Chapter One: Sayaw

6 0 0
                                    

BASAHIN MUNA ANG STORY DESCRIPTION :) SALAMAT! :D

Day 1

March 28,2017
Tuesday
@Home

Hi Kuya James! It's been a week (and a day na) nung sinayaw mo ako. *insert kilig emoji here*  Ang dami ko tuloy nalaman sayo. Grabe  unexpected naman talaga, and daming walang kasayaw nung Thanksgiving pero bakit ako?

~ F L A S H B A C K ~

Thanksgiving, Acceptance and Fellowship
March 20,2017

Narinig mo ba yung usapan namin ni Daniela?  (kaibigan ko) Haha. Nagbibiruan lang kami nun e. Tapos ang kwento pa ni Daniela....

Daniela's POV:

Ako: "Grabe no,  nakakakilig yung mga nagsasayaw. *kilig naman si ako*"
Daniela: "Hahaha,  oo. :)"

May bigla na lang kumulbit sakin.

~ E N D O F F L A S H B A C K ~

Yan ang kwento niya, pero wala talaga akong maalala na sinabi ko yan. So ayun na nga, nung may kumulbit sakin si Ate Rinzee, kaklase mo raw, kilala ko siya sa mukha e.  Nandoon din si Kuya Paul, dating CAT Officer, HUMSS sila. Tapos nandon ka din. Di kita KILALA. Pramis.  Hahaha.  Pagkakita ko sa iyo, sa inyo, pero yung sayo muna. SHET! AMPOGI MO PO! Hahaha.  James Reid ikaw ba to? :) Kamukha mo si James Reid, how come? Hahaha.  So ayun.  Si Ate Rinzee pala yung kumulbit.  Eto na nga ang nangyari.

Ate Rinzee: "Ate pwede ka po bang maisayaw?"

Ako: "HAHAHA. Hala, Ate,  hindi po."
Shet! (super kabado ako, di ko alam kung anong gagawin.)

Ate Rinzee: (may kinausap ata siya nun) *i tago na din natin sa pangalang James hahaha* "Ate sige na kahit 15 seconds lang po, pleaseeee. "

Ako: "Hahahaha. Hindi po...... Ayaw ko po Ate.... "
(sinenyasan ko na si Daniela, tapos sabi pa niya "sige daw") omygash.

Pinagisipan ko naman din yun. Sabi ko sa isip ko, Grade 11 to,  nakakahiya tsaka baka last na to. Pagbigyan ko na kaya? Sayaw lang naman eh.

Si Ate Rinzee TUMAYO. HALA. SHET TUMAYO.

Ate Rinzee: "Sige na ate, kahit saglit lang, luluhod ako pag di mo siya sinayaw, pag di kayo nagsayaw."

Shet. Nakakahiya naman atang may luluhod sa harapan ko, babae at Grade 11 pa, mas matanda sakin. Baka sabihin kung anong ginawa ko dun.

DI NA AKO NAKAAYAW. Kahit nakakahiya man. Bago kasi to sakin e, first time na may nag-aya sa kin.

Edi lumakad na kami.

POV ko:
"Nakakahiya talaga, ano ba ang ginagawa ko dito? Normal lang daw yun pero ang BIG DEAL sakin, kasi FIRST nga yun e.

So nagsayaw na kami. Ang una ko agad tinanong ay yung pangalan niya, kasi DI KO TALAGA SIYA KILALA. AS IN. Tapos sumagot siya, JAMES... Ahh James pala ha. Hahaha.

~ F L A S H B A C K N U N G M A G S A S A Y A W N A ~

Ako: Habang naglalakad * SANA WALANG MAKAKITA...  PLEASE ( sa isip ko lang yan) Hays.

Ako: "Kuya ano pong pangalan nyo? "

Siya: "James."

Ako: " Ahh. James pala."

Tapos nun lumipat na siya ng pwesto. Sa may harapan ko ata. Okay dapat mabilis matapos yung pag sayaw.

Ako pa ata ang unang nagtaas ng kamay e, senyas ba na *sa isip ko (Kuya bilisan mo naman, para matapos na. ") *

Nilagay ko yung kamay ko sa kamay niya, tas yung isang kamay niya sa bewang ko ata yun.

Parang normal lang na gawin yun kasi nagpractice kami ng ganong position a.k.a Waltz Position, para yun sa sayaw sa Thanksgiving.

AUTOMATIC. MATIC na kumbaga.

So sige, sayaw, nagtanong uli ako.

Ako: "Kuya saglit lang po tayo ha? *yung pagsayaw*"

Siya: *ang lakas ng tugtog di ko marinig sinabi niya. *

Inulit ko ulit yung tanong.

Siya: "Hanggang sa matapos yung kanta."

Ay grabe siya o! In your face, edi magsayaw ka nang mag isa! HAHAHA.

Tinitrip lang ata ako nun e. Yung reaction pa ng face nya. Kauma. Parang ewan.

Tapos nakita ko si Ate Lalaine, dati kong ka-choir.

Ako: "Hi po hahaha."

Ako uli: "Ate, mabait po ba to?"

Ate Lalaine: " Haha. Oo mabait yan."

Sumabay pa yung kasayaw ni Ate Lalaine, Emman ata pangalan nun e.
Sabi e. "Yan pala yun ha" sabay kamay pa kay Kuya James.  HAHA.

Nakaka-ewan lang, hindi ko naman talaga kasi kilala yun.

Tapos ayun, natapos na yung kanta, YES!  Buti mga saglit lang din yun.  HAHAHA.

Pagbalik ko sa table namin, nandun si Daniela,  hahaha. Grabeee. Nakakauma na ewan, dapat pala hindi na lang ako umo-o. Grabe talaga yung reaction ko. Hysterical.

First time e! Ikaw nga, makipagsayaw ka sa di mo kakilala, ay grabeee! First Dance to a STRANGER pa.  Hahaha.  Lakas maka-wattpad talaga e.
Sinong hindi magugulat don?
Sa dinami dami ng babae na nandon,  bakit ako? Palaisipan yan sakin.

Syempre kinilig din naman ako, hihihi. Aba!  HAHAHA. Ang swerte ko na nga daw e, kasi may nag-aya sakin. Di pa rin ako makapaniwala.

Syempre pagkauwi ko sa bahay. Sinabi ko na kina Mommy and Tatay, hindi ata ako matatahimik e. Char.
Sabi lang nila e. "Ahh may nagsayaw sayo..." Parang okay lang. Chill lang ang mga parents. Hahaha.

Syempre nacurious na ako! Hahaha. Search nga natin sa FB. James ********* (baka hanapin nyo charrrr!) May lumabas. Ang pangit ng profile pic nya, pero mas pogi siya sa personal. Hahaha. Tapos mga mins at hours ata yun, may nag-friend request na mga bes!  Potek siya yung nagfriend request.  HAHA. Ang ganda ko no? Stalk pa more. Siguro nakita nya yung pangalan ko sa ID. E hindi ko nga siya kilala e.

At dahil dalagang Pilipina ang ate nyo, hindi ko muna ina-accept! Syempre dapat pakipot muna tayo. HAHA.

Hanggang dyan muna ang Chapter 1 :) Kung nagustuhan nyo, just read and vote? Hahaha.  Tama ba? :) Kung gusto nyo pa malaman ang mga susunod na pangyayari at mga kaganapan, invite others na basahin to:) If you read this, comment "kilig si ako" :D

P.S. Basahin po ang story description! :) Thankk youu!

XOXO, BinibiningUmasa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary Ni Miss UmasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon