-Emily's POV-
Habang naglalakad ako papuntang paaralan tanging tibok ng puso ang naririnig ko dahil sa kaba ng nararamdaman ko. hindi ko maipinta ang nararamdaman ko ngunit pilit kong pinapa kalma ang sarili ko dahil bago pa lang ako sa paaralan na pinapasukan ko.
Pagpasok ko sa classroom namin lahat nakatingin saakin na parang tuwang tuwa sila saakin.
Umupo ako sa Bakanteng upuan sa tabi ng isang babaeng maikli ang buhok. Nginitian niya ako na parang isang inosenteng anghel. Napaka ganda niyang tingnan. Nginitian ko naman siya at umupo na.
"Hi! Im Jennica"sabi niya habang naka ngiti saakin.
"Nice to meet you Jennica, Im Emily" sabi ko sakanya.
"Nice to meet you too Emily"sambit naman niya.
At nag daldalan na siya saakin. Tumango tango lang ako sa mga sinasabi dahil hindi ako interesado sa pinagsasabi niya.
Hanggang natapos ang klase namin tanging siya lang ang naka usap ko. Paalis na sana ako nung may sinabi siya saakin.
"Emily, Punta ka sa Bahay namin wala kasi akong kausap sa bahay yung parent ko kasi nasa business trip eh"sabi niya.
"Try ko makapunta text mo nalang kung saan at anong oras"sambit ko sakanya.
"Sige, I will invite my bestfriends para makilala mo sila!"sabi naman niya saakin. Ang saya ko dahil unang araw pa lang ng pasukan may nakilala na agad akong mabait na kaibigan.
"Okay, See you"sabi ko habang nakangiti.
Umalis na ako at umuwi agad para mag relax.
Nakita ko agad ang bunsong kapatid ko na si Min-Min na umiiyak habang pinapalo siya ni papa siguro may nagawang kasalanan naman takot na takot si Min-Min pag nakikita si papa maski ako takot din dahil konting palpak o kasalanan lang pinagsisigawan ka na.
Lumapit saakin si Min-Min habang umiiyak.
"Ate! Si papa! "sabi niya habang umiiyak.
"shhh...wag na umiyak"sabi ko sakanya habang pinupunasan ang luha niya.
Pumunta ako sa kitchen para uminom ng tubig dahil nawalan ata ako ng laway kaka daldal kay Jennica.
Tumunog ang phone ko kaya agad ko chineck ito. Si jennica. Sinend niya na pala kung kailan kami pupunta at kung saan. Rosewood City.
Kaya nagpaalam ako kay mama kasi mainit pa yung ulo ni papa dahil sa kapatid ko. Pinayagan naman nila ako hindi naman kasi si mama masyadong strict eh.
Dinala ko ang maliit kong shoulder bag ko at nagdala din ako ng jacket.
Umalis na ako ng bahay para maghanap ng masasakyan pero kahit isang jeep or tricycle wala akong makita. Kaya i decided na maglakad nalang.
Habang naglalakad ako parang may sumusunod saakin. Hindi ko alam kung sino dahil puro anino ang nakita ko sa tuwing tumitingin ako sa likod ko.
Binilisan ko na ang paglalakad dahil malapit lang naman ang Rosewood City dito.
Mga 5 mins na ako naglalakad at sa wakas nawala na ang sumusunod saakin.
Nakita ko ang isang malaking bahay at nakita ko agad si Jennica na may kasamang tatlong babae na magaganda din.
Agad niya akong niyakap habang yung tatlong babae ay naka ngiti saakin.
"Yay! Thanks for coming"sabi ni Jennica. Nginitian ko lang siya.
"Oo nga pala, Meet my bestfriend Si Hailee, Kaitlynn, and lastly my Closest friend si Arya." sabi ni Jennica habang isa isang tinuturo sila.
"Nice to meet you y'all"nakangiti kong sabi sakanila.
"Nice to meet you, Emily"sabi ni Arya. Teka! Bakit alam nila name ko. Baka sinabi na ni Jennica yung pangalan ko nung wala pa ako.
"Tara! Let's go inside" sabi ni Jennica habang papasok sa bahay nila.
Sinundan ko lang sila at manghang mangha ako sa living room nila na napakalaki at napaka ganda ng mga furniture.
"Ano guys? kain muna tayo?"tanong saamin ni Jennica habang binubuksan ang ref nila.
"Sige,kanina pa ako gutom eh"sabi ni Kaitlynn
"Girls, may dala ba kayong swim suit o pang swimming dahil magsuswimming tayo mamaya"sabi ni Jennica.
Nag-start na kami kumain ng snacks katulad ng popcorn, Oreos, Ice cream at kung ano ano pa.
Pagtapos namin kumain naglaro kami ng truth or dare na ang dami kong napa amin na mga secrets, crushes, at kung ano ano pang mga kalokohan pero habang nag truth or dare kami may napansin ako kay Jennica na namumutla at parang hindi maipinta ang kanyang mukha.
"Okay ka lang ba, Jennica?" sabi ko sakanya.
"A-Ah O-Okay lang ako"sabi niya at napatingin naman sina Arya saakin na parang nag- aalala na din.
"Sure ka ba?"sabi ni Hailee.
"Okay nga lang ako" sabi naman ni Jennica.
Nag nod na lang kami.
"Who wants To watch a movie?"tanong naman ni Kaitlynn
"Me"maikling sabi ni Arya.
"Me too"sambit naman ni Hailee.
"Romance or Comedy?"tanong ni kaitlynn.
"Romance"sabay sabay naming sabi kaya napa tawa na lang kami at umupo na sa sofa para manuod.
Katabi ko si Jennica na hawak hawak ang phone niya at hindi pa din maalis ang pagka mutla ng mukha niya.
Nasa gitna na kami ng movie na mukhang inaantok na sila pati na din si Jennica maski ako inaantok na kaya agad kong pinikit ang mga mata ko hanggang sa makatulog ako.
____________________
Pag-gising ko tanging isang malakas na tunog ng pinto ang narinig ko kaya agad akong tumingin tingin sa paligid at napansin kong wala si Jennica.
Wala si Jennica.
Nagising din sina Arya sa narinig nila at Nakita ko ang pinto na naka bukas.
Nilibot namin ang buong bahay niya pero wala kaming nakitang Jennica
Nasaan ka Jennica?
______________
A/N; Hope you like it guys! Vote comment and share! love lotss💞____________
BINABASA MO ANG
•Sweet Little Liar•
Mystery / ThrillerA friendly Faces,But behind that friendly faces there was a demonic faces behind it. Don't Trust them. Trust us. Because We are the Sweet Little Liars.