Veronica's pov
*Tok.Tok.Tok*
"lady Veronica, lady Veronica. gising na po kayo. First day nyo po sa school ngayon. Bawal po kayong malate." malumanay na sabi ni ate Mira.
Isa siya sa mga kasambahay dito sa mansyon ni mommy Alexa. Si mommy Alexa ang itinuring kong nanay sa loob ng labing-isang taon.
Why? Kasi ulilang-lubos na ako. My dad died when I was four years old. i don't have brother nor sister. and my mom was killed when I was seven years old.
And mommy Alexa is my real mom's true and closest friend. Kaya siya na ang nagsilbi kong nanay. Mabait siya, maganda, at meron siyang isang anak si Kuya Brandon.
Hindi naman nila ako sinasaktan at tinuturing rin nila akong kasali sa pamilya nila.
Binuksan ko na ang pinto at nginitian si ate Mira. Matagal na rin siya rito kaya close narin kami.
"Good morning ate!! Thanks sa paggising." Nakangiting wika ko sa kanya. Siya ang pinakaclose ko kasi siya yung pinakamabait dito yung iba kasi mga mahadera.
"Good morning din sayo. Baba na ako ahh?" Nakangiti ding sabi niya. Tango nalang ang isinagot ko.
Pagkaalis niya isinara ko na ang pinto atsaka ako pumasok sa bathroom sa kwarto ko para maligo.
Pagkatapos kong maligo nagsuot na ako ng simpleng t-shirt atsaka short shorts dahil dito lang naman ako sa bahay.
Lumabas na ako ng kwarto ko atsaka bumaba. Pagpasok ko sa dining area ay nakita ko sila mommy at si Kuya Brandon.
Agad naman silang napalingon ng maramdaman nila ang presensya ko. Pagkakita nila sakin gumuhit agad ang question mark sa mukha ni mommy. Samantalang si Kuya Brandon naman ay biglang......
" Pfft..Haahahahaahhhaha" like what the eff? Anong meron at ganyan sila makareact? Tiningnan ko si mommy ng 'what's happening with the both of you? look' mukha namang nagets niya dahil sumagot siya agad.
" nakalimutan mo na dear? It's your very first day in school." Pag-papaalala ni mommy sakin.
Then it hits me. Totoo yun VERY FIRST day in school. Ngayong taon lang ako papasok sa school. Simula noon home study lang ang ginagawa ko. Ayoko kasing makipag-socialize or should I say makipagplastikan sa mga tao.
And also one of my reason is that I have trust issues. I watch my mother being murdered in front of me. Nakita ko pa siyang pinagsasamantalahan ng sarili kong Tito. Which is my father's brother. Ngayon hindi parin siya nakukulong at nagtatago parin.
Dahil din dun kaya ako nagdidisguise. Nang napansin ko kasi na habang tumatanda ako ay gumaganda ako kaya hiniling ko kila mommy na gawan ako ng disguise.
Kaya simula noon, suot ko na lagi ang disguise ko, tinatanggal ko lang ito kapag matutulog o kaya maliligo.
"Do I really have to do that? You know my issues about socializing and trusting other people." May halong pag-kainis na tanong ko. Di ko tuloy napansin na napapa-english ako. Psh
"Hahahahah-aray! Bat ka nananakit?!" May halong inis na sabi ni Kuya. Tawa kasi ng tawa kaya ayun pinalo ko sa matigas na ulo niya ang bitbit kong iPad.
"Baliw ka kasi! Hindi ka naman pogi ehh." pero syempre joke lang yun. Ang pogi pogi kaya ng Kuya ko. Kamuka nga niya si James Reid kaya nga siya habulin ng chicks sa school.
"Stop that argument. At Ikaw Veronica magbihis ka na muna bago ka kumain go!" May halong pagmamadali na ani ni mommy.
Bubuka pa lang ang bibig ko para sana mag-salita nang..................
"Go! Stop complaining!" May ha long pag-kairita at inis sa boses ni mommy. Hindi ko nalang siya pinansin at umakyat nalang agad sa taas. Alam ko naman seryoso na siya baka mamaya mabigwasan pa ako..
"I hope I'm ready. I should be ready"
YOU ARE READING
The vampire's wrath
VampireVeronica Beneventi. Nerd: li'l bit. maganda: nu uh! matalino: sobra! isang simpleng estudyante na nag-aaral sa 'International Philippines University.' o IPU. Isa sa pinakasikat at prestilhiyosong paaralan sa buong Pilipinas. Isa din siya sa nagkagu...