Chapter 3

10 0 0
                                    

LUKE

Tangna! First Day na First Day ko badtrip ako! Bwisit kasi yung babae na yun! Pota eh siya nga tong tatanga tanga tapos siya pa galit -.-.

Sakit ng anit ko shit!

"Pare okay ka lang?.".tyler.

"Muka ba akong okay ha?! Bwisit!.".

"Kalama dude! Panget ka lalo niyan!.".clyde.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Badtrip na nga ako dadagdag pa tong mokong na to!

Padabog akong naglakad papuntang sa third class ko. Tangna parang ayaw ko na dito.

Lumiko ako ng daanan kaso may kung anong halimaw ang bumulaga sakin. Nyeta ba't ang daming alien sa school na to!

"Hi Luke!.".

Kakaiba ang muka niya! Nakakabighani ng kapwa niyang kakaiba. Isa siguro siyang Half frog, Half clown, Half monster at Half alien. Ano to all in all? Tss. -.-.

"Tabi nga diyan alien.".

Dadaan na dapat ako sa kaliwa kaso humarang ang clown/frog/monster/alien. Wala akong time makipaglaro sa alien na tulad niya -.-.

"Ang ganda ko namang alien luke!.".

"Hoy! Alien! Wala ba kayong salamin sa bahay niyo! Kasuka!.".

Iniwan ko na siyang nagmumukang alien/frog/monster/clown. Over all panget -.-.

"Luke Babe!.".

"Tangna mo! Di ako baboy!.".

-*-*-

DANE

"Chel! Di ako sasabay pauwi ngayon, may hahanapin ako sa library eh!".

"Huh? Hintayin ka na lang namin, baka mapano ka pa!.".chel.

"Di yan! Sige na. Bye nessa bye chel labyu! Sige na chupi!.".

"Oh sige ingat ka paguwi ha?.".chel.

"Yes boss!.".

"Bye bebe dane! Mwuapps!.".nessa.

Kinawayan ko na sila hanggang makaalis. Inayos ko yung mga gamit ko at dumiretso ng library.

Medyo madilim na dahil gabi na. Ako na lang ata natira dito sa school eh, kaya medyo nakakatakot na rin. Kinikilabutan na rin ako dahil sabi ng tabi tabi may mumu daw dito.

Pumasok ako sa madilim na library, di ko maiwasang di matakot like hello?! Ang dilim kaya tsaka ako lang nandito! UWAAA!! Bakit kasi inalala ko pa yung mumu! Huhu mama!!

Dahan dahan akong dumiretso sa computer para magresearch. Hindi ko na binuksan yung ilaw kasi di ko alam kung saan eh wala naman sa tabi ng pinto! Kaya eto yung computer ang nagsisilbing ilaw!

Nang matapos ako binuksan ko yung flashlight ng makalumang phone ko. Eh ala ako pambili bago eh! Puro pangkain ng kapatid ko tsaka sa pang-aral nila.

Naglakad ako papunta sa mga books shelve para may magamit ako paguwi, buti na lang pwedeng manghiram ng libro dito.

Malapit na sana ako sa book shelves ng may tumunog. Tiningnan ko kung may tao wala naman. Woo kalma dane. Hangin lang siguro yun!

Kaso maya maya may narinig akong yapak kaya nagsimula na akong matakot. Eh kasi naman eh! Anlayo ko pa sa shelves tapos nagpaparamdam na agad yung mumu!

Kaya nagmadali akong puntahan yung book shelves. Nung medyo wala na yung tunog medyo kumalma na ako tsaka dahang dahan na rin akong naglakad.

Kaso bumalik nanaman yung tunog eh!

"May tao po ba diyan?.".

Imbis na sumagot may naramdaman akong hangin na dumaan sa likod ko. Okay natatakot na talaga ako.

"UWAAA! Mama naman eh!! Ba't ngayon ka pa magpaparamdam mama! Pwede namang pag may kasama ako hindi yung mag-isa ako! Tsaka mama naman! Di naman sa takot ako sayo pero-- WAAAAH!!! MUMU!!!!.".

Napasigaw na talaga ako. Sino ba namang hindi eh nasa harap ko na yung mumu. Madilim kasi kaya di ko pa nakikita yung katakot takot niyang muka. Lalaki yung figure kaya hindi to si mama!

"Ehh! Papa naman! Hindi nga nagmulto si mama ikaw naman yung nagparamdam! Huhu! Alam niyo naman takot ako eh! Huhu! Papa naman! After 10 years mo muna ako kunin wag ngayon! Huhu!.".

"Pfft! WAAAHAHAHAA!! ANG O.A MO PFFT WAHAHAHAHA!!!.".

Wait? Eh? Di naman ganyan boses ni papa eh! Tsaka patay na si papa bakit siya tumatawa?!

Gumalaw yung figure at bumukas yung ilaw at nakita ko kung kaninong muka yun. Katakot takot nga -.-.

"Ikaw?!.".

"Hindi yung shelves! Tss.".

Siya lang naman yung tumapon ng pagkain ko at sinabihan ako ng tanga, sakit sa feelings ha!

"PFT! DI KO TALAGA TO MAKAKALIMUTAN!! HAHAHAAA !! WAAAH MUMU! HAHAHAHA!! Tangna ! Laftrip!.".

"Tae mo! Bat ba nandito kang halimaw ka!! Bawal panget sa library! Umalis ka nga!.".

"Bawal panget? Eh ba't andito ka?.".

"GRR!! Kasi di ako panget! Umalis ka na nga!.".

"Sige! Haha! May kasama ka namang mumu dito kaya goodluck! Woooo.".

"Tae! Di ako natatakot! Alis!.".

Tumawa lang siya at umalis ng nakangiti. Bwisit! Sumasakit ang ulo ko sa panget na yun! Ba't pa kasi siya lumipat eh?! Kabato -.-.

Dali-dali kong kinuha sa shelves ang libro na kelangan ko at lumabas ng library kasi natatakot pa rin ako eh! Kasi hindi talaga siya yung dumaan sa likod ko! Ang haba naman ng buhok ng panget na yun kung siya yun!

Yung dumaan kasi sa likod ko may buhok kaya may feeling ako na hindi talaga si panget yung dumaan. Eeeek! Magpapasama na ako next time!

-*-*-

Complicated Love ~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon