mailayo ang sarili ko. Di ko kasi maintindihan ang nararamdaman ko. Di ko alam kung ano ito. Love at First kaya? Pero imposible ata yun. Di ko naman alam ang pakiramdam nun eh. Simpleng crush lang naman ang nararamdaman ko noon.

Lumipas ang mga araw at madalas ko pa rin siyang nakaka-sabayan sa jeep. Palagi ko rin siyang tinititigan kapag hindi siya nakatingin. May isang araw pa ngang naka-patong yung buhok ko sa mga braso niya pero hindi niya iyon inalis hanggang sa bumaba siya. Sa mga oras na iyon, alam kong may gusto na ako sakanya. Alam kong sobrang mabilis pero wala na akong magagawa. Ni pangalan niya hindi ko alam pero may gusto ako sa sakanya. Masisisi niyo ba ako?

Tinanong ko rin ang pangalan niya sa kaklase kong SSG Officer at nagkataong magkaibigan pala ang mga ito. Nalaman ko ring Joren pala ang pangalan niya. Napangiti na lamang ako. Mabuti nalang at kilala siya ng kaklase ko. Ngunit hindi raw siya kasali sa dance troupe gaya ng inaakala ko. Pero sigurado akong siya iyon.

Lumipas ang mga araw at naging stalker ako ni Joren. Gusto kong makaalam ng ibang detalye tungkol sakanya.

"Ianne, you look silly." Suway ni Jy sakin. Ang totoo niyan, nakatingin lang ako sa cellphone ko at nakangiti habang tinititigan ang litrato ni Joren sa kanyang facebook account. Naka-lagay rin doon na single pa siya. May tsansa kayang mapansin niya ako?

"Okay lang Jy. I just want to stare at his photo. Kahit ngayon lang. Besides, it's Saturday and I won't see him for two days." Napailing na lamang si Jy at Abby sa sinabi ko. Maski ako naman, mapapailing na lamang din ako dahil sa kaka-stalk ko sa facebook ng lalaking hindi naman ako kilala. Ngayon lang din naman ako nagkakaganito sa isang lalaki.

Ilang linggo at buwan ang nakalipas at palalim nang palalim ang nararamdaman ko para kay Joren. Hindi siya sikat kagaya ng iba ngunit may charisma ito. May ibang may ayaw sakanya kasi may pagka-hangin umano ito. May iba naman na nagkakagusto rin. May ibang naiirita at may ibang galit. Sobra ano? Pero wala ni isa sa mga iyan ang nararamdaman ko, kasi naiiba ang sa akin.

Sa tuwing sasapit ang sabado't linggo, pakiramdam ko hindi nabubuo ang araw ko nang hindi siya nakikita o kahit masilayan man lang. Oa na ba ako nun? Wala na ba akong pinagkaiba sa mga babaeng naghahabol ng nga lalaki? Naguguluhan na tuloy ako.

Tuwing may kasama siyang babae nagseselos ako. Oo alam kong wala akong karapatan  pero masisisi niyo ba ako? Ganun ko siya kagusto. Kung maari nga gusto kong makipag-kaibigan sakanya. Pero alam kong malabo. Sobrang labo. Kasi alam na niya ang sikreto ko. Na may gusto ako sakanya. Dahil sa pangangantyaw nalaman niya. Alam ko ring sinabi ni Mylene ang tungkol sa pagkakagusto ko kay Joren sakanya. Sana tinago na lamang nila. Nahihiya tuloy ako.

Sa tuwing papasok ako, nako-concious ako sa itsura ko. Baka kasi di maayos ang pagkakasuklay sa aking buhok at maturn-off siya bigla. Ayoko nun.

Umabot ng apat na buwan ang pagkakagusto ko sakanya hanggang sa naging isang taon ito. Hindi ko sinabing higit isang taon na ang pagkakagusto ko kay Joren kina Abby at Jy. Ang tanging sinabi ko lang ay walong taon at higit pa. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong sarilinin na lamang ang nararamdaman ko. Ayokong maka-perwisyo ng tao.

Ngayon, nalaman kong magbabalikan daw sla ng ex niya. Paheras pa rin daw nilang mahal ang isa'isa't isa at di pa sila nakakamove-on.  Alam niyo ba yung pakiramdam ng inapakan ng isang daang elepante ang puso mo? Masakit. Sobra. Ako na yata ang tatanghaling best actress nung nga araw na iyon kasi nagawa ko pang sabibin kina Abby na wala akong pakialam at hindi ako apektado. Pero ang totoo at sa kaloob-looban ko, gusto kong umiyak. Di na rin kami madalas na nagkakasabay sa jeep pauwi. Di ko rin siya madalas na nakikita. At kung sakali mang makita ko siya, nalulungkot lamang ako. Mabilis ang tibok ng puso ko pero di niya iyon pansin. Diretso lamang ang kanyang tingin palagi habang nakikipag-usap sa kanyang mga barkada. Kahit ipagpalagay na nating sasadyain ko siyang babanggain, sa tingin ko di niya pa rin ako mapapansin. Aaminin ko, Famewhore ang tingin ko sakanya ngayon. Napansin ko kasi na halos sikat ang mga kaibigan niya at hindi yun mga commoner lang. Di naman sa galit ako kasi di niya ako napapansin pero yun kasi ang tingin ko eh.

Stress-eating? Walang magagawa iyon. Totoong mahihimasmasan ka pero hindi niyon napapawi ang sakit. Nakakalimutan mo lang. Gaya ng pag-inom ng alak na akala natin nagpapawala ng sakit at problema.

Ngayon, nasa malayo lang ako at nakatingin sakanya. Nasa ikalawang palapag lang ang classroom nila katapat ng classroom namin sa baba. At sa tuwing dadaan ako lagi kong sinusulyapan ang classroom niya, nagbabaka-sakali na makita ko siya kahit ilang segundo lang. Mabilis ang tibok ng puso ko pero hanggang dun nalang yun. Tanggap ko nang di niya ako mapapansin. Tanggap ko nang hanggang tingin nalang ako.

Nakakatawang isipin, nang dahil sa Akala kong kasali siya sa dance troupe na-curious ako. Nang dahil sa Akala ko, nagtanong ako ng pangalan niya.

At nang dahil sa Akala ko, nahulog ako sa taong wala man lang kaalam-alam na nabubuhay ako.




Tanggap ko na. Kahit masakit, kakayanin


------------------

A/N: Ouchy! 💔 Sobrang madrama I know. Wag nalang kayong pumalag kung ganyan talaga ang lablayp ko. Chos! Hahaha em just sharing lang naman. This way, nababawasan ang kinikimkim ko. Di ko kasi kayang magshare sa mga kaibigan ko eh. Most of the characters ay totoo. Like Jy, Joren and of course me. I hope they wouldn't mind though. Lovelotsss ❤❤

-Ianne

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Akala!Where stories live. Discover now