Unthinkable

92 1 0
                                    

7:00 P.M. ng gabi, uwian na sa pinapasukan nilang paaralan. Habang naglalakad si Lawliet pauwi narinig niyang tinawag siya ni Shiori " L! " (L- ang kanyang palayaw). Lumingon lang si Lawliet sandali at dumiretso lang sa paglakad na para bang walang nakita kaya agad siyang hinabol ni Shiori "L, sandali hintayin mo ko sabay na tayong umuwi ," ngunit dirediretso pa ring naglakad si Lawliet kaya walang nagawa si Shiori kundi manahimik na lang at sumabay na lang sa kanya."L, ba't ka ba nagkakaganyan? Di ka naman ganyan dati ah.. Naaalala ko nung mga bata pa tayo napakamasayahin mo, halos di na nga matanggal ang mga ngiti sa mukha mo nun, pero simula nung nawala mga magulang mo nagkaganyan ka na. Siguro kailangan mo na ring kalimutan ang lahat at mag move-on, napakatagal na nun eh! Ilang taon na ang nakalipas," sabi ni Shiori habang naglalakad silang dalawa.

Sandali namang napahinto si Lawliet at napayuko, para bang may malalim na iniisip. Agad namang humingi ng tawad si Shiori "L, sorry di na dapat ako nagsalita," ngunit dumiretso lang si Lawliet at mas binilisan pa ang lakad. Inintindi na lang ni Shiori ang nararamdaman ng kanyang kababata kaya lumiko na siya sa kabilang kanto upang umuwi.

12:15 A.M. na ng hating-gabi ngunit gising pa rin si Lawliet, nakayuko at tulala. Gabi-gabi kasi bumabalik sa isipan ni Lawliet ang mga pangyayari nung gabing iyon, nung gabing pinatay ang kanyang mga magulang. Isang gabi masayang nagsasalo-salo sa hapunan ang kanyang pamilya ng biglang may narinig silang bumangga sa kanilang gate. Nang ito'y silipin ng kanyang ama mula sa bintana upang alamin kung ano ito ay laking gulat niya ng makita niyang ito'y sasakyan na may sakay na apat na armadong lalaki, kaya agad tumakbo ang kanyang ama sa kanyang kwarto at kinuha ang kanyang baril at sinabihan niya ang asawa at anak na maghanap ng ligtas na matataguan. Sa sobrang takot ni Lawliet kumaripas siya sa pagtakbo sa ilalim ng mesa habang ang kanyang ina ay kumuha ng patpat upang makatulong sa kanyang asawa. Nakipagpalitan ng bala ang kanyang ama ngunit ito'y nasawi matapos tamaan ng bala sa dibdib at agad naman sumugod ang kanyang ina at hinataw ng patpat sa mukha ang isang lalaki na nagdulot ng paghiyaw nito at pagdurugo ng kanyang mukha ngunit dahil nagiisa na lamang ang kanyang ina ay hindi niya na kaya ang mga ito. Hinawakan ang kanyang ina ng tatlong lalaki at hinubaran, habang ang isa namang lalaki ang gumahasa dito at binaril niya ito matapos pagsawaan. Bago umalis ang mga lalaki ay tinanggal nila ang kanilang mga maskara, sandaling sumilip si Lawliet para tignan ang mga itsura ng mga lalaki ngunit sa sobrang kaba ay agad siyang bumalik sa ilalim ng mesa ang tanging nakita niya lang ay isang malaking sugat sa mukha ng isang lalaki. Simula ng araw na iyon lagi ng walang kibo si Lawliet at tanging ang matalik na kaibigan ng tatay niya na si Mr. Watari ang kumupkop sa kanya.

Lunes ng tanghali, oras ng klase. "Ba't kaya di pumasok si L ngayun? Dapat talaga di na ko nagsalita... " pagsisi ni Shiori sa kanyang sarili. Narinig ni Kira si Shiori,"Ano ka ba? Wag mong sisihin ang sarili mo sa pagiging eMo ng L na yun! Mabuti pa't kalimutan mo na yun nandito naman ako eh! Ibibigay ko lahat ng gusto mo.." sumbat ni Kira. "Manahimik ka nga diyan. Intindihin mo muna pag-aaral mo bago ako,ang baba ng grades mo ah! " sagot ni Shiori. "Kung tutuusin di ko na naman kailangan mag-aral eh! Mayaman ako may trabaho para sakin si papa kahit di ako mag tapos.. " pagmamayabang ni Kira. "Kung sa bagay tama ka, mayaman kayo di mo na kailangan maghanap ng trabaho pero mas maganda pa rin kung may pinag-aralan ka! " sabi ni Shiori. "Ay naku! Basta hayaan mo na nga... HHHmmmm kailan ka pwede? " tanong ni Kira. " Bakit? " wika ni Shiori. " Hindi ba obvious? Yayayain kitang lumabas haha.." patawang sagot ni Kira. "Wala akong time para sa mga kalokohan mo Kira, maghanap ka ng ibang babaeng lolokohin " pabalang na sagot ni Shiori. Agad namang sumagot si Kira "Shiori seryoso ako sayo. Hindi kita lolokohin. Pagbigyan mo na ko magdi-dinner lang naman tayo eh! Wala namang masama dun diba?". Huminga si Shiori ng malalim at sumang-ayon na lang kay Kira.

Dinala ni Kira si Shiori sa isang 5-star restaurant, doon nagkwentuhan sila at doon din ipinagtapat ni Kira ang tunay na nararamdaman niya kay Shiori. Liligawan daw niya ito at ipapakilala sa ama niyang si Mr. Ryuk. Sinabi naman ni Shiori na hindi pa siya handa at iba ang mahal niya ngunit imbes na magalit ay malumanay na sinabi ni Kira na ok lang daw handa naman siyang maghintay dahil sa sinabing ito ni Kira ay nahiya si Shiori na tumanggi, pumayag na siyang ipakilala siya ni Kira sa kanyang ama at laking tuwa naman ni Kira.

LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon