Naalala ko nun, gustong gusto mong kinakantahan kita, kahit na di maganda boses ko, parang feeling ko matutunaw ako sa mga titig mo. May ginawa pa nga tayong tambayan sa likod ng MOA malapit sa VIKINGS. Sa pinakadulo yun. Naging tambayan ko na yun noon. Dinadala kita dun kapag gusto mong mag unwind. Yung mejo tahimik at hindi masyadong crowded. Sa tabi ng dagat na sabi mo, namimiss mo yung Probinsya nyo na malapit lang kayo sa dagat. Namimiss mo yung mga magulang mo na ikaw lang naman ang inaasahan kaya nandito ka sa Manila. Ikaw pa naman yung tipong parang walang problema, mapagtimpi, yung tipong di ka nagsasabe kung may problema ka, kung di ko pa mahahalata at halos lumuhod ako sayo sabihin mo lang, di ka pa magsasabi. Yung laging masaya at nakangiti. Lalo kasi akong naiinlove sayo pagnakangiti ka. Ginawa ko lahat yun kasi gusto ko hanggat nasa tabi kita, maramdaman mong sobrang pinahahalagahan kita.
"GUSTO KONG MAG ABROAD. Gusto ko magkasama tayo. Gusto ko, mag ipon." sabi mo.
"Ako din naman. Matagal ko ng balak yun. Takot lang akong sumubok." sabi ko.
"Isa sa mga pangarap ko yun. Para malaki na maitulong ko sa pamilya ko." sabi mo.
"Tapos pag naka ipon, Travel at work abroad ulit no?" sabi ko.
"Magpapagawa tayo ng bahay at apartment para kahit di na tayo magtrabaho, may magiging income tayo. Dun natin bubuohin yung pamilya natin. Mag aampon tayo 2 lalaki at isang babae. HAHA. Tapos magiging Teacher ako at Engineer ka naman." pagbibiro mo pa.
"HAHA ayaw mo sa bata db? Pero sige gagawin natin lahat yan! HAHA" sabi ko.
"Gusto ko ikaw na hanggang huli. Sana TAYO na hanggang huli." mga salitang nagtatak sa puso't isip ko.
"Pagnakapundar na tayo at parehas na tayong may ipagmamalaki, MAGHAHANAP AKO NG KAHIT ANONG PARAAN PARA PAKASALAN KA. HINDI AKO MANGANGAKO, PERO SISIGURADUHIN KONG TUTUPADIN KO." Napakasarap sa Feeling ng parehas kayong nangangarap para sa isa' isa. Bigla kong naimagine nung time na yun kung gano ka kaganda sa susuoting mong damit pang kasal Hays! Niyakap kita ng sobrang higpit. Yung yakap na mararamdaman mong IKAW AT AKO NA TALAGA HANGGANG HULI.April, hindi mo ko naihatid kasi nasa Duty ka. Dinaanan lang kita nun. Habang nakatitig ako sayo, halatang halata kong pinipigilan mong umiyak. Pinipigilan mong lumapit saken kasi GULONG KAYO nun! (HAHAHA segway lang) pero tumingin ka lang saken at bumulong ng "INGAT KA, I LOVE YOU." pagkakabasa ko sa mga labi mo. Kinilig ako sa part na yun kasi bihira ka magsabi ng ILOVEYOU 😂 Pero Umalis ako ng malungkot kasi di manlang kita nayakap.
Nasa kalagitnaan na ko ng byahe ng bigla kang tumawag.
"Nakauwi na ko. Sorry, di kita nalapitan kanina. Nakarating ka na ba?" bungad mo.
"Hindi pa. Kalahati pa lang ng daan. Kumain ka na ba? Kumain ka na muna, maya na lang ako tatawag pagnakarating na ko. Alam mo namang mahiluhin ako sa byahe. Idlip muna ko." sabi ko.
"Ok sige." sabi nya.
"Sige, kain madami a. I love you." sabi ko. (Binaba nya agad yung Phone)
Di ko pinansin kasi nasa isip ko, ugali na nya yun. Baka wala sa mood kasi nga sa sitwasyon namen ngayon.Lumipas ang 5 buwan, ok naman tayo, twice a month akong bumibisita sayo. Tx, Chat at Calls pagfree time. Kaya pag umuuwi ako sayo, wala tayong pinapalagpas na sandali. Pero di na tayo masyadong nakaka ubra sa bahay nyo dahil madami ka ng kasama dun. Nahihiya naren kasi ako gumawa ng ipinagbabawal na teknik habang katabi sila matulog HAHAHA. Mahirap kumilos. Para kang naghahanap ng adik sa loob ng kwebang madilim 😂 Kaya halos nagchecheck in na lang tayo lagi. Minsan pa nga, di tayo nakatiis, habang nag iinom tayo sa Bar, sinusubok ko pang pasukin ka ng palihim. Kunwari "WOHOO KAMPAY!" pero yung isang kamay ko, naglalabas pasok sayo. Ikaw naman, iyak tawa ka kasi di mo malaman kung anong magiging reaksyon mo WOHAHAHA. Tapos pinagtawanan nyo pa ko nung sumuka ako sa daan.
"WALA KA PALA E! MAHINA! SUMUSUKA!" tawa kayo ng tawa.
"MGA ULOL!! DUMURA LANG AKO! NAPADAMI LANG YUNG LUMABAS!" sabi ko.
"DI TALAGA MASAYA PAGWALA KA MEN! CLOWN KA TALAGA NG TROPA!" sabi nila habang tawa ng tawa.
Inaalalayan mo paren ako nun kahit alam mong pati ikaw may tama din.
YOU ARE READING
JOLLIBEE STORY "Bagyong nakapagpabago ng lahat"
RandomRead at your own risk (SPG Content) A real life story between a Straight and a Lesbian. How and where they're started and HOW THEY END.