Ako si Lianne Shane Mariano, isang simpleng babae na nagpapakatanga sa isang lalaki. Marami ng tao ang nagsasabi na hiwalayan ko na daw si Reign, yung boyfriend ko. Sikat si Reign sa school namin. Highschool pa lang siya na talaga yung crush ko. Kaya nga nung niligawan niya ako nung 4th year kami sobrang saya ko eh. Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang hamak na katulad ko eh magugustuhan ng isang Reign Pascual? Masaya naman kami eh, masaya to the point na hindi kona alam kung ano yung feeling ng masaktan.
Mahirap pala pag masyado kang nagtitiwala, yung tipong lahat na ibinigay mo dahil akala mo... Ganun din siya sayo. Pero yung lahat pala na yun, hindi pa rin sapat.
July 16,
3rd Anniversarry namin. Tinext ko siya paggising ko pa lang, excited na excited ako para sa araw na to. Nag-ayos ako dahil sabi niya may dinner daw kami mamaya after ng class. Nakangiti akong pumasok ng school namin kahit na maraming tao ang galit sakin dahil sa kanya.. Hindi ko na lang sila pinansin dahil ayokong sirain ang araw ko. Pumasok ako sa klase na naghihintay ng text niya.. Nagdaan ang mga oras na wala pa ring text. Hindi kaya nakalimutan niya? I erased the thought. Hindi naman siguro, hindi pwede.. Hinayaan ko na lang dahil baka busy siya. Natapos ang klase namin ng 5:00 pm, wala pa rin. Nawala na yung magandang ngiti ko kaninang umaga, naiiyak ako. Hindi niya naman ako nakakalimutan dati ah! Nagumpisa na akong kabahan. Dumiretso ako ng uwi sa bahay at nagbihis para sa date namin. Siguro may surprise lang siya kaya di niya ako tinitext. Tama! Knowing Reign he's a person full of surprises.. Hinatid ako nung driver namin sa restaurant na sinabi sakin ni Reign, dali dali akong naman akong pumasok. Sinabi ko dun sa receptionist yung reservation at agad niya naman akong iginiya sa loob. Private room yung nakareserve samin ni Reign ang romantic ng atmosphere sa loob. Pag-open nung pinto halos maluha ako dahil yung kanina kopang hinihintay ay nakaupo na dun sa isang upuan. Nawala na lahat ng worries at kaba ko nung nakita ko na siya. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Nagulat ako kasi, hindi niya ako niyakap pabalik... Dun pa lang alam kong mayroon ng mali. Lahat ng kaba ko kanina unti unti nanaman akong kinakain. Natatakot ako. Ayokong bumitiw sa pagkakayakap ko sa kanya dahil baka may kung anong mangyari. Kaso huli na ang lahat tinanggal niya yung pagkakayakap ko. Alam ko, ramdam ko na pabagsak na yung luha ko pero tinitigan ko pa rin siya sa mata. Hanggang sa sabihin niya yung mga salitang ayaw kong marinig..
"I'm sorry Lianne but let's end this." Sambit niya kasabay ng pagpatak ng bawat butil ng luha mula sa mata ko. Ano bang nagawa ko? Ano bang mali?
"Wh-why? May nagawa ba akong mali Reign? Sabihin mo. May kulang ba sa mga ginagawa ko para sayo?" Ang hirap sambitin nung mga salitang yan, dahil alam ko hindi ako nagkulang..
"Walang kulang sayo, wala kang kasalanan. It's just that hindi kita mahal. Hindi kita minahal." Tuluyan nang bumagsak yung mga luha ko. Naninikip na rin yung dibdib ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Sana pala nakinig ako sa sinasabi ng ibang tao noon. Sana nakinig ako sa mga kaibigan ko. Matagal na nilang sinasabi na sasaktan lang ako ni Reign, pero di ko pinakinggan. Nagpadala ako sa pagmamahal ko sa kanya.
