Trust that's been broken

14 2 1
                                    

April 13, 2014

While watching ASAP, may isang artist na kumanta ng Journey by Lea Salonga. Ito yung graduation song namin nung Elementary at napansin din ni mama. Bigla nyang sinabi " Diba yan yung graduation song nyo nung elementary? " , Um-oo lang ako pero nung mga oras na yun, isa lang yung nasa isip ko, yung ilang araw pa lang na lumilipas na dapat graduate na ko ng college. 

"Kilala mo pala si Sir Sabalucca ?" , tanong sa akin ni mama referring to one of my elementary teachers

" Yep, bakit ?"

" Tinatanong niya kasi sa akin kung anong year ka na sabi ko sakanya fourth year, sabi niya ikaw daw magpapayaman sa akin kasi magaling ka daw. Pano mo na ko mapapayaman be?  "

" Basta, may plano na ko, bahala na "

May mga panahon na alam ko, di pa rin tanggap ni mama yung pag-stop ko. Alam kong sobra siyang disappointed sa akin. Mataas kasi ang pangarap nya sa akin. Sobra nya kasing pinagmamalaki mga achievements ko sa mga kakilala nya. Constant kasama ako sa Top 10 nung elementary. Naging Top 1 nung first year high school and di rin naalis sa top 10 nung following years except 2nd year na aminado akong nagloko talaga ko.

Bago ako tumigil nagtira ako ng 200 pesos para sa Ihaw-ihaw business namin kasama ang mga kaibigan ko. Kahit nakakapagod, sige lang para di naman ako masyadong pasanin kay mama. Nung panahong yun, nagta-trabaho si mama sa school canteen. May mga kaibigan syang janitor tapos hiningi yung number ko at nagulat ako nung tinext ako. 

Tinanong ko si mama kung bakit nya binigay, sabi nya okay naman daw ugali, pakisamahan ko lang daw. May pagka-isnabera pa naman ako. Sabi ko ayoko, pero sinabi nya sa akin, " Yung mga tindera ng ihaw ihaw di naman nag-aaral, bagay lang sa mga janitor"

Syempre wala kong masabi. Kahit gaano pa ko mangatwiran at gustong gusto ko sumagot hindi ko magawa kasi sobrang guilty ako.

Sinira ko yung tiwala niya. Dati kahit anong hingi ko ng pera okay lang kasi para sa pag-aaral. Maski naglalakwatsa lang basta sinabi kong para sa projects sige lang ng sige. Ngayon nalaman ko na ang hirap kung paano kitain yung pera nahihiya na ko humingi.

Sobra yung pagka-inggit ko sa mga kaklase at kakilala ko na grumaduate na. Merong parte sa akin na sobrang nanghihinayang sa panahon pero wala na kong magagawa. Kasalanan ko naman eh. Masyado akong padalos-dalos ng desisyon. May parte sa utak ko na nagsasabing " O ano leng ? asan na yung yabang mo ? Akala ko matalino ka ? "

Buong pagkatao ko puno ng regrets sa panahong to.

Matuloy kaya yung plano namin ni Nika ? Sana nga ! Itong planong to yung pinaka inaasahan ko para makapag-aral ulit.

Start back to zero and regain my old self na palaban. Yung hindi uurong at haharapin lahat ano man yan. Yung puno ng confidence at laging sinasabing Madali lang yan , kayang kaya ko yan .

Maski CUMLAUDE lang pag nag-aral ulit okay na :)

Emotion Over CognitionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon