Elesi

2.5K 85 10
                                    


Hayaan mong liparin ka nitong hangin sa kalawakan
Kung saan naghihintay ang mga anghel sa tanggapan
Nang Panginoon na matagal kang iningatan
Mahal, alam kong sa pag ihip ng elesi
Ay ang tuluyan mong pagbitiw
Masakit man handa akong tanggapin
Na baka itong kwento natin ay sadyang bitin

Pero sige,payag na ako
Itutulog ko na lamang ito
Sa ganito naman ako sanay diba?
Kapag masakit ay pipikit
Kapag mahapdi ay hihilik
Para sa tingin ng iba ay malakas
Para walang magaakala na ako'y duwag
Para hindi halata na takot akong wala ka

Pipikit ako ngayon para di ko mapanuod ang pag alis mo
Matutulog ako para di ko maramdaman ang pagkawala mo
Sana ay pagbigyan tayo ng Diyos
Na sa panaginip ay muling magkita tayo

Sana'y paggising ko nandyan ka na
Sana'y ngitian mo ako gaya ng dati
Mabubulol ka at hahalikan naman kita
Mamumula ang pisngi mo at lalo akong mababaliw sayo
Tatawa tayo na parang tayo lang ang tao
Hahawakan ko ang kamay mo at di na ako bibitiw
Yayakapin mo ako ng sobrang higpit

Hanggang dito na lang siguro tayo
Hanggang panaginip na lang ang kaligayahan ko
Kapag tulog ako doon ka lang nandoon
Sa pagdilat ko naroon na naman iyong totoo
Na wala ka na
Na iniwan mo ako
Na kasama mo na Siya
Na kahit masakit kailangan tanggapin
Na tayong dalawa hanggang panaginip na lang

Sana sa susunod na pag ikot ng elesi
Naroon ka sa kabilang dulo,nakangiti
Sasalubungin mo ako,parang dati
Itatanong, "Kamusta ka na? Ang tagal nating di nagkita?"
Habang ako ay di makasagot
Luluha na lamang at tatango
Bago ka kabigin para yakapin
At doon di na ako bibitiw

Sana sa susunod na ikot ng elesi..

Sana sa susunod na ikot ng elesi..

UnwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon