"Kris, mag-iingat ka dun ha?" pagmomonologue ni Mudra, with matching hawak pa sa ulo ko. Nako mother, siguraduhin mo lang na nag-hugas ka ng kamay dahil ayokong magka-pimples. No, No, No, No way! Inayos niya yung kwelyo ng damit ko na may freebie pang luha. "Madami pa naman dong masasamang-loob, nako, nako!"
"Tonet, ginawa mo namang bata 'tong si Kris," Eksena pa ni Pader. "Siguro naman alam na ni Kris ang gagawin sa Maynila." Ginulo niya yung hair-do ko, My Gosh! Buti nalang Easy-fix 'to.
"Nag-aalala lang naman ako kay Kris, Tony, masama ba yun?"
Nagsho-shooting ba kami dito para sa teleserye? Ermagherd lungs. Ang Title "Ang Pagdadalaga ni Kristofer Rodriquez". Bongga, magt-trending 'to worldwide for sure.
"Mu--" Este. "Nay, Tay, alis na ho ako. Baka maiwan na ako ng bus."
"O'sya, Sige. Mag-iingat ka ha." Bilin ulit ni Padir.
"Oho." Kinuha ko na yung maleta ko at lumarga na palabas ng pinto. Pero bago pa ako makalabas, may pahabol pa na bilin. Josko naman, mag-aaral lang naman ako sa Maynila, di naman ako pupunta sa US. Next time na yon, pag ikakasal na kami ni Fafa Zac Efron.
"Anak, wag muna magg-girlfriend ha? Aral muna." Kadiri naman si Mother. Malamang di ako magg-girlfriend. Di ako Lesbian, kadiri langs ha.
"Opo, wag kayo mag-alala. Pagbubutihin ko 'to." Tuluyan na akong lumabas ng gate namin at nag-abang ng tricycle papuntang bus station. I'm as free as a pretty butterfly!
Pero teka, may nakakalimutan ata ako. Hindi ma-register ng braincells ko.
Ay tanggala, Si Irish! Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Irish. Buti nalang pina-loadan ako ng Unli ni Mudra. "Bading!" Pambati ko nang sagutin niya na yung tawag.
"Oy, Asan ka na? Kanina pa kita hinihintay dito."
"Nasa Tricycle na ako papuntang Terminal. Si Mudra kasi eh, ang daming payo. Dinaig pa si Lola Basyang. Nakalimutan tuloy kita, I'm so sorry-bels!" Haba ng hair ng babaeng ito, nagso-sorry ang reyna sa kanya. Swerte niya lovey-doves ko siya.
"Nandito na ko sa bus station, bilisan mo, Kris!" Enebe. Di akey kabayo, si Vice lang yun. Di hamak na mas Dyosa ako noh.
"Yes Sisteraka, I'm on my way. Wait for me, Hart Hart!"
Pagkarating ko sa bus station, kitang-kita ko na agad si Irish. Paano ba naman, ang baduy baduy ng suot. Kadiri, walang taste sa fashion. Ew. May pa-wave wave pa siya. Walang ka-poise poise.
"Umayos ka nga, Irish. Para kang timang diyan." Huhu, kailangan ko na namang magpanggap bilang Kris. Paano ba naman kasi, yung kumare ni nanay may tindahan dito. Mahirap na, baka i-chismax ako nun. Lagot ako kay Mother, Father, Gentleman.
"Babe naman, ang cold cold mo sakin. Wag ganun." Kumapit ng pagka-higpit sa braso ko si Irish. Oh My Gee, di ba uso personal space? Like, I really need it now na.
"Sira. Tara na." Pero deep inside, gusto ko ng i-pull ang hair niya hanggang sa makalbo siya. Baka mapagkamalan pa siyang jowa ko. Ewness. Turn off sa mga fafables.
Hinila ko na siya papasok ng bus. Nakakadiri, Amoy uso dun sa bus station. Kailangan kong maghilamos ng ponds kundi magkaka-pimples ako. Sayang ang flawless skin noh. Huhu.
***
"Best, eto na yun oh!" Tinuro ni Irish yung isang apartment na kulay green ang gate. "1490"
Hinanap ko yung doorbell ng apartment kaso sa kasamaang palad, wala. Kadiri, ang loser naman. Mahal mahal ng renta tapos doorbell lang wala pa? Hashtag Ew. Padabog akong kumatok sa gate nila. Huhu, madadamage ang beautiful skin ko.
"Sino po sila?" Pambungad na bati ng isang matandang naka-duster sa amin. Ano ba yan, akala ko pagdating ko sa Makati lahat ng tao dito ay fashionista. Hindi pala. Jusko.
"Uh, ako po si Kris. Yung lilipat ho." Sagot ko.
"Ay, ikaw pala iho. Tara pasok." Pinapasok niya ako at tinignan niya ng masama si Irish.
"Kaibigan ko ho." Sabi ko. "Tara, Irish."
"Magandang Hapon po." Nakangiting bati ni Irish pero inirapan lang siya nung matanda. Aber, ang sungit naman nitey pero sakin ang lapad ng ngiti, abot langit. Jusko. Wag niya iniirapan friendship ko, baka gusto niyang i-kick ko siya katulad ng pag-kick ni Jandi kay Junpyo.
"Eto yung kwartong tinignan mo sa Sulit. Solong-solo mo 'to. Kung may tanong ka pa, hanapin mo lang ako sa baba." Malanding sabi sakin ng impakta. Ewness. Don't make landi me please. Di tayo talo, so dirty.
"Sige, Salamat po." Pagka-alis nung impakta, nakahinga na din ako ng maluwag. "Kadiri Girl, ang Dirty ng look sakin nung Ale. Para niya akong hinuhubaran. Ew, Yuck."
"Lalaking lalaki ka siguro ka sa paningin nun. Hahaha! Akala siguro jowakels mo ko." Umupo si Irish sa kama.
"Don't say dirty words. Oh My God, nakakadiri ka, girl."
"Siguro kinakabahan yun ngayon." Nakangising sabi sakin ni Irish.
"At bakit aber?"
"Isang Babae at Isang lalaki na magsasama sa iisang kwarto... Gawin natin gusto mo?" Kinindatan pa ako ng bruha. Pinitik ko ng malakas yung noo niya. "Aray!"
"Walang lalaki dito, wag kang shunga. At di ako interesado sa yuri. Gawin mo mag-isa mo yun, mag-selfie ka." Kung may lalaki man dito, si Irish yun. Ewness. Never ako magiging Fafa noh. Forever tagahabol lang nila ako.
"Huhu, Sungit mo forever. Di na kita love." Nag-pout pa ang gaga. Mas cute pa pwet ko kesa sa kanya. Pwede ba?
"Hangdrama mo gurl, ipapalit ka na nila kay Miho niyan. Halika na, tumulong ka sa pag-aayos, ano pang silbi ng pagsama mo dito kung maglulupasay ka lang diyan? Bilis."
"Oo na. Huhuhu."
BINABASA MO ANG
Mr.05
HumorCopyright © by quixoticwriter All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced without the express written permission of the publisher except for the use of brief quotations in a book review. This is a work of fiction. Nam...