Memories of Summer

277 14 11
                                    

^~^~^

ABRIL. Ang buwan kung saan nagsisimula ang SUMMER. Sa panahong ito, maraming masasaya at malulungkot na alaala ang muling nanunumbalik sa naakin. At ang pangyayari na kailan man hindi ko makakalimutan. Pangyayari na naghati sa aking puso. Naging sanhi ng pag-iyak , pagkawala ng pag-asa at ang muling pagbangon , pagpili na maging masaya muli,

^~^~^

Ramdam ko na ang init ng panahon. At ang mainit na singaw sa aming bahay. Kaya napag-isipan kong lumabas at umupo malapit sa may gate. Mula sa kinauupuan ko, tanaw ang mga taong abala. Mga taong nagtitinda ng iba't ibang uri ng palamig. Mga taong nagmamadaling maglakad. Masasayang bata na naglalaro sa kalsada.

Ganito lang din kami mamuhay noon. Simple pero masaya. Masaya kasi kasama ko ang pinakamamahal kong lalaki. Sampung taon na ang itinagal ng aming pagsasama bilang mag-nobyo't nobya.  Mapagmahal at napakabait ni Nathan. Sa loob ng matagal na pagsasama , napatunayan namin sa isa't isa ang aming pagmamahal. Minsan naisasama na rin sa aming plano ang pagpapakasal sa tuwing kami'y nag-uusap.

Isang araw, tinext ako ni Nathan na agkita raw kami kami sa park. Dalawang kanto ang pagitan mula sa aming bahay. Maaga akong dumating para rin makapagpahangin. Hindi ko namalayan na 5:00 na pala ng hapon. Eh ang usapan namin ay 4:30. Baka na-traffic siguro sa daan, Habang pinapanuod ko ang magandang paligid , may lumapit sa aking 3 macucute na bata na may dalang tig-iisang rosas. Itatanong ko sana kung kanino galing ang mga ito kaya lang bigla silang tumakbo palayo.  Mula sa mga batang iyon, napansin ko rin na naglalakad papunta sa akin ang mga tao sa park at pumaligid sa akin. Nakabuo sila ng shape na circle then ako yung nasa gitna. May hawak silang mga rosas na may iba't ibang kulay. Nakangiti sa akin na pawang sinasabi na "napakaswerte mo". 

Nasurpresa naman ako nang makita ko si Nathan na pumasok sa loob ng circle.Tumingin at ngumiti sa akin sabay strum ng kanyang gitara. 

"What would I do without your smart mouth?

Drawing me in , and you kicking me out.

You've got my head spinning , no kidding , I can't pin you down.

What's going on in that beautiful mind.

I'm on your magical mystery ride

And I'm so dizzy , don't know what him , but I'll be alright."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga pangyayari.

"My head's under water

 But I'm breathing fine 

 You're crazy and I'm out of my mind."

Ang sarap niyang titigan habang kumakanta. Ang kanyang ngiti na nakakahawa.

"Cause all of me

 Loves all of you

 Love your curves and all your edges

 All your perfect imperfections

 Give your all to me,

 I'll give my all to you

 You're my end and my beggining

 Even when I lose I'm winning

 'Cause I give you all of me 

 And you give me all of you,"

Pagkatapos ng kanta , humarap sa akin ang mga men in black na may hawak na mga letra na bumubuo ng salitang 'WILL YOU MARRY ME?' Lumuhod siya at binuksan ang maliit na kahon na naglalaman ng isang napakagandang singsing.

Memories of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon