Bloody Breakfast

47 2 1
                                    

Killer's POV

Well, mabuti na siguro yung sigurado, kesa naman mapagsabi pa niya na ako yung Killer diba?

Nagpunta na ako sa banyo at binura ang bahid ng mga dugo.

Bumalik na ako sa higaan ko ng parang walang nangyari.

"AAAAAAAAAHHHHHHH!!"nagising ang lahat sa sigaw ni Kate.

"Ano yun? Sinong sumigaw?"tanong ni Zyrene. Nagulat silang lahat ng makita ang pira pirasong lamang loob ng kung sino sa lamesa

Nanginginig na tinuro ni Kate ang kitchen sink at nakita nilang nakaupo roon ang malamig na bangkay ni Janeer.

Lumapit si Flora dito. Tumingin sya sa mga mata ng dalaga at tila nangungusap ito ng hustisya.

"Janeer..."mahinang wika ni JM at yumakap sa matalik na kaibigan.

"Ok lang yan JM, wag kang mag alala"sabi nito at hinagod hagod ang likod ng tinuturing na kapatid. Ihinarap niya sakanya si JM at saka ngumiti.

"Bakit kailangan nya pang mamatay.."hikbi nito. Patuloy sa pagpapakalma si Czarynna sa kaibigan.

Ang lahat ay nagtipon tipon sa Sala.

"Please, wag niyo tong sasabihin sa iba, masisira ang image ng resort namin"pagmamakaawa ni Robin. Tumingin sakanya si Emilvy.

"Ano? Mas mahalaga pa ba ang image ng Resort niyo kesa sa kaibigan natin?"inis na tanong ni Emilvy. Halatang paiyak na ito

"Kung sino man ang may gawa nito, ay isa lang satin"wika ni Brent. Napatingin sakanya ang mga kaklase.

"Attention, we'll do this by partner. Boys maghanap kayo ng kapartner niyo na Babae, ganun dapat para maprotektahan nila ang mga girls"pahayag ni Zy.

"Agree ako don, magingat kayo sa mga sasamahan niyo delikado"tugon naman ni Kate.

"Nakakatakot, dapat talagang mag ingat ang lahat"seryosong sinabi ni Alena

Nahain na ng pagkain si Flora ngunit may kaba sa dibdib. Hindi kaya ng hinala niya ng killer?

Nasaksihan si Flora na pumasok si Janeer sa kusina mtapos pumasok ang isa nilang kaklase.

"Lutang ka nanaman madam haha"masayang wika ni Alena. Ramdam mo ang kaba nilang dalawa matapos mangyari.

Tahimik na kumakain ang lahat at tila nagpapakiramdaman ng mahulog ang flower vase sa bandang bintana. Napatingin ang lahat don.

Sa isang iglap ay may pumutok n baril sa loob. Muling nagkagulo ng lahat. Napatingin sila sa bangkay ni Emilvy na naiwang nakahandusay sa lapag.

"SHIT! EMILVY!"sigaw ni Czarynna at lumapit sa kaibigan. Nagkatitigan ang lahat. Hindi mawari ang nangyayari.

"Umalis na tayo"seryosong wika ni Robin.

"PANO SIYA?!"maluha luhang sambit ng dalaga at dinuro ang kaibigan.

Pinakalma sya ni JM at niyakap ito. Tumawag na ng pulis si Zyrene at agad na dumating ang mga ito.

"Malinis pumatay ang Killer"wika ni Chief Gueverra, hawak nito ang ilang ebidensya ngunit ayon sakanila ay walang bakas ng kahit anong fingerprint ito.

I'm DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon