Chapter 78- Starting Over Again?

586 9 2
                                    

Everyday ko na po gagawan ng UPDATE itong story na to. :) Kasabay din nung isa ko pang story, yung HOLDING BACK. Parehas lang ng place yung ginawa kong school.. para cool! hehe. =)))

VOTE. RECOMMEND!!!

------------------------------------------------------------------------------------------------------

ALVINCE's POV

Hindi ko din alam kung paano ako magsisimula ng kwento sainyo... Basta ganito na lang, 2nd year college na ako ngayon. BS Psychology ang kinukuha ko sa Saint Xavier College. Isang kilalang school. dahil hindi biro ang makapag-aral dito. bukod sa mahal na tuition fee, mahirap din makapasa ng entrance exam dito. Hindi kasi basta basta tumatanggap ng student dito. akalain niyo ba yun, kaming pitong gago nakapasa dito, siguro dahil nagsikap kami para hindi kami magkahiwa-hiwalay ng school. Ganun talaga kami kaclose sa isa't-isa...

Alam niyo bang mula nung first day ng class hanggang ngayong malapit na matapos ang first semester at malapit na ang sembreak, Iniiwasan niya padin ako. Hindi ko alam, pero nakakaya niyang iwasan ako. Minsan nga, sinasadya ko ng magkasalubong kami, pero siya gagawa padin siya ng paraan para maka iwas... ganun ba talaga siya kagalit samin at sakin? kasi kahit yung barkada ko, iniiwasan niya din... Hindi ko na nga alam ang gagawin ko, dahil gusto ko talaga siyang kausapin. miss na miss ko na siya. miss na miss ko na yung dati.

Kanina nga nakita ko siya papunta sa may nursing bldg, Hindi ko expected yun. mag-isa lang siya. pero napansin kong nakatingin sakanya yung mga schoolmates namin, nakita ko na yung tinitignan nila.. May stain siya sa skirt niya.. hindi niya napansin.. Dahil alam kong kailangan niya ako ngayon, i will save her!!! Hindi ko din alam ang gagawin ko, kaya hinila ko siya...

[Flashback]

"Aww. ano ba!"

hinila ko kasi siya.. medyo malakas kasi yung pag hila ko sakanya..

"May stain ka sa skirt mo! isuot mo na lang ito (sabay patong ng jacket)"

Natawa ako sa naging reaksyon niya, hindi siya makagalaw eh. Hindi padin siya nagbabago, magugulatin padin siya

"Hayyy! hindi ka padin nagbabago! sabi ko isuot mo tong jacket na to, mahaba naman to sayo kaya for sure matatakpan yang stain sa likod mo. (gulo sa buhok) Sige, aalis na ako. Mag-ingat ka."

[End of Flashback]

Umalis na ako after nun, Hindi siya nag react. alam kong nagulat siya sakin.. pero wala eh, tadhana na siguro talaga ang gumagawa ng paraan para samin. Namiss ko siya, yung amoy niya, amoy strawberry... nakakamiss... ang bango bango niya padin talaga...

Nandito lang ako sa may GYM ng school, yung tatlo ko kasing kaibigan naglalaro ng tekken ngayon. Hindi ako sumama sakanila, Nakakatamad eh.

Naglalakad na ako papunta sa room ni Ginoong Mangubat, prof ko siya sa Fili02, Nakiusap kasi siya sakin na maging judge daw ako para dun sa mga tula nung mga students niya. nung una, tatanggi sana ako, pero nung sinabi niyang 1-APS, pumayag agad ako. hindi na ako nag dalawang isip.

Naglalakad na ako, Pero may nakabunggo sakin. nakakainis, excited na kasi akong makita siya!!!

Pero akalain mo yun, Thank You tadhana.. siya pala tong nabunggo ko. tinulungan ko na siya kunin yung mga gamit at bag niya. Hindi padin talaga siya nagbabago... Pag abot ko nung bag niya, nakatingin siya sakin, mukang nagulat nga siya na ako yung nakita niya.. nginitian ko na lang siya...

"ALVINCE?"

"Hey, hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh. (abot ng bag) mag-ingat ka na sa susunod ha. baka mamaya pader na yung mabangga mo (ginulo yung buhok ni mei)"

I'm InLOVE with My ENEMY? :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon