Mysterious man

5.7K 183 26
                                    

Chapter 1: Mysterious man


*******

"Ate! dalian mo naman maligo at baka hinihintay na ako ni Alice sa terminal ng bus!" Bulyaw ko rito sa harapan ng pinto ng banyo.

"Sandali lang!" Sagot niya.

"Hay naku ang tagal niya talaga isang oras na yata siyang naliligo baka naman balak pa niyang jan nalang matulog, nakakaasar na" Protesta ko sa isip ko.

Tinignan ko ulit ang oras sa phone ko at 7:30 na ng umaga, nagmamadali pa naman ako dahil magkikita kami ngayon ni Alice sa terminal ng bus para magpunta sa maynila.

Bakasyon nanaman kasi at wala ng klase kaya naman napag-isipan kong pumayag sa alok ni Aling Bebang na lumuwas ng maynila at pumasok bilang isang kasambahay. Malaki rin daw kasi ang sahod at malaking tulong rin 'yun sa pag-aaral ko next school year. Mabuti na lang at pumayag si Nanay.

"Teka nga sobrang tagal na talaga ni ate sa banyo nakakainis na talaga! "

"Ate pakibilisan mo naman oh" Sabay pagkatok pa sa pinto. Ngunit wala akong nakuhang sagot kundi ang tunog lang ng nakabukas na gripo. Maya-maya pa ay may kumalabit sa akin..

"Huy sinong kausap mo jan?" Tanong ni Ate Emerald. Nanlaki ang mga mata ko nung makita ko siyang hindi galing sa banyo.

"A-akala ko kasi may tao sa banyo" Sagot ko nalang.

"Tss" Binuksan niya ang pinto ng banyo at wala ngang ibang tao roon, ang nakakapagtakha pa ay sarado na ang kaninang bukas na gripo. Pumasok na lang ako sa loob ng banyo kahit na alam kong may kakaiba.

"May sumagot naman kanina ah"
Medyo kinilabutan ako nung ma-realize kong naka-encounter nanaman ako ng ligaw na kaluluwa. Napabuntong-hinga na lamang ako at iwinaksi sa isip ko ang mga nangyari.

-------------

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at nag-impake ng mga dadalhing gamit.

"Anak mag-iingat ka doon hah, wag kang magpasaway kung hindi mo kaya umuwi ka nalang hah" Pagpapa-alala ni Nanay.

"Oo nga! ingatan mo sarili mo ron, wag kang mag-alala ako ng bahala kay Nanay" Ang sabi naman ng batugan kong Ate. Biro lang, mahal ko rin ito no kahit parang aso't pusa kami madalas.

"Opo wag kayong mag-alala dalawang buwan lang naman po eh uuwi din ako" Sabay ngiti ko sa kanila.

Nung nakahanda na ang lahat ay nagpaalam na ako sa kanila at niyakap ko pa silang dalawa bago ako tuluyang lumabas at umalis ng bahay.

************

Halos 9:00 o'clock na ako nakarating sa terminal ng bus at naghihintay na nga roon si Alice. Nilapitan ko siya at sakto namang dumating ang isang Bus pa-maynila kaya naman sumakay narin agad kami sa bus.

"Uy Alice alam mo na ba address ng bahay na pupuntahan natin?" Tanong ko sa kanya nung makaupo na kami.

"Oo naman kakabigay lang ni Aling Bebang kanina, naku beshh excited na akong makita ang maynila!!" Sagot naman ni Alice habang kitang-kita ang tuwa sa mukha pero..

"Pshh huy magtatrabaho tayo dun hindi lalakwatsa" Pangbabara ko na inirapan niya lang.

"Ang KJ naman, alam ko naman yun ah! bakit ikaw hindi kaba excited?? malay mo doon mo na mahanap ang forever mo! oh my gosh, I'm so happy for the both of you" Sabi ulit niya "Ays ang O.A"

"Alam mo, para kang tanga" Sagot ko na ikinanguso niya.

"Pshh ang Kj talaga ayoko na!" Sagot nalang niya na parang suko na ang gaga.



My Boss Is A Ghost [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon