Ursula's Quest

388 47 32
                                    

Ursula’s Quest
Written by Zurichian

NAG-AARAL sa  Pilar Technical Vocational High School si Ursula Manabat. Siya ay nasa ikalabin-dalawang baitang na ngayon. Lingid sa kaalaman ng mga kaklase niya na siya ay isang mapanuri sa lahat ng bagay. Gusto niyang malaman kung saan at kailan nagsimula ang mga bagay-bagay na naririnig at nahahagip niya sa araw-araw. Kilala rin siya sa buong campus bilang consistent first honor at higit sa lahat ang pagiging maldita nito.

Si Ursula ay napaka-competitive pagdating sa grades. Gusto niya siya lang ang palaging nasa una. Kaya sobrang inis niya nang may nag-transfer sa klase nila. Iyon ay si Dulcedita. Matalino rin kagaya niya pagdating sa academics at may lahi rin sa pagiging maldita.

Laking inis ang naramdaman niya dahil may aagaw sa pwesto niya. Pero may tiwala pa rin si Ursula sa sarili niya na  mas matalino at hindi kayang pantayan ni Dulcedita ang galing niya pagdating sa klase. May takot na naramdaman siya pero kaunti lang dahil alam niyang wala pa sa kalingkingan niya ang galing ni Dulcedita.

Isang araw, nagpagawa ng isang research paper ang kanilang guro sa Philippine History. Sa isip-isip ni Ursula ay ang dali-dali lang daw ng ipinapagawa ng guro nila. As easy in her past projects. Pero hindi pa rin siya nawalan ng kumpiyansa dahil anumang oras ay baka maagawan siya ng korona.

Dahil sa kadahilanang mapanuri, natuklasan ni Ursula ang bagay na hindi niya kayang maipaliwanag. Isang bagay na akala niya ay madali lang niyang malalaman. Bagay na nag-udyok sa kaniya na bumalik sa nakaraan upang tuklasin kung bakit nag-iba ang wikang kinagisnan.

Handa niyang gawin ang lahat mapanatili lamang sa kanya ang korona. Hahamakin niya lahat makamit lang ang kasagutan sa pananaliksik niya.

"La Importansya La Lingua Filipino."

Mahiwagang salita na aksidenteng naiwika ni Ursula at nagbalik sa kanya sa taong 1892.

Mapagtagumpayan kaya ni Ursula ang pananaliksik niya?

Lakbayin ang mga pangyayari sa nakalipas na panahon sa taong 1892. Panahon pa ng ating mga bayani at mga ninuno.

Samahan ang modern day "Dora: The Explorer" na si Ursula Manabat sa kaniyang paglalakbay.

PAALALA: Maaari n'yong panoorin ang video trailer na nasa multimedia section. “Ang Pananaliksik ni Ursula” video edited by Jin_Nyela.

Ursula's Quest (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon