Chapter 1
{Yuri's Point of View}
"Yuriza Marquez! gumising kana dyan kung gusto mo pang mag-araaall!"
Nakaka-binging sigaw ng kambal kung kapatid na si Dwein at ramdam ko naman ang pag-upo nya sa higaan ko. Pwede naman akong tapikin nalang, kaylangan talagang sigawan?!
Inaantok pa akong bumangon sa higaan ko at na inat at niligpitin ang hinigaan ko pati na din yung higaan ng walang hiya kong kambal. Hmp! kukutusan ko 'yon eh. Ito lang ang liligpitin hindi pa magawa.
Kumuha muna ako ng damit na susuotin ko sa aparador. Wala naman kasing uniform sa pinapasukan kong school. Pwede mong gawin lahat ng gusto mo doon sa school na 'yon. Kaya nga pati pambubully ay inaabuso na nila. At isa ako sa mga biktima non. Hays napabuntong hininga nalang ako atska pumunta sa kusina.
Nakita ko naman ang kambal ko na kakalabas lang ng cr. Oo may kambal ako at lalaki sya, suplado, loko-loko , pasaway, arogante, at laging wala sa bahay. Pero kung idedescribe ko sya sa physical appearance nya. Masasabi kong napaka gwapo ng kambal ko at sobrang tangkad, kumpara sa mukha ko. Pero bakit ganon? ako naman ang panganay samin kahit kambal kami, pero parang sya yung kuya. Tss.
"Whoy! lalake. Nakapag luto ka na ba ng umagahan?!"
Tanong ko sa kanya. Lumingon naman sya sa akin at umiling. Wengya talaga 'to. Hindi din nagluto. Argh!
"Pagluluto na nga lang ang gagawin mo hindi mo pa magawa!"
Sigaw ko sa inis. Hmp! mababatukan ko talaga 'tong lalaking to.
"Hindi naman ako nagugutom."
"Eh pano naman ako?!"
"Di magluto ka ng iyo."
Sabi nya tska ako nilagpasan. What?! -_- may sapak talaga. Hindi man lang bingyang galang ang kapatid nya?!
Palibhasa ay maaga kaming nawalan ng mga magulang dahil sa hindi namin malaman lamang dahilan. Kaya kinupkop nalang kami ng aming tiyahin na si Tita Verna. Wala syang anak kaya kami na ang itinuring nyang anak at sobrang maalaga sya sa aminm. To the point na parang sya na talaga ang totoo naming nanay.
Back to reality. Dumiretso na ako sa cr at dali daling naligo.
And all things done. Wala ng ayos ayos at bumaba na ako sa sala. Nakita ko naman si Mama ( my tita ) sabi nya kasi mama nalang daw ang itawag namin sa kanya.
Agad ko syang sinalubong ng bati.
"Goodmorning ma!"
Sabi ko at lumingon naman sya sa akin ng may ngiti sa labi.
"Goodmorning din my princess!"
"Ang cheesy naman ma! hahaha nasaan na nga po pala si Dwein? loko talaga 'nun. Hindi man lang nagluto ng umagahan."
Reklamo ko.
"Kakaalis lang. Hayaan mo na ang kambal mo. Palibhasa'y lalaki 'eh"
Ani ni mama. Sabagay.
"Oh heto. Nagluto ako ng umagahan. Kumain ka muna."
"Nako! hindi na ma. Malelate na po ako 'eh mamaya nalang po. Babye! loveyou. Ingat!".
Ani ko atska inayos ang salamin ko at naglakad na palabas. See? ni kahit kaunting pagka gentle man wala ang kambal ko. Ewan ko ba. Nagtataka nga ako minsan kung kapatid ko ba talaga 'yon. Dahil napaka opposite talaga namin.
Beep! beep! beep!
"Harujusko!"
Sigaw ko. Bigla akong natauhan ng may biglang bumusina na sasakyan sa nilalakaran kong daan papunta sa sakayan ng jeep.
Lumingon ako dito at inayos ang salamin ko. Isa kasi akong nerd kung tawagin dahil sa pagkasub-sob ko sa pag aaral.
Ang laki laki naman ng daan. Kaylangan pa talagang bumusina ng pagkalas lakas. Tanga lang?!
Bulong ko sa aking sarili habang nakayuko at mahigpit na nakayakap sa librong hawak ko. Nakita ko naman na ibinaba nya ang bintana ng kotse nya. Emperness! ang ganda ng kotse nya. Halatang mayaman.
"Hi miss, wanna ride?!"
Tanong nya. Habang nakayuko at may kung anong ianaayos sa kotse nya.
Ha? ano daw? ako? sakay? kotse?
Lumingon muna ako sa likod sa gilid at sa kabilang gilid, tiningnan ko baka hindi naman ako ang kinakausap nya. Pero wala naman.
"A-ako?".
Tanong ko. Inangat nya naman ang ulo nya at tumango. O M A Y G O S H ! parang nag slow motion ang paligid ko at halos mapatalon ako ng bigla syang ngumiti. Wah! bakit nag slow motion?! pakiramdam ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig dito sa sinampal ng isang dosenang kamay dahil namumula na ang pisngi ko. A-ampogi nya.
"Hey miss! are you alright?!"
Tanong nya at natauhan naman ako sa sinabi nya. Hala! muka siguro akong tanga 'non.
"Miss?!"
"Omaygad!"
Halos mapatalon naman ako sa gulat. Nasa harapan ko na pala sya, hindi ko man lang namalayan.
Q_Q
*******************************
BINABASA MO ANG
High School Crush
General FictionOnce i have a crush. A long time secretly ultimate crush. I admire him because of his good heart. He doesn't have a handsome face. Actually, his a nerd. How confusing right? I'm started to stalk him since we're grade school. He's very silent and al...