Zooey's POV
Iniwan nanaman siya ni Von. Saan nanaman kaya pupunta ang baklitang iyon? Uwian na nila at dali-dali itong nagpunta somewhere beyond the sea. Mag-isa nanaman siyang tatambay sa favorite place nila, ang "Sweet Pearl". Masarap kasi ang iba't-ibang flavor ng milk tea dito, at lagi pa siya nitong nililibre sa tuwing may bago siyang kwento about Christian. And at the same time, naging paborito na rin niya ito.
"Superman, iniwan mo nanaman ang Lois Lane mo." Napahagikgik siya sa sinabi. Naglakad na siya patungo sa Sweet Pearl dahil malapit lang ito sa university nila. Nang makarating ay napansin niyang halos puno na ang lugar, swerte na lamang niya nang may nakita siyang table for two. Dali-dali siyang nagpunta dito. Mauuna sana siya pero biglang may bumangga sa kanyang mukhang nakikipag-unahan rin sa pwesto. Na-out of balance tuloy siya. Napaupo siya sa sahig.
"Ouch..." hindi maipinta ang mukha niya nang makitang nakaupo na sa dapat niyang pwesto ang dalawang maldita niyang kaklase. Narinig niya ang impit na pagtatawanan ng iba pang customers.
"Ooops, sorry darling, we didn't see you." sabi ni Clara sa malanding English. Ngumiti naman si Leslie na para bang sinasabing, "you deserve it, freak."
Handa na siyang makipagsabunutan biglang may naglahad ng kamay sa kanya. "Need some help?"
Tiningala niya ang lalaking may pamilyar na baritonong boses. Sana si Superman.Sana si Superman.
Nawala ang ngiti niya nang makitang si Christian pala ito.Well, okay na ito, pagtsagaan.Tinanggap niya ang kamay nito at tinulungan siya nitong tumayo.
"Girls, don't be so harsh to Zooey. I promised her parents that I'll keep an eye on her." Prenteng sabi nito.
Teka, eh, hindi naman nito kilala ang parents niya ah.At matagal na ring pumanaw ang mga ito. Sige, sasakyan nalang niya ito.
"Mag-isa mo lang ba?" tanong nito. Tumango siya. "Halika, mag-isa ko lang din eh, would you like to keep me company?" Nagulat siya nang lumapit ito at bulungan siya. "Kabayaran sa pagsagip ko sayo at sa lantarang pang-i-stalk mo sa akin." Kinindatan pa siya nito.
Bumilis ang tibok ng puso nya.Nahalata siguro nito ang pamumutla niya. "Oh come on, I won't bite. Tara. " Iginiya na siya nito sa table malayo kila Clara. Sinulyapan niya ang mga ito at nakita niyang gustung-gusto na ng mga itong tanggalin lahat ng buhok sa katawan niya. Beh.
Nang makarating sa table ni Christian ay ito pa ang humila ng upuan para makaupo siya. Wow, gentleman si kuya. Abusuhin ko kaya. haha.
Bigla niyang naalala ang sinabi nito kanina.Alam nitong ini-stalk niya ito?
"Hey, you look pale. Don't worry, sanay na akong ini-stalk ako." She smiled sarcastically, and he smiled back as if he's enjoying the show. He waved at the waiter. "What do you want to drink?"
"Wintermelon." sabi nya sa waiter. Tumangu-tango lang ito. "Make that two."
"About kanina..." simula nya.
"Ah, don't get me wrong, ayoko lang ng may inaapi." Ang yabang ng isang ito."Especially to pretty girls like you." Ay bumawi.
"Ah.. Okay."
Bigla itong tumawa. Napansin siguro nito ang pagsimangot niya kaya tumahimik na ito. "Zooey, right? Sorry kanina kung napagtrip-an kita. Yeah, I know you're stalking me. Minsan kasi nakikita kitang sinusundan ako pag umuuwi ako ng bahay. Pero, you look harmless naman kaya hinahayaan lang kita. I thought you like me. Pero judging on how you look right now, parang naiirita ka sa kagwapuhan ko." He smiled sweetly.
"Yeah, to be honest, oo, medyo naiirita ako sayo." Dumating na ang order nila. "Kung hindi mo lang ako sinagip sa pagkapahiya kanina, kinalmut na kita."
