Chapter One: A Scene in the Woods

107 6 3
                                    

He lives in shadows
Lonely he has been
He lurks in silence
His presence unseen

His life is your blood
Your light is his death
Delighting in broken soul
In his every single breath

The moon is his sun
The night is his day
His eyes are on fire
And you are his prey

A monster of darkness
From a cold immortal empire
A soldier of death
And they call him... a vampire...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

**Aleeyah Debois**

Tinitigan kong muli ang walang katao-taong hallway habang kinikislot ang pagod kong mata.
Ang sikat ng araw ay nagsisimula nang puminta ng kulay kahel na ilaw sa kalangitan.Ilang minuto na lang ay lulubog na ito para magbigay daan sa papalitaw na buwan.
Mabagal akong naglakad papunta sa direksyon ng girl's dormitory.

Tahimik...

Masyadong nakakabingi ang katahimikan na bumabalot sa paligid.Ang tanging nadidinig ko lang ay ang sarili kong yabag at marahas na paghinga.Ang malamig na hangin ay mahinang humahaplos sa maputla kong balat dahilan upang magsitayuan ang balahibo ko sa braso.

Maingat akong lumingon sa paligid.
Katulad ng unang araw ko dito ay naririto nanaman ang hindi maipaliwanag na kaba na bumabalot sa dibdib ko.Pakiramdam ko ay may laging hindi magandang mangyayari ano mang oras.

Nagpakawala ako ng buntong hininga bago ibinalik sa harapan ang aking konsentrasyon.Kailangan ko na atang bilisan.Mag-gagabi na.Sigurado akong hindi ko magugustuhan ang masasaksihan ko sa madilim na hallway na to kapag masyado pa akong nagtagal.

Ito na ang pangatlong araw ko dito sa Trenton High pero mukhang kailangan ko pang sanayin ang sarili ko sa mga bagay bagay sa paligid.
The spooky ambiance,the weird stares of people,the creepy chills that I felt everytime Im alone...

Para bang ano mang pagkakataon ay may nagbabadyang kamatayan sakin.

My parents enrolled me--or shall I say throwed me--in this school a week ago.Noong Lunes lang ako nagdesisyong pumasok dahil kailangan ko pang ayusin ang mga files at papers ko sa previous school na aking pinanggalingan.Maayos naman ako doon.May kaibigan din naman ako kahit papaano.Pero heto at inilipat na lang ako bigla sa bagong paaralan.They surely want to take control of my life.Ni hindi nga nila ako tinanong kung gusto ko bang lumipat dito.

'Mas mapapanatag kami kapag sa Trenton ka nag-aral.You're safer and secured there.At isa pa,napakaganda ng reputasyon ng paaralang yun.Perfect match to contrast  your ugly attitude.Baka sakaling doon ka pa magtino.'

Hanggang ngayon ay nakatatak pa sa utak ko ang mga salita ng ama ko.Oo,aaminin kong hindi ako masyadong 'friendly' at paminsan minsan ay nasasabak ako sa gulo,pero ang ilipat sa magandang school para lang matakpan ang pangit kong pag-uugali?.Its totally ridiculous.
And what does he mean by safe and secured?

A Tale of Forever UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon