Chapter 8

187 7 1
                                    

Laura.

*ring ring*

"Yeobusoyo? Johnny oppa?" hindi ko naituloy ang dapat kung sasabihin kay Donghyuck dahil biglaan nalang tumawag si Johnny oppa. Bakit kaya?

"[Laura-ah, bukas pa ba uuwi ang parents mo?]" agad na tanong niya na nakapagtaka sa akin.

"Oo, bakit?"

["Si grandma isinugod sa hospital sabi ng maid niya. Ngayon pa lang, kaya papunta na ako. Diba magkasama kayo ni Donghyuck ngayon? Susunduin nalang kita kung saan kayo para sabay na tayong pumunta doon.]"nakapagtataka kung bakit niya alam na magkasama kami ni donghyuck pero binalewala ko nalang. Si Halmeoni, parang dinurog ang aking puso ng marinig na isinugod na naman siya sa hospital. This been consecutive for weeks, at madali lang siya dini-discharge dahil ayaw niyang mag-stay sa hospital.

"Nasa mall kami ngayon, maghihintay lang kami sa parking lot." 

["Okay wait for me there, I'll put this down now."]

"Take care oppa." pagkatapos nun ay binaba ko na ang tawag at sandaling napatulala. Tinanong ako ni Donghyuck kung okay lang ba ako but I stayed silent siguro alam na niya nag ibig-sabihn nun diba? I'm going crazy.

"Donghyuck-ah." mahinang tawag ko. "Nasa hospital ang lola ko, susunduin ako ni Johnny oppa para sabay na kaming pupunta sa hospital." natahimik siya saglit at nag-isip. Napayuko ako, kapag pamilya na ang pinag-uusapan naiiyak talaga ako pero ayokong umiyak sa harapan niya. Nakakhiya kaya, pagkatapos kung sungitan siya bigla nalang akong iiyak, that hurts my pride.

"Sasama nalang ako sa inyo ni Johnny hyung." aniya.

"Huwag na, baka busy ka pa ngayon." sa totoo lang, ayokong makita niya ang weakness ko. 

"I already texted him. Sasama na ako." napabuntong hininga ako. Ewan ko kung bakit hindi na ako tumutol pa.

Kaya naghintay kami sa parking lot, hindi naman kami natagalan doon. Pagkarating namin sa hospital para akong nanghihina. Nang nasa elevator kami patungong third floor kung saang room na confine si lola ay naramdaman ko ang kamay ni Donghyuck sa likuran ko, hanggang sa naramdaman ko na dahan-dahan niya itong hinimas-himas.

My heart breaks into pieces when I saw her again lying on the hospital bed but this time, marami ng nakasabit sa kanya. She heavily breathes trying to survive. Alam ko dadating din ang araw na magpapahinga na siya kahit isipin ko pa lamang ay masakit na pero mas gusto ko pa rin siyang makita na mapayapa at hindi na siya mahihirapan ng ganito. Mas masakit kapag araw-araw ko siyang nakikitang ganito. Si Johnny oppa ay lumabas muna saglit dahil may bibilhin daw siya sa convinience store kaya kami lang ni Donghyuck ang naiwan dito. 

"Malapit ka ba sa kanya?" tanong ni Donghyuck sa akin. Nasa gilid lang ako nakaupo, pinagmamasdan ko lamang ang pinakamamahal kong lola sa buong buhay ko. 

"Oo. Siya lang kasi ang nandyan para sa akin palagi, siya lang ang nakakaintindi sa akin. Palagi kasing wala sila mommy at daddy." kwento ko sa kanya. Sa mga panahon na hindi ko na kaya ang mga dinadala ko, tinatawagan ko si lola, kahit nasa Chicago ako at nandito siya sa Korea ay palagi ko siyang nakakausap. Kaya agad akong pumayag nang sinabi ni dad dito na kami titira. At tsaka si lola at Johnny oppa lang ang nakakaalam sa mga lahat ng pinagdadaanan ko doon. They know how much I suffered while living there. 

Kumuha siya ng upuan at tumabi sa akin. "Pareho tayo, malapit din ako sa lola ko." aniya. "Siya lang din kasi nakakaintindi sa akin." kwento din niya. Tumango-tango lang ako. 

Napatayo ako nang mapansin ko na gumalaw ang kamay ni lola, napansin din iyon ni Donghyuck kaya nagmamadali siya tumawag ng doctor at tamang-tama din nakarating na si Johnny oppa. 

My First And Last Where stories live. Discover now