"Talaga? Baka magalit mga fans ko."
"Weeh? May fans ka?" She adjusted her glasses.
"Yeah, di ba isa ka sa kanila?"
"Uy, di ah, kapal mo ah.Kaya lang naman kita ini-stalk dahil kay--" Natutop niya ang bibig.
"Dahil kay?"
"Wala! Joke lang, sige na nga, aaminin ko na, fan mo ako." Pilit siyang ngumiti.
"Hmm." Uminom ito at nginuya-nguya pa ang pearls ng drinks nito. "You're cute, so, I won't force you to tell me the truth." Bolero.
"Oo nga pala, about sa sinabi mo kila Clara kanina. Hindi mo naman kilala parents ko ah?"
"Yeah, well, a little white lie wouldn't hurt. Magthank you ka nalang."
"Haha. Thanks nga pala. Bakit ka nga pala nag-iisa ngayon?" Curious na tanong nya dito. Lagi kasi itong napapaligiran ng mga barkada nito. "Baka may hinihintay kang ka-date?"
"Ah, no. I like being alone at times. Gusto ko lang magbasa ng mga libro at mag-unwind." Noon lang nya napansin ang librong nakapatong sa lamesa nila.
"The Hunger Games? Whoah, gusto ko rin nyan! Can I look at it?"
"Yeah, sure." Iniabot nito sa kanya ang libro. She had always wanted to buy a copy pero hindi niya afford. Pinag-iipunan pa lamang niya ito.
"You want to borrow it?"
"Is it okay? Kaya lang kasi, nakakahiya naman, ngayon lang kita nakilala, madadagdagan pa atraso ko sayo."
"Correction, you know me already. Di ba nga, stalker kita?" He laughed as she made a face. "It's okay. You can borrow it after I'm finished with it."
"Really?" excited na sabi niya. Mabait naman pala ito, may pagkamahangin lang.
"Hindi ko alam na mahilig ka palang magbasa ng libro. I thought sa basketball lang umiikot ang mundo mo."
"Yun naman lagi ang first impression ng mga tao sa akin eh." He sipped at his drink again, and it made a sound. "Oops, ubos na pala."
Now it's her time to laugh. "Hindi ko rin alam na mahilig ka sa milk tea."
"Wow, ang dami mo pa palang hindi alam about me ah. Sabi ng mga friends ko, girlish daw ang pag-inom ng milk tea eh."
"What? Di kaya." Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar. Bukod sa isang grupo ng babae na may kasamang bakla, ito lang ang lalaki doon.
"See? Well, eh bakit ba? Ang sarap kaya." Then he smiled at her. Gusto pa sana niyang makipag-kwentuhan dito pero biglang tumunog ang cellphone niya. Nag-excuse siya para sagutin ito.
"Hello?"
"Zooey, asan ka? Can you please do me a favor? Naiwan ko kasi sa locker ko yung libro ko sa Statistics, eh may quiz tayo bukas, pwede mo bang balikan sa school at pakidaan sa bahay? I'm sorry, nakalimutan ko sa pagmamadali ko. Baka late na kasi ako makauwi eh, hindi ko na maabutang nakabukas yung school. Please? Please? Thank you. I love you!" yun lang at ibinaba na nito ang telepono.
She sighed.
"Boyfriend problems?" tanong ni Christian.
"How I wish. Si Von yun.Time to be his errand girl again."
Napakunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya. "What? You're letting that guy boss you around?"
"Nah, it's okay. Nag-I love you naman siya sa akin."
A sexy smile curved his lips. "So, you like that gay-guy, huh?" Nanunuksong sabi nito.
"Ah, eh... Gotta go!" She grabbed her bag and went out of the shop. Narinig niyang tumawa ito.Patay, ang tanga-tanga ko talaga. Pano na yan? Baka malaman ni Von ito. Shit.

BINABASA MO ANG
Be my Superman
RomanceExam week noon, and I thought, late na ako. Pagpasok ko ng assigned room, nagkatinginan kami. Ewan ko kung guni-guni ko lang iyon, o kung epekto ba yun ng ilang galong kapeng nainom ko, but he looked so mesmerized. I thought, “What if?”. Kaya naisip...