"HA-HA-HA- So you mean to say na niloko moko? Sa loob ng tatlong taon niloloko mo lang pala ako! Eh gag* ka pala eh! Sana nakinig na lang ako sa mga sinabi ng kaibigan ko noon! Ang tanga tanga ko naniwala ako sayo! Sinayang mo lang yung pagmamahal na ibinigay ko. HA-HA-HA!" I laughed bitterly. Hindi kona kaya, sobrang sakit na. Hindi na rin matigil yung luha ko. I immediately grab my purse pero nung palabas na ako bigla akong hinawakan ni Reign sa braso. What now? Hindi pa ba siya tapos? Kung hindi pa, pwedeng tama na muna? Kasi sobrang sakit na. I stare at his eyes and I can see he's sorry. Hah! Nakokonsensya ba siya sa ginawa niya?
"I'm sorry Shane. I'm very sorry.." He said as he stared back at me. Shane huh?
*PAK*
I slapped him hard as my tears continued bursting. Wala na bang tigil to?
"Ano pang magagawa ng sorry mo? Nasaktan mona ako!" Pagkasabi ko nun marahas kong binawi yung braso ko sa pagkakahawak niya. Masakit.. pero walang wala sa nararamdaman ko ngayon. Tumakbo ako palabas ng restaurant na yun. I don't care kahit naka dress at heels ako ngayon. Gusto ko lang makalayo sa lugar na yun... I want to run from the pain. Hindi pa rin tumitigil yung luha ko, nanlalabo na rin yung paningin ko.
Hindi niya manlang ako hinabol. HA-HA-HA I laughed with sarcasm. Hindi niya nga pala ako mahal, hindi niya ako minahal.. Sa tingin mo hahabulin ka niya? Stop your stupidity Lianne! Wala na ako sa sarili. Wala na akong pake sa kung ano ang sasabihin ng mga nakakasalubong ko ngayon. Wala na akong pake sa kung gaano na kamiserable yung itsura ko. Wala na siya eh...
Tumakbo lang ako ng tumakbo kahit na nanlalabo na yung paningin ko, hanggang sa...
"Yung babae nasagasaan!" Narinig kong sigaw nung lalaki kasabay ng pagtama ng katawan ko sa lupa. Ngumiti ako, yung ngiting puno ng sakit. Hindi kona din maramdaman yung sakit na dulot ng pagkabangga sa akin. Namanhid na yata ako... Habang tumatagal mas nahihirapan akong huminga at parang gusto ko ng pumikit. Hindi ko na kaya... Unti unti ko ng nararamdaman yung pagbigay ng katawan ko. Siguro hanggang dito na lang ako. Hanggang dito na lang talaga ako.
Goodbye Reign, alam kong hanggang dito na lang ako. Hindi na kita makikita. I gave everything to you.. I gave you All of me.
Pero hindi parin sapat. Hindi pala sapat kahit ibigay mo lahat lahat sa kanya. Dahil hindi magiging sapat yun hangga't hindi ka niya mahal. Sa loob ng three years na yun, hindi ko maitatangging naging masaya ako kasama siya. Masaya ako dahil nakilala ko si Reign at naging parte siya ng buhay ko kahit na ganito ang kinahinatnan. Masaya na ako dun... Ito na ang huli, hindi manlang ako nakapagpaalam sa mga taong mahal ko. Hindi ko manlang napasaya yung mga taong minahal ako. Hindi manlang ako nakapagsorry sa mga taong nasaktan ko.. Ngumiti na lang ako. Isang mapait na ngiti.. Nakakalungkot isipin na sa huling sandali ng buhay ko nasasaktan parin ako. Pero mas maganda na siguro to.. Ito na yung huling pagkakataon na makakaramdam ako ng sakit..
Unti unti nang nagsasara yung mata ko. Kahit gusto kong pigilan hindi ko kaya. Pagod na ako.. Tanging naririnig ko lang sa paligid ko ay yung pagkataranta ng mga taong nakakita sa akin. Konti na lang hindi ko na kaya.. I slowly shut my eyes as I whisper his name..
"Reign.." As I said his beautiful name, my eyes automatically shut and my breathing stopped.
In this game of love. I'm a looser.. But I never regret giving my all to him. I never regret giving my love to him. And maybe to my next life, I'm the winner. I'm Lianne Shane Mariano and I will love Reign Pascual through eternity.
you're my end and my beggining, even when I loose I'm winning
'Cause I give you all of me...