Bye na?

114 5 15
                                    

Gabi...maingay...madaming tao. Pauwi ako mula sa pagsusubmit ng mga requirements para sa papasukan ko sa kolehiyo. 

Nakakapagod, nakakaantok pero hindi pwede matulog.

Mag isa lang ako eh. Mag isa sa maynila, papunta ng terminal ng tren. 

Hindi na ako magpapakilala. Makakalimutan mo rin ako. Side character lang naman ako sa mga buhay niyo bilang isang taong may storya na di alam ng karamihan kaya baket naman magsasayang ka pa ng ilang megabytes ng utak mo para tandaan ako.

Balik tayo sa...wala na pala, gumawa nalang tayo ng bagong topic. Alam mo yung mag isa ka sa isang lugar na wala kang kilala. Wala kang makausap. 

Ni matanungan kung kamusta ka na? 

Sino kasama mo?

Baket ka nandito?

Mga pasimula ng mga usapan na nagtatagal ng kahit ilang minuto, segundo o kahit saglit langmay makausap ka lang.

Eto ako, nag iisa, namromroblema kung sapat ang balanseng nasa card ko para makasakay ng tren papunta ng terminal ng bus. Himala! Sapat pa, dinagdagan siguro nung hiniram ni Dad. Aaminin ko, ako talaga ang nanghiram. Iniwan ako mag isa tutal kaya ko naman daw, masanay daw akong maging independent.

Kahit papano, kinakaya ko pa...

Nakapasok ako sa tren, masikip...uwian kasi. Mga estudyante mula sa iba't ibang unibersidad na sikat sa maynila. Nakakita pa ako ng internet celebrity pero di ko na pinansin, mas pinagtuunan ko ng pansin ang mga normal na tao. Mga taong mukhang may problema, mga mukhang late na, mga mukhang walang pake sa mundo, mga taong parang sinasakitan na ng tiyan sa pagpapawis kahit na naka air-conditioned naman yung tren(marahil dahil na rin sa siksikan ang tren) mga taong sawi o broken at mga taong masasaya.

Ah! May nakalimutan pala ako, mga taong magkasamang nagmamahalan(romantically). Baket ko sila nakalimutan? Kasi gusto ko makalimutan yang pagmamahal(romantically) na yan. Sawi kasi. Wala nafall out of love. Nasaktan kaya syempre nagpapakabitter.

Nagfocus ako dun sa dalawang magkatabi. Parehong teen ager pero mas matanda saken. Siguro mga 20 years old ata edad nila. Ewan. Madali na mapeke ang edad ngayon dahil sa plastic surgeries at make up. Ayun sila, masaya na nag uusap. Halatang magsyota. Nakakairita. PDA potek. Pero wala akong magagawa, public transportation sinakyan ko. Bat ba kase di pa ako tinuruan mag drive. Napag isip isip ko, base sa dalawang tao na nakita ko, pano mo nga ba masasabing mahal mo ang isang tao? Madami pa akong naisip pero sasabihin ko nalang yung mga naaalala ko, makakalimutin kasi ako at hindi ko rin sinulat yung mga naiisip ko kasi wala rin naman akong dalang kwaderno. So ayun, mga tanong lang sila tulad ng...pano mo nga ba masasabing mahal mo ang isang tao? Baket nasasaktan ang tao pag nagmamahal? Baket may nanlalamig? Baket napakalakas ng kapangyarihan ng pag ibig para gumawa ang isang tao ng mga bagay bagay? At baket ako nagpapakahirap na mag isip ng mga bagay na wala naman kinalaman sa dalawang tao na sinabi ko kanina? Simple lang, kasi umayaw akong tingnan sila. Nasasaktan ako eh.

Huminto. Ay, nakaapak ako. Babae. Maganda. AT NAPAKAGANDA NG ACCENT NIYA~! Shete, mga fetish ko. Sorry naman ganda talaga ng British accent niya. Kaso umalis na rin. Hindi man lang ako nakapag sorry. Natameme sa kagandahan. Hahaha. Sayang, di man lang ako nakapagsorry, kawawang paa. Naalala ko tuloy ng minsan na may nagawa ako dun sa taong mahal ko. Di ako nagsorry. Mapride kasi ako dati. Ayokong nagsosorry. Napaiyak ko siya.(Sana wag mo mabasa to. Sabagay di ka nagwawattpad hahaha)

Ngayong wala na siya, tsaka ako nagsisi.(lagi namang nasa huli ang pag sisisi eh) Nung nasa aken pa siya...na hindi pala...hindi ka nga pala naging akin. Balik tayo sa dati este nakaraan. Noong mga oras na nagkasama tayo kahit na 4/5 ata ng mga oras na yun eh nagbabangayan tayo. Yung 1/5...hahaha...di ko nalang ikwekwento. Lagi tayong magkagalet, di tayo pala usap pero pag nag uusap tayo lagi tayong nag aaway sa mga bagay na di naman dapat pinag aawayan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bye na?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon