JM's POV
Naglalakad ako ng diretso at hindi pinansin ang ulul na yun. Pero kung minamalas ka nga naman oh! Napatid pa ako sa parang line na medyo nakaangat sa gilid ng hallway. Wag niyo na akong tanungin kung bakit. Baliw ang otor. =_=
"Hahahaha, ayan kasi. Pwede namang mamaya mo na ako pagpantasyahan eh. Hahaha." nilingon ko siya at kwinelyuhan sa polo niya.
"Pag hindi ka pa talaga tumigil diyan sa kaka-dada mo, itong kamao ko ang matitikman mo!" pagbabanta ko sa kanya. Pero ang gagu, nag-aktong nag-iisip.
"Hmmm, ano ba flavor ng kamao mo? In case lang, chocolate flavor gusto ko ah."
*PAK*
Ayun, pinektusan ko na sa ulo. Panira talaga ng araw ang bwiset na 'to eh. Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan niya. Tch. XSK!
"Aray! Pakyemen mo naman!" sigaw niya sakin habang hinihimas-himas yung parteng pinektusan ko.
"Pakyu! Mauna na ako! Babu!" dahil boring naman eh mag-cucutting classes na lang ako. Uuwi ako ng bahay at matutulog. Hindi naman masakit tiyan lokong yun eh.
Dire-diretso na sana akong bababa ng hagdan ng tawagin ako ng ugok na yun.
"Oy JM! Hintay naman diyan pag may time oh!" WTF?! Bakit niya alam ang pangalan ko?! Nilingon ko siya at nakita kong seryoso siyang naglalakad papunta sakin. Ano 'to? May usapan kayo ng paa mo? Na kung maglalakad ka kailangan seryosohin tapos ako pipilosopohin mo?
"Ikaw!" sabay turo sa kanya.
"Ako?" turo niya sa sarili niya. XSK. Kung hindi ka naman bobo eh noh?
"Ay hindi, hindi. Yung pader!"
"Ah, k. Pader kausapin mo yang babae na yan ng hindi magmukhang tanga." yudipotpot!!
"Ano ba?! Bakit mo ba alam ang pangalan ko?! Ha?! Stalker ka ano?!"
"Huh? Anong pinagsasabi mo diyan? Pag nalaman yung pangalan mo, stalker na agad? Di ba pwedeng nakita ko lang sa I.D. mo? Tss, libre namang mangarap." pasarcastic niyang sagot.
"Err, whatever dude. Wag mo na akong sundan. Lalabas ako ng campus." bored kong sagot sa kanya at tsaka bumaba na ng hagdan.
Ay pokthet! Hindi ko naitanong yung pangalan niya. Tss, hindi ako interesado dun noh! Ahh, baka anak ni Apl.de.ap kay aling Dionisia? Nevermind.
Nakalabas na ako ng campus kasi nauto ko yung dalawang bodyguards. Sinabi kong meron ako at sinabi ko ring may excuse slip na ako. Paano ko nagawa yun? Dude, anong purpose ng kaibigan mong nag-papart time sa library? Kaya ayun, gora na ako.
Sumakay ako ng taxi habang may kinakalkal sa bag ko.
"San tayo miss?"
"Sa pupuntahan manong." tumango lang yung driver. Odiba? Hindi slow si manong. Idol na kita manong!
Nang nakita ko na yung hinahanap ko, which is yung wallet ko, eh bigla na lang hininto ni manong driver yung taxi at tinutukan ako ng ..... uhh, Water Gun. Ayos si Manong driver ah.
"Hold-up 'to, wag kang kikilos!" edi wag.
"Bigay mo sakin lahat ng pera at gadgets mo, kundi pasasabugin ko ulo mo!"
Stay still pa rin ako. Nainis siguro kaya sinigawan ulit ako.
"Ano ba?! Ibigay mo na, di na ako magdadalawang isip na patayin ka!" Aba! Ikaw ang nagsabi na wag akong gagalaw eh. Defutah!
"Talaga lang ah? Sige nga, patayin mo nga ako!" pang-aasar ko sa kanya na ikinagalit lang niya. Puahahaha.
"Ibibigay mo o hindi?"
BINABASA MO ANG
NICE TALKING DUDE!
HumorANG LAHAT NG NAPAPALOOB SA KWENTONG ITO AY PAWANG IMAHINASYON LAMANG NG INYONG BALIW NA MANUNULAT. KAYA AKO'Y HUMIHINGI NG PASENSYA DAHIL ITO ANG KWENTONG WALANG KWENTA. XD PS: PATAYIN NA ANG AUTHOR DAHIL ANG KORNY NIYA =_= GE~ BASA NAAAAAA! RAK NA...