Naaalala mo pa ba? (One Shot)

127 8 13
                                    

Naaalala mo pa ba?

Noong mga bata pa tayo? madalas tayong nagkikita sa simbahan, lagi mo pa nga kasama mommy mo nun.

Naaalala mo pa? nung lumipat kami sa isang subdivision, di ko akalain na magiging kapit-bahay kita.

Ikaw nga lagi kong kalaro. Wala kasi akong kakilala sa lugar na yun.

Laging tagu-taguan. Ikaw nga laging taya dahil weak ka. hehehe. :p

Eh noong naging magkaclose na ang mga magulang natin? Lagi pa nga nilang sinasabi na bagay tayo.

Hanggang sa nag-Elementary tayo. Lagi pa nga kitang kasabay pumasok at umuwi.

Ikaw lagi nagtatanggol sa akin sa tuwing may nambubully sa akin.

High School.Magkaklase pa rin tayo. Madalas pa nga mapagkamalan na Boyfriend kita dahil lagi tayong magkasama.

Minsan din tayong nabansagan ng mga kaklase natin na Best Couple Ever.

Dahil dito, unti-unti kita nagiging "CRUSH", dahil gwapo ka na nga, matalino na, mabait pa.

Pero ayaw ko itong aminin sa 'yo, dahil ayokong masira ang pagkakaibigan natin.

Sa tuwing tinititigan ko ang mga mata mo, lagi kong nasasabi sa sarili kong napakaswerte ko dahil nakilala kita.

Naggraduate tayo ng High School. Ikaw ang Valedictorian, ako ang Salutatorian. Ang talino mo talaga.

Hanggang sa nag-college tayo. Nag-engineer ka, nag-accountancy ako. Nasa iisang school, pero di maka-room.

Naaalala mo pa ba? Noong Foundation day ng school natin, nagkaroon ng "Marriage Booth". tayo pa nga ang napili noon.

Alam mo bang unforgettable yun? dahil pagkatapos noong araw na yun, may inamin ka sa akin.

Since HS mo pa pala ako "Crush", pero ngayon mo lang inamin dahil natatakot kang iwasan kita at masira ang friendship natin.

tinanong kita kung bakit mo ako naging crush, sabi mo dahil maganda ako, matalino, mabait pa.

Akalain mo? Parehas pala tayo ng nararamdaman.

Naaalala mo pa ba? Noong 3rd College tayo, sinimulan mo na akong ligawan.

Pero, hindi muna kita sinagot, dahil alam mo namang focus talaga ako sa pag-aaral ko.

Buti naman at naintindihan mo ako noon. Nag PROMISE  ka sa akin na maghihintay ka.

Naaalala mo pa ba? Noong 5th year College na tayo. Almost 3 months na lang, graduate na tayo.

December nun. Sinabi mo sa akin na pupunta kayo sa America, para samahan ang lola niyo magpasko doon.

First time na Christmas ko noon na hindi kita makakasama.

Noong araw na yun na sinabi mo sa akin na aalis kayo, bigla akong kinabahan sa di ko malamang dahilan.

5 days before Christmas, umalis na kayo noon.

Naaalala ko pa nga. Sinabi mo sa akin noong araw na yun na Ingatan ko ang sarili ko.

December 25. Pasko. Ang lungkot ko, ang tahimik.

Pagkagising na pagkagising ko, nagkakagulo ang kapitbahay natin sa harap ng bahay niyo.

agad akong lumabas para magtanong.

Nagulat ako nang malaman ko kung bakit sila nagkakagulo. di ko alam kung niloloko ba nila ako o hindi.

Sa isang iglap, huminto ang oras at nagbago ang buhay ko.

Naaalala ko pa, nagpromise ka na maghihintay ka, pero wala.

Alam mo na kung ano yung balitang yun? Kung bakit ang daming tao sa harap ng bahay niyo?

"Naku, di mo ba alam? yung nakatira sa bahay na 'yan, yung pumunta sa America? PATAY NA. Nagcrash daw yung eroplano. Yung tatay at nanay, 50-50. Pero yung anak nila, di na kinaya, namatay."

Akala ko, mageend ang love story natin sa Simbahan, kung san tayo unang nagkita. Nakagown ako na puti, ikaw naman ay naghihintay sa akin sa altar. Yung mga eksenang nasa Marriage Booth.

Pero ngayon. Nakabarong ka, nakahiga, nagpapahinga. Ako naman, naka itim, namamaga ang mata, depressed, di na alam ang gagawin.

Lahat ng akala ko, biglang nag-iba.

Hanggang sa dumating ang Graduation, Cum laude ako. Sayang, kung nandito ka lang, malamang Cum Laude ka rin ng course mo. Balak ko pa naman, sa araw ng Graduation natin, sasagutin na kita. Kaso, wala...

Nakakalungkot na ang love story natin, ay hanggang kwento na lang. Pero, sad ending.

Bakit sa mga palabas, puro happy ending. Bakit ako? hindi? Unfair.

Akala ko, hanggang sa pagtanda ntin, magkasama pa rin tayo.

Don't worry, aalagaan ko ang sarili ko gaya ng sabi mo.

At tandaan mong Ikaw lang talaga.

Maganda ba dyan sa langit? hintayin mo ako dyan ah?

Paalam, mahal.

_______________________________________________________________________________

Yeah! Thanks for reading. Sensya na kung medyo EMO XD Wala namang pinagdadaanan, sadyang trip lang. :)

Naaalala mo pa ba? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon