Jelaica's point of view
******
"Uy Jelai naniniwala ka ba sa mga multo?" Tanong ng bestfriend kong si Alice habang naglalakad kami pauwi galing sa school.
"Oo" Tipid na sagot ko.
"Talaga? pshh ako, hindi ako naniniwala" Sabi nia habang napapangisi pa.
"Paano kung sabihin ko sa'yo na may kasama tayong naglalakad ngayon at nasa tabi mo?" Pananakot ko sa kanya dahilan para mapatingin siya sa'kin ng namumutla.
"Maria Jelaica floresca! wag ka ngang ganyan uuyy!!" Bulyaw niya sa'kin.
Tinignan ko muna siya ng seryoso at pagkatapos ay humagalpak na ako ng tawa. "Hahaha ang akala ko ba hindi ka naniniwala sa mga multo? eh bakit namumutla kana?" Pang-aasar ko na inirapan niya lang.
"Tsk hindi ah," Sagot niya.
"Kunwari kapa eh, halatang natatakot kana haha" Pang- aasar ko pa.
"blaahh, blaahhh, blaaahhh" Sagot niya na parang bang naiinis na.
Palihim na lamang akong ngumiti, dahil kahit hindi niya aminin ay halata naman talaga sa pagmumukha niyang natakot siya.
Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad at hindi ko na lamang siya inasar dahil baka kumaripas na siya ng takbo at iwanan ako. Pero paminsan-minsan ay sumusulyap parin ako sa babaeng sumasabay sa amin ngayon.Mahaba ang itim niyang buhok at bagsak na bagsak ito, puti ang mahabang damit at nakikita ang naaagnas niyang balat. Sa muling pagsulyap ko sa kanya ay bigla na lamang itong tumingin sa akin at ngumisi ng nakakaloko. Kinabahan ako at mejo natakot kaya naman hindi ko na lamang siya tinignan pa.
"uy besh bakit ang tahimik mo?" Tanong ni Alice dahilan para mabaling sa kanya ang atensyon ko.
"Ah wala may iniisip lang ako" Sagot ko at tipid na ngumiti.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa hindi ko na namalayan na wala na ang babaeng nakikisabay sa amin.
Malapit na rin ang bahay namin kaya naman binilisan nalang namin ang paglalakad. Kung tatanungin niyo kung wala bang trycicle dito? Actually meron naman, naglakad lang talaga kami para makatipid sa pamasahe.
"Sige besh bye na" Paalam ni Alice.
"Sige" Sagot ko sabay ngiti.
**************
Ako nga pala si Maria Jelaica Floresca in short Jelai. Isang Probinsyana na may simpleng pamumuhay kasama ang ate at nanay ko.
19 years old pa lang ako at 2nd year college sa kursong education. Hindi kami mayaman kung kaya't umaasa lang ako sa libreng scholarship na ibinigay sa akin ng university.
Maraming nagsasabi na maganda nga raw ako at matalino at mabait, 'yan din ang laging sinasabi ng Nanay ko maliban nalang sa ate ko na filingera tsk.
Hindi ko alam kung paano ko nakuha ang kakayahan kong makakita ng multo, pero nagsimula ang lahat ng ito noong 10 years old palang ako.
Nakikita ko ang mga bagay na hindi na nakikita ng iba, kung minsan pa nga ay nakakausap ko pa sila. Totoong nakakatakot at nakakakilabot ito, pero sa paglipas ng mga taon ay natutunan ko narin itong tanggapin."Jelai!! ano pa bang ginagawa mo jan? halika na magsasaing kapa" Napairap nalang ako nung marinig ko ang malakas na bulyaw sa'kin ni Ate Emerald. Umiral nanaman ang katamaran niya, sarap batukan! argghh..
"Oo na!! " Sigaw ko.
----------------
A/N:
Nagustuhan niyo sana ang short prologue ng story 😘
Please support this story through your votes and recommendations.Warning: PLAGIARISM IS A CRIME.
BINABASA MO ANG
My Boss Is A Ghost [Completed]
ParanormalSi Maria Jelaica Floresca ay isang simpleng probinsyana na may hindi pangkaraniwang kakayahan. Ito ay ang makakita ng mga multo at makausap ang mga ito. Lumuwas siya ng maynila upang magtrabaho bilang kasambahay sa isang mansyon, kung saan makikilal...