Kim Yriz POV
Silip dito...silip doon
Takbo takbo takbo...
"Hays saan tayo mag tatago? " tanong ko sa kanila
"Ahmm sa likod nalang ng building" suggestion naman ni Ellen
"Ehhh ano naman gagawin natin dun?" Pabalik na tanong ni Dianne
"Doon nalang tayo oh" sabay turo ko sa likod ng stage,andito kasi kami sa school clinic.
Agad kaming tumakbo ng mabilis dahil baka mahuli kami ni manong guard.
"Eh asan ba ang guard diko naman nakita?" Tanong ko sa kanila.
"Nasa may hallway yun kaya di tayo nakita" sabi naman ni Dianne siya kasi ang unang pumasok.
Hahahahaha alam kong nagtataka kayo kung bakit kami nagtatago kay manong guard kasi bawal pumasok sa school kung walang gagawin o walang permit ganyan kahigpit school namin.
Sandali kaming nanood sa mga nag papractice sa drum corp at maya maya ay pumasok kami dito sa isang bukas na room dalawa kasi ang bukas na room.
Pagpasok namin namangha ako sa ganda ng room nila hindi kasi ganito kaganda nag room namin ang room kasi namin sobrang kalat badura dito basura doon nakaka irita kaya tuwing pag pasok ko naglilinis nalang ako kahit hindi ako sweeper nakaka irita kasi pero samantalang sa kanila sobrang linis kahit konti wla kang makikita ang gaganda pa ng mga design.
Ellen POV
Nakita kung nagpaikot-ikot lang dito si Yriz sa classroom ng dati kong room nilipat kasi ako ni sir sa kanila kaya classmate na kami.
Tumingin siya sa mga picture ng studyante dito at tinabihan ko siya narinig kong sabi nya "ang ganda talaga ng room nila noh!" Tiningnan ko lang siya habng manghang mangha sa mga design na nasa harapan niya.
Lumabas muna ako saglit at tinawag ko si Kimberly kasali kasi siya sa drum corp kaya andito siya sa school.Kami nag punta lang kami dito para mag practice pero mukhang wala namang practice.
"Kim yung bola asan?" Tanong ko sakanya
"Andun sa guard" sagot naman niya.
Inutusan ko siyang kunin ang bola ng volleyball kay manong guard para pwede na kaming mag laro pero ayaw niya kaya bumalik nalang ako sa loob ng room.
Pagpasok ko nakita kong tumutulong na si Yriz sa pag dedesign kaya napa ngiti ako ng kunti hahaha na bobored na siguro to kaya tumulong nalang.
"Dianne text mo si Arjex na pumunta dito" sabi ko sakanya dahil nabobored na din ako.
Maya-maya ay dumating na si Arjex kaya lumabas kami ng room ni Dianne habang abala parin si Yriz sa pagtulong kila Sir.
"Asan na ang bola?" Bungad agad na tanong ni Arjex
"Andun sa guard kunin mo" utos ko sakanya ahehehe close ata sila hahahahaha
Ng makuha namin ang bola binalikan namin si Yriz at niyaya ng lumabas ng campus at pupunta nalang kami sa Elementary School.
Kim Yriz POV
~Elementary School~
Nang makapasok kami agad kaming nag punta kung saan may nag papractice ng table tennis.
Nanood lang kami sa practice nila habang si Dianne naman ay kinuha ang raket niya sa bag at hiniram ang bola ko. Maya-maya ay pinahiram ni Dianne ang bola sa kanila at pagkatapos maglaro ng batang babae ay si Dianne na ang sumunod,naghintay lang ako ng ilang segundo at pinalitan ko ang natalo.
Nasimula na kaming mag laro ng bata.
Tira dito tira don..
Smashh doon,salo dito...
Maya-maya ay nawala ako sa focus dahil hindi ko na makita sila dianne kaya natalo ako ng kapatid ni jettrey ng matalo ako sinabihan ko ang babae na babalikan ko nalang ang bola at nag punta na ako sa covered court.
~Covered Court~
Habang nag lalakad ako papalapit sa kanila nakita kong naglalaro silang tatlo ng basketball (ellen,dianne,arjex) paglapit ko sa kanila ay napatawa ako dahil ang bola na ginamit nilang pang basketball ay bola ng volleyball kaya napatawa ako.....
Nakatayo lang ako sa may gilid at pinagmasdan ko lang sila maglaro.
Nakaramdam ako ng gutom kaya kinuha ko ang pagkain ko sa bag at kinain yun.
Matapos ang isang oras na pag lalaro ay umuwi na rin kami dahil nakakapagod din.
Pag dating din namin sa bahay ay naglaro kami ng ilang oras ng table tennis.
~Kinabukasan~
Nagising ako sa ingay na tumatawag mula sa cellphone ko...letse sino ba kasi to ang aga aga istorbo sa maganda kong tulog eh -_-
Sinagot ko agad ito at di na tiningnan pa kung sino ang tumatawag,pagka sagot na pagkasagot ko ay agad ko itong sinigawan.
"Bakit ba? Kay aga aga istorbo ka eh!" Bulyaw ko
"Oh! Sorry baby akala ko kasi gising kana ok mamaya nalang kita kakausapin ok go back to sleep." Sabi niya sa kabilang linya
Agad kong tinignan ang caller's ID at nanlaki ang mata ko kasi si mommy pala yun.
"Oh!Mom i-im so-sorry kala ko kasi sila ellen lang" mautal utal kong sabi
"It's ok baby talk to later with the Gang ok bye" sabi ni mommy sabay end agad ng call.
Hmmm.....ano kaya pag uusapan namin about sa gang?
--------------------------------------
ano continue ko pa ba? Parang ang panget naman kasi.
--------------------------------------
YOU ARE READING
The Ganster's Secret
FanfictionIsang pinakatatakutan na gang na puro babae ang myembro