Emotion Over Cognition

15 2 0
                                    

April 4,2014

Ito dapat ang araw na ga-graduate na ako ng college.

This is the very special day that my mom and I have been waiting for all my life cause as we all have said that  "Education is the key to success" 

Makakatulong na ko sa pamilya, magkakaroon ng magandang trabaho, at wala ng karapatan ang iba na maliitin ang kakayahan mo dahil kahit papaano may napatunayan ka na.

Sa kasamaang palad huminto ako during my fourth year on the course dahil una, may mga iniisip pa kong babalikang mga subjects dahil nagkaroon ako ng sakit wherein may mga na-fail akong subjects. Pangalawa is naging overly dependent ako sa mga naging kaibigan ko simula first year hanggang third year na nung nagkahiwa-hiwalay kami nung third year 2nd sem at naging kaklase ko ulit sila nung fourth year 1st sem at malayo na ang loob namin sa isa't-isa, hindi ko kinaya. May mga pagkakataong kakausapin ko sila pero di man lang sila titingin at sasagot ng lang ng mga one-word reply samantalang pag may nakakasalubong silang naging kaklase nila nung mga panahong nagkahiwa-hiwalay kami ay todo ngiti at pasabi sabi pa ng " Hoy kamusta na? I miss you" pang nalalaman

Nagpadala ako sa EMOSYON ko. Di ko na naisip ang consequences ng pagtigil ko. Yung mararamdaman ni mama, ng lola ko, yung tingin sakin ng mga kapatid ko. Binalewala ko lahat. Sa panahong yun, ang mahalaga lang sakin is makaalis sa isang lugar kung saan may mga taong ipinaparamdam sa akin na hindi ako belong. Yung may rejection. Minsan kasi, madali sabihin na wag na lang pansinin yung mga sinasabi at inakto ng ibang tao sa atin kasi lilipas din yun, pero pag nung ako na yung nasa ganoong sitwasyon, hindi ko talaga kaya. Mas okay pa ngang makisama sa mga naging kaaway kaysa sa mga naging kaibigan mo kasi kung sakaling di ka man pansinin nung naging kaaway mo, okay lang , kasi walang emotional attachment, di gaanong masakit.

3 kami ng mga kaibigan ko ang magkakasama nung panahon nadown na down ako. Si momie na madalas din um-absent kasi may pamilya na, tapos si ate dhang na nagpapatangay din kay momie at syempre ako, dahil ayokong maging loner, aabsent na din. Hanggang nakasanayan na namin yung ganoong set-up. Pag absent yung isa, damay damay na. Maraming pagkakataon na puro groupings yung ginagawa sa room, sa lahat ng activity. Dati di na kailangan maghanap ng kagrupo kasi marami nga kami, we are 9 in the group. Nung naging tatlo nalang kami, come what may nalang. Nung halos lahat na ng subjects nahihirapan na kami, I decided to take Leave of Absence. Ito yung pagfa-file ng leave kung saan parang di ka nag-enroll. At babalik ka ulit sa panahong handa ka na. Sa kaso ko, matagal tagal ang hihintayin dahil nagkaroon nga ng K12 program sa school. Kailangan kong maghintay ng matagal bago magkaroon ng subjects na kailangan kong i-take.

Emotion Over CognitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon