Chapter 27

393 9 0
                                    

Chapter 27

ayaw ko maging pabigat kay dj kaya gagawin ko to hindi dahil natatakot ako sa kakalabasan nitong pag amin namin sa mga tao tungkol sa relasyon namin kundi dahil pagod na ako.tama na yung mga masakit na nangyari sa aming dalawa, hindi ko na kayang makita na nahihirapan si daniel sa akin nakikita ko namang pinagsisihan na talaga niya iyon at yung pag panggap niya na nagka amnesia siya, ginawa lang niya yun para hindi ako madamay sa mga nangyari tungkol sa buhay lovelife niya, ginawa lang niya yun para protektahan niya ako sa mga masasamang tao na nais masira ang magandang relasyon namin.

oo, inaamin ko naging close-minded at immature ako noon alam kung may parte pa sa pagka tao ko ang hinahanap ang totoong nangyari sa nakaraan ko, gusto ko malaman kung bakit wala akong naaalala sa childhood days ko at pagka tapos nitong rebelasyon sa pag amin namin sa publiko, sasabihin ko sa kanya yung tungkol sa babaeng nagpaparamdaman sa akin at yung binigay na box sa akin sa bahay....

at ito na nga pinag-guguluhan na kami ng mga tao at maraming nag fla-flash na camera sa amin. sino naman bang hindi magugulat na pag labas ng isang gwapong nilalang at sikat na artista sa buong pilipinas na lumabas ng sasakyan niyang doche challenger ay pinag-buksan pa niya ako ng pintu.an at hindi lang iyon noong lumabas ako ay hinawakan kaagad ni daniel ang kamay ko, kaya ito ako ngayon nahihiya todo tingin sa baba lang ako habang naglalakad.

sa totoo lang kinakabahan na ako at alam kong nararamdaman ni daniel ang kamay ko na nanginginig na kaya't tumigil muna kami sa paglalakad at bumulong siya sa akin na mas lalong nayanig ang buong sistema ng katawan ko.

"Babe, don't be afraid of them... ako bahala, ako ang magsasalita sakanila, you don't need to speak infront of them ang gagawin mo lang ay hawakan ang kamay ko at dinggin mo ang mga sasabihin ko sakanila. okay? so don't be nervous babe, always remember i'm always here for you and i love you so much" pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinalikan niya ang noo ko.

tumango na lang ako bilang sagot sa mga sinabi niya. tama nga, kailangan ko maging matatag upang suportahan ang kanyang mga sasabihin sa publiko at kung ano mang maging resulta ay kailangan namin maging matatag at hindi susuko sa kung ano mang mangyayari sa buhay namin sa susunod na araw o kaya sa makalawa.

kailangan hindi na kami maging kampante dahil kung sasabihin na ni daniel at tungkol sa amin ay alam kong kakalat kaagad ito sa ibang tao at lalo na sa iba pang bansa. at maaring maraming magagalit sa kanya lalo na sa akin dahil sino ba naman ako na babae. isang simpleng babae lang na nangangarap maging maganda ang buhay at malaman ang mga maraming tanong tungkol sa buhay ko.

at ito nga ngayon umupo na kami sa harapan nila bali 3 upan ang parang nasa flat surface at maraming tao ang nasa ibaba at mayroong long table dito kung saan maraming microphone ang nasa harapan namin. kung tinatonong niyo kung para kanino ang isang chair na katabi ni daniel ay para sa manager ni daniel ang naka-upo doon bali, nasa gitna si dj sa amin. at oo, nga pala alam ng manager ni daniel na aamin na siya sa publiko at first hindi siya sang-ayon sa pag amin ni daniel sa publiko tungkol sa relasyon namin ngunit wala na ding choice dahil itong si daniel ay hindi papayag at alam ko namang makulit itong si daniel kaya't pumayag nalang din itong manager ni daniel ngunit my tanong siya kay daniel na alam kong hindi ko din alam ang isasagot sa tanong niya at ang sinabi lang ni daniel ay

"Kung anong mangyayari sa pag amin ko ay nasa kanila nalang yun kung tatangapin nila kung  talaga ang mahal ko o ako na mismo ang mag se-settle down para wala ng gulong mangyari lalo na't pag sasabihin ko ay malalaman na nila kung sino ang mahal ko, kinakabahan ako para kay kathryn baka sasaktan nila ito habang wala ako sa tabi niya basta't ang alam ko lang let the GOD handle it. just believe in him ang everything will be okay."

tumulo nalang kaagad ang luha ko pagka tapos sabihin iyon ni daniel sa kanyang manager. ohmygosh no wonder kung bakit ako nahulog sa kanya. basta't alam ko kaya namin to. i swear to GOD siya na talaga ang mahal,mamahalin at imamahal ko. 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi friends, sorry kung lame ang story ko hihi. sa totoo lang talaga wala na akong plano tapusin to kasi super busy ako and wala akong time mag isip haha yes. pero maraming nag re-request na mag update ako eh kaya't  ito. pero short update nga lang :) pero pasalamat kayo hindi ko ni un-hold ang story nito at ni sloww-update ko lang haha. sorry kung short update always okay? hihi labyooo! enjoy reading! and don't forget to vote after reading or before reading!

NOTE: BEAR WITH MY GRAMMARS/WORDS OR ETC. BECAUSE I AM NOT A PROFESSIONAL WRITER :) I AM JUST A TYPICAL HIGH-SCHOOL STUDENT LOL. 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

why BEAR instead of BARE? uhmmm.

"Please bear with me" is the right sentence. Bear means: to tolerate, or have patience.

BARE means naked.

                                                          THANKS FOR READING! 

My Textmate Is A Celebrity[KathNiel] SLOW-UPDATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon