UNANG KABANATA

0 0 0
                                    


"Tila kay lalim ng iyong iniisip mahal na prinsesa" tanong saakin ng isang butihing kawal

Agad naman siyang yumuko ng makita niyang tinitigan ko siya.

"Wala , iniisip ko lamang kung kailan ako makakalaya muli" sambit ko gamit ang tila mala yelong boses na akin nang nakagawiang gamitin.

"Nalulungkot ang iyong ina mahal na Glacia sapagkat nagbago ka na raw lumalayo na ang loob mo sa kanya" sumbat ni nana ang matandang kakaiba sapagkat siya lamang ang lubos na tumatangi sa akin.

Hindi ako nakaimik sa sinabi ni nana sapagkat ito'y totoo, ang gusto ko lang naman ay makalayang muli, makita ang ganda sa labas ng palasyo sawa na ako sa mga kwento ni nana na mas lalo pang nakapagpapasabik sa akin upang makita ang liwanag na siyang  naaninagan ng sikat ng araw.

Isang napakalalim na buntong hininga ang lumabas sa aking mga labi.

"Nana" sambit ko sa kanyang pangalan

"May iuutos ka ba sa akin mahal na prinsesa?" Sagot niya sa akin sabay yuko bilang simbolismo ng isang paggalang.

Umiling ako dahil hindi iyon ang nais at gusto kung ipahiwatig napayuko ako para pigilan ang tila mga likido na nagbabadyang lumabas sa aking mga munting mata.

"Nana Kumusta na kaya siya? Kumusta na kaya ang prinsepe na parang tala sa langit na ka'y hirap abotin? Maayos kaya ang kalagayan niya Nana? Ka'y talaga na ng muli kung masilayan ang tindig niya at nakatatak parin iyon sa aking puso't isipan, Pero nana may bagong ngiti na ba ulit sa mga labi niya?" Payuko kong tanong dahil na rin sa nahihiya ako at hindi ko alam kung masasagot ba ni nana lahat ng katanungan ko.

Gaya ng inaasahan yumuko si nana, kaya naman lumalala ang tila kalungkutan na namamayani sa loob ko.

"Pasensya na mahal na prinsesa ngunit hindi ko masagot ang iyong mga katanungan kaya patawad" sagot niya sabay yuko.

" Sa tingin ko nana masasagot ang aking mga katanungan kapag nakita ko siya ng malapitan. Kaya lang nakakulong lamang ako sa palasyo at di hinahayaan ni Ina na makalabas manlang tanging mga kawal na nakabantay at laging nakamasid sa aking mga galaw" Namayani na talaga ang kalungkutan mula sa aking kalooblooban.

"Nana ? Hindi yata ako mahal ni Ina dahil kung mahal niya ko hindi niya ko hinahayaan na malungkot ng ganito sa tingin mo nana?" Mahina kumg tanong sa kanya.

"Mahal ka niya mahal na mahal" sagot naman ni nana na may ngiti sa kanyang labi

"Ganito ba siya magpakita ng pagmamahal nana ang lagi niyang nakikitang malumgkot ako at laging nag iisa ganito ba nana! Ganito ba ang pagmamahal saakin ni Ina?" Sagot ko sa kanya sapagkat hindi ako naniniwala sa sinagot niya sa aking tanong.

"Hindi ka niya gustong palabasin sapagkat ayaw ka niyang nakikitang nasasaktan at lalong masasaktan kapag nakita niyang unti unting nadudurog ang puso ng kanya munting prinsesa" sagot ni nana gamit ang maliit na tono ng kanyang boses.

"Nana nakahanda ako, Malakas ako di na ako bata na kailangan pa ng pag aaruga na parang bata"

Nakahanda ako at tanngap ko anuman ang kalalabasan ng pagmamahal ko sa prinsepeng parang tala sa kalangitan na ka'y hirap abutin.

Ilang buwan na rin ako dito sa palasyo na animo'y piitan,walang makausap at tanging huni ng mga nagkuwekwentuhang mga ibon lamang sa kanilang mga pugad ang iyong tanging maririnig. Hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga alala na sana'y maulit pa.

Araw noon iyon ng Unang buwan ng mayo ng makita kung siyang sakay ng isang kabayo. Kahit na malayo ang aming pagitan kitang kita ko mula sa tore ang kanyang angking kakisigan. Ngunit gusto kong natitigan ng mabuti ang kanyang maamong mukha na aking pinagpapantasyahan ngunit nakakalungkot isipin na wala akong magawa dahil sa aking kalagayan.

Ilang araw pa akong naghintay sa kanyang pagdating ngunit. Pagkabagot lamang ang akibg inabot at labis na kalungkutan ang aking naramdaman. Mula ng makita ko siya nag iba na ang pintig ng aking puso. Lalo itong kumabog ng kumabog at para bang tambol na naglalabas ng tunog.

Natigil na lamang ang aking pagmuni muni ng may narinig akong nagsalita.

"Athena" dinig kung sambit ng aking ina na may halong lungkot sa kanyang boses.

Ngunit hindi ako nagsalita.

"Galit ka pa rin ba sa iyong ina? Galit ka pa rin ba sa akin anak" dugtong pa niya.

"Hindi ako galit ina" tugon ko sa kanyang tanong

Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa aking mukha at marahang hinaplos ang aking pisngi at muli akong tinitigan sa mga mata.

"Namumula ang iyong mga mata

The  Princess He Never NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon