============================
♥ CHAPTER 2 ♥
============================
***
[ Cindy's POV ]
Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito?
Yung feeling na nakanganga lang ako sa harap nang mga kaklase ko.
" Miss Obera tapos ka na ba? " tanong ng matandang guro namin.
Syyeeet ang gwapo gwapo niya tlaga . Nakatunganga lang ako sa harapan niya at titig na titig ako sa kanya. Yung bang parang tumigil ang oras ng nakita ko siya. Ito ba ang sinasabi nilang soul mate? Pinagtagpo ba talaga kami ng tadhana.
" Miss Obera! " pasigaw sakin ng guro namin.
Bumalik lang ang katinuan ko sa pagsigaw nang teacher namin. Panira talaga ng moment ang matandang toh. Syempre magalang ako kaya di ko sinabi yun.
" Ha? Po? " napaka I dont know lang.
Oh di ba ang galang ko kasi gumagamit ako ng po at opo.
" Ang sabi ko tapos ka na ba sa pagsagot?" Mahinahon niyang tanong.
Kung makikita mo lang ang mukha niya yung mukha na nagpipigil ng galit.
" Ah .. Opo " Magalang kung sagot sa kanya.
Napaka magalang ko talaga noh.
" Okay pwede ka ng umupo"
Sabi niya sabay lakad papunta sa pisara.
Naglakad ako pabalik sa upuan ko habang nakatitig parin sa kanya. Nakaupo siya sa likod ng gilid malapit sa bintana .
Why he is so gwapo? Bakit kaya siya nandito?
" Hmpf sa tingin ko hindi tama ang mga sagot mo Miss Obera " Ani ng guro namin.
Pakshet! Bakit naman hindi tama ang mga sagot ko? Pinaghirapan ko kayang e-analyze yun. Ang sabihin niya di lang talaga niya maintindihan ang mga sagot ko I just have my own wayy of answering those problems.
" Okay sinong magvo-vulonteer para gawing tamang sagot ang mga sagot ni Miss Obera" Pataray niyang tanong.
Ganun? So pinapalabas niya talagang mali ang sagot ko. Dapat ba tlagang ipagdi-inan niya ang apelyido ko.
Naku! Ma'am Rosales kung hindi lang tlaga kita guro! Pasalamat ka rin na magalang akong studyante.
" Okay Mr.Gonzalez " Nakangiti niyang sabi.
What ? Sino daw? Gonzalez ba kamu? Apelyido nun ni Red!
Napalingon ako sa kinauupuan ni Red. Gahhhd the body nakaka-manyak talaga ang katawan niya ang macho.
Oo, kaklase ko si Red. Ang buong pangalan niya ay Red James Gonzalez .
Ang swerte ko di ba kasi kaklase ko ang prince charming ko.
Pero hindi ko alam kung bakit siya nandito? Bakit siya dito naga-aral?
Akala ko ba nasa amerika siya.
Naglakad si Red papunta sa pisara at sinagot ang lahat nang mga katanungan ( problem solving) .
BINABASA MO ANG
♥ Playful Things ♥ [ MANGA ADOPTION ] ( Slow Update)
Teen FictionAnong gagawin mo kapag ang pinaka nai-inisan mong tao sa mundo ay babayaran ka ng pera para magpanggap na girlfriend niya at ipapakilala sa mga magulang niya??? "sweet part of loving is to admit, that you have fallen in with someone you didn't me...