"Maaaaaa! Mamaaaaa!" Ano ba yan si Mama ang tagal tagal dumating.
"Ano ba yooon?! Kanina ka pa tawag ng tawag e naglalaba ako!" Rinig kong sagot ni Mama sa labas.
"Eh maaa tapos na ko tumaeee!!!" Sigaw ko.
"P@#$&+&ina ka talaga! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na bulbulin ka na!!"
"Ilang beses ko din bang itatanong sayo kung ano yang bulbulin na yan?!" Sagot ko.
Di na siya sumagot pero alam kong bumubulong bulong na yan ng ibat ibang klase ng mura.
Ako na ung naghugas sa sarili kong pwet. 8 years na kong naghuhugas ng pwet pero gusto ko pa rin na si Mama ang naghuhugas kase iba ung pakiramdam pag si mama. Feeling ko ang linis linis ng pwet ko. Hihi.
Lumabas na ko ng CR kase tapos na ko maghugas ng pwet. Pumunta na ko sa kwarto ko.
Gusto ko ngang kasama si Mama sa kwarto e kaso itinatakwil niya ko palagi. Lagi niya na lang sinasabi na bulbulin daw ako. Ano ba kasi yon? Naiinis na ko.
Tumatakbo ako paikot sa kwarto ko kase wala ako magawa. Kinuha ni Mama ung iPad ko. Puro na lang daw ako Roblox at Minecraft bat di ko daw subukan magaral.
Psh. Kahit kunin niya pa ung iPad ko di ako magaaral. Naiinis lang naman lagi ako sa school. Lalo na sa mga teacher.
"ARAAAAAY! MAMAAA!" Napaupo sa sahig sa sobrang sakit. Tumama kase ung hinliliit ko sa paa sa cabinet ko.
"Ano na naman yang kaartehan mo?! Onti na lang kukutkutin ko na yang nguso mo!" Sigaw ni Mama sa harap ng pinto ko habang may hawak na hanger.
"EH TUMAMA UNG PAA KO! ANG SAKET!"
"KUNG DI KA BA NAMAN ISA'T KALAHATING TANGA E! SAN KA BA NAGMANA? PAREHAS NAMAN KAMING MATINO NG AMA MO!" Sabi niya sabay walk out.
Umirap na lang ako at dahan dahang tumayo.
"Magaaral na nga lang ako."
________________
"BEA VIEN LUMABAS KA NA AT KAKAIN NA!"
"BEA! ANO BA?!" Nagulat ako dahil sa boses ni Mama na kahit sino ay walang may gustong marinig. Rinig hanggang kabilang kanto ung boses ni Mama e. Kaya rinereklamo sa baranggay e.
"Ano ba yan, Mama! Natutulog ako e!" Nakatulog ako kanina habang binubuklat ung libro ko. Pagbubuklat palang ng libro inaantok na ko e.
"Osige! Matulog ka dyan! Wag kang babangon ah! WAG KANG KAKAIN!"
Bumangon na ko kasi natatakot ako. Natatakot akong magutom. Hehe.
"Ano bang mukha yan?! Mukha kang palaboy sa palengke! May muta muta ka pa tyaka panis na laway!" Reklamo niya.
"Mukha ko naman to e! Wag mo nang problemahin, Mama! Nag kakacrinkles ka e." Payo ko kay Mama sabay kuha ng kanin at ulam.
"Anong crinkles?"
"Ung guhit guhit sa mukha!" Sagot ko sabay subo na ng pagkain.
"Tanga talaga. Wrinkles yon!"
"Edi binago na pala no, Ma?" Sabi ko habang ngumunguya at nagkakamot ng legs.
__________
"MATULOG KA NA AT MAY PASOK KA PA BUKAS." Pasigaw na sabi ni Mama kahit magkatabi lang kami.
"KAKAGISING KO LANG TAS PAPATULUGIN MO KO TYAKA NANONOOD PA KO E." Pasigaw din na sagot ko.
"HOY MAGPATULOG NAMAN KAYO! MABUHAY NAMAN KAYONG MAGINA NG HINDI NAGSISIGAWAN!" Reklamo ng kapitbahay namin kaya tumahimik na kami.
"Ikaw kasi, Mama e. Yan tuloy." Paninisi ko sakanya.
"Matulog ka na don!"
"iPad ko muna?"
"Sinanla ko na!" Sagot niya.
"Weh?! Mama! Totoo?" Tarantang tanong ko.
"Oo. Matulog ka na don. Tutubusin ko bukas pag uwi mo galing school." Tumakbo na ko sa kwarto ko at tumumbling sa higaan ko.
"MA! TUBUSIN MO AH!" Sabi ko at natulog na.
BINABASA MO ANG
My One and Only Iyot
Humor[Warning: MEDYO SPG] Isa itong storya tungkol sa babaeng pandak, makulit, mataray at inosente at lalaking matangkad, gwapo at maginoo pero medyo bastos.