Be my Superman

30 0 0
                                    

 Chapter 1

 Knowing Superman

Zooey's POV

“Pangit..” untag ni Von kay Zooey. Iminulat niya ang isang mata. Nakatulog nanaman siya sa canteen nila.

Binalingan nya ito. And there he is. The reason why she wakes up every morning with a smile.Napakagwapo kasi ng kaibigan niyang ito. Mestizo-looking, with a very captivating smile na may matching dimples pa. Pero hanggang picture lang ang kagwapuhan nito, pag narinig mo kasing magsalita at makitang kumilos ay isusumpa mo ang Diyos kung bakit Niya pinabayaang magkaganito ang napakagwapong nilalang na ito. When she entered college, siya ang una niyang napansin, dapat nga ay popormahan niya ito dati. Pero naudlot ang kanyang diabolical plan nang magpakilala ito sa unang klase nila noon. Muntik na siyang maloka sa nalaman.

“Hoy pangit, tama na yang kakatitig mo sa akin, kung hindi lang kita kaibigan, iisipin kong pinagnanasahan mo na ako.” Sabi nito sabay batok sa kanya. Nagising tuloy bigla ang diwa nya.Kung hindi ka lang gwapo, pinalapa na kita kay manong guard, pero dahil nasasayangan ako sa genes mo, pagtyatyagaan ko yang kasungitan mo.

“Bakit masama bang titigan ka? May “no looking” sign dyan sa noo mo? Gusto mong pinturahan ko?”

“ULUL!Dapat nga magpasalamat ka sa akin kasi ginising pa kita at hindi sinolo si Christian.” Inginuso nito ang direksyon ng binata na kasalukuyang bumubili kasama ng barkada nito.

Sino si Christian?Saglit pa siyang nag-isip.Ah, oo nga pala.

Si Christian ang varsity player ng basketball sa university nila. Crush na crush ito ni Von. Ito rin ang dahilan kung bakit nagkalapit silang dalawa ni Von.

Isang maulang araw, habang naghihintay siya at iba pa nyang kaklase including Von, nang masasasakyan sa harap ng school, ay may humintong pulang sportscar sa harapan nila. Nagulat ang karamihan ng kababaihan, “including” Von, nang  ibaba ni Christian ang bintana. Gwapo ito, pero walang dating sa kanya. Ang mas lalong kinagulat ng lahat ay nang tawagin siya nito dahil isasabay na raw siya nito pauwi. Halos magkapitbahay lang kasi sila. Aayaw sana siya pero alam naman niyang mabait ito at kilala naman niya ang pamilya nito. “Sorry girls, two-seater lang kasi itong kotse ko eh, kaya next time nalang, okay? Magkapitbahay lang kasi kami kaya isasabay ko na siya sa pag-uwi. “

Nang papasakay na ay sinulyapan niya si Von na kagaya ng karamihan ay gusto siyang kalmutin at ibaon sa lupa ng buhay. Ipinagkibit balikat na lamang niya ito. Bahala sila, basta siya, may free ride home!

Minsan lang naman nangyari yun eh, hindi na naulit. Ang she doubts kung naaalala ni Christian ang pangalan niya. Pinakilala lang kasi siya ng tita niya sa pamilya nito once, nung bagong-lipat siya.

Kinabukasan ay pinuntahan siya ni Von habang kumakain siyang mag-isa sa canteen. Medyo, loner kasi ang dating nya, being this nerdy-looking girl thanks to nerdy-looking glasses. Nagulat siya dahil lagi namang sa may “popular” table ito, kasama ng mga cool “daw” nilang kaklase. Kahit na kasi bakla ito, hindi ito yung sobrang ladlad, matalino rin ito at magaling makibagay sa tao, kaya hindi nakapagtatakang ito ang nabotong President ng class nila. For a second year student, mataas na nga ang position nito bilang secretary ng student council nila. He is really popular, not to mention he’s also great in sports like volleyball. Kung naging lalaking tuwid sana ito, baka heartthrob na talaga ang maging dating nito sa campus. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit nakatayo ito ngayon sa harapan niya at pinapanood siyang kumakain ng sandwich. Inikut-ikutan pa siya nito ng tatlong beses na tila iniinspeksyon siya at hindi pa nakuntento ang kumag! Dumukwang ito at inilapit ang mukha nito sa kanya at kumurap-kurap pa na tila ba hindi makapaniwala.

Be my SupermